TW - PART 4

193 8 0
                                    

"TOOO WISE"
by: jokerV part 4

Naglalakad sina MiChaeTzu sa daan, pauwi sa kanilang bahay.

Chaeng: ahh. Mina pwede bang magtanong?
Mina: oo naman ano yun?
Chaeng: sabi mo kanina half korean at half snake ka ? Ano ibig sabihin nung snake ?
Mina: Ahh! Yung Mommy ko kasi snake siya
Chaeng: ehh?
Mina: Tinutuklaw niya gabi-gabi si Daddy
Chaeng: ahh ! Kaya pala

May nakita silang icecream store sa daan

Mina: teka lang ha?

Huminto naman sina Chaeng at Tzuyu para hintayin si Mina. Maya-maya pa may bitbit na siyang icecream para sa kanilang tatlo.

Mina: kunin niyo (usual eye smile)
Chaeng: woaa nag abala ka pa hehe salamat.

Kinuha nina Tzuyu at Chaeng ang icecream at nagsimula ulit maglakad pauwi.

Mina: Pasasalamat ko sa inyo kasi kayo lang nakakausap ko sa school 😅.

Tzuyu: jinjja ? Kahit ako din si Chaeyoung lang nakakausap ko. Di ko alam kung ayaw ba nila sa akin.

Kaya walang may kumakausap kay Tzuyu dahil nagpapadala ng "death threat" ang fansclub niya sa lahat ng studyante sa campus.

Maya-maya pa tinitigan ni Mina si Chaeyoung na aksidenteng na daplisan ng ice cream ang kanyang ilong.

Mina: Chaeyoung teka lang (dinukot ang panyo sa bulsa)
Chaeyoung: bakit?

Agad namang pinunasan ni Mina ang kanyang ilong. Nagulat si Chaeyoung dahil masyadong malapit si Mina sa kanya.

Mina: eto (inabot ang panyo) gamitin mo muna hehe. (Dahil mayat maya nadudumihan mukha ni chaeng)

Chaeng: go..gomawoyo..

Sa kabilang dako naman...

Kakagaling lang ni Sana galing ng palengke kaya madami ang kanyang bitbit. Sakto namang nakita siya ng kanyang anak na si Mina sa malayo.

Mina: teka Nanay ko yun ah?
Chaeng: Nanay mo ? (Di mamukhaan dahil napakalayo)
Mina: ahh.. Chaeyoung , Tzuyu mauna na siguro kayo tutulungan ko muna si Okasan
Chaeng: sige , kita ulit tayo bukas hehe
Tzuyu: byebye

Sabay alis nina Chaeng at Tzuyu. Tumakbo naman si Mina papunta sa kanyang nanay.

Mina: Okasan anong ginagawa mo ? Bat di ka nagpasundo kay Daddy ?
Sana: Oh Mina anak! Busy ang Daddy mo, di ko naman inisip na makakapamalengke ako , eh ang sabi ko mag iikot ikot muna ako kasi alas singko pa lampungan namin ng Daddy mo.
Mina: Ay ganun ba, akin na yang iba.

Kinuha ni Mina ang ibang bitbit ni Sana.

Mina: Teka bumili ka na naman ng mga pabango?

Sana: hihi okay lang yan anak ang bango kasi naka sale sila ngayon. Kamusta pala school ?

Mina: Ayun nakatayo pa din.

Sana: ibig kong sabihin ano ginawa mo sa school may mga kaibigan ka na ba ?

Mina: ahh hehe, opo, kasabay ko nga sila kanina pauwi , dito din silasa JYP street nakatira.

Sana: aba di na kailangan ng Tatay mong sunduin ka may mga kasabay ka na pauwi.

Mina: opo

Sa kabilang dako naman... sa bahay ng mga Yoo..

Nayeon: Napakasarap naman nitong soju na dinala mo Jihyo-ya !
Jihyo: ay oo special yan, nung makita ko yan sa tindahan ng mga alak ikaw agad naalala ko hahaha.
Nayeon: Hunny ?! (Kay Jeong)

Nakahiga si Jeong sa sala

Jeong: Oh ?
Nayeon: gusto mo bang tikman ? Ang sarap
Jihyo: Oppa! Minsan lang naman ito , sumali ka muna samin
Jeongyeon: Aba Hunny mas masarap pa ba yan kesa sakin?!
Lumapit si Nayeon kay Jeong na nakahiga sa sala
Nayeon: Hunny naman (aegyo) halika na
Tinitigan lamang ni Jeong ang asawa
Jeong: tama na yan maya-maya andiyan na ang mga bata
Nayeon: Hunny bat habang tumatagal gumagwapo ka ? (Sabay yakap at halik sa pisnge ni Jeong)
Jeong: lasing ka na!

Maya-maya pa dumating na sina Tzuyu at Chaeyoung galing ng school.

Chaeyoung: andito na kami!

Nadatnan agad nila ang kanilang mga magulang na naglalampungan sa sala.

Tzuyu: lasing na naman

Binati nila ang kanilang Auntie Jihyo.

Chaeng&Tzuyu: Hi Auntie Jihyo.

Jihyo: Kamusta school?

Tzuyu: ayun nakatayo pa din

Jihyo: ibig kong sabihin anong ginawa niyo sa school

Tzuyu: ahh.. may bago kaming kaklase

Jihyo: ay talaga ? transferee?

Tzuyu: opo, galing yata ng Japan. At maganda (sabay tingin kay Chaeng)

Tumingin naman si Chaeng kay Tzuyu, dahil sa weird nitong tingin.

Chaeng: Ahh! Haha Opo maganda...(pause) Siya. Anong problema nito ? (Sabi sa sarili)

Napangiti si Tzuyu..

Chaeng: weird (bulong sa sarili)

—————————————-
Pumunta sa kani kanilang kwarto ang magkapatid para magbihis. Nilapag ni Chaeyoung ang kanyang mga gamit at naalala niya bigla ang panyo na binigay sa kanya ni Mina. Kinuha niya eto sa kanyang bulsa. Ineexamine niya ang panyo.

Chaeyoung: aba't mukhang mahilig siya sa penguin (may penguin character sa panyo) yung bag niya din penguin, hmmm i see. (Pabulong)

Maya-maya pa sa di malamang dahilan nilagay niya ang panyo sa kanyang ilong.

Chaeyoung: woaa amoy IKAT-JASMIN
Tzuyu: INAAMOY MO BA YANG PANYO NI MINA ?

Bigla namang pumasok si Tzuyu sa kwarto ni Chaeyoung. Kaya naitapon ni Chaeyoung sa mesa ang panyo.

Chaeyoung: GAGO! HINDI!

Tzuyu: weh ? 😏 bat ka namumula?

Chaeyoung: DI KA MAN LANG KUMATOK LABAS ! (Tinutulak ang kakambal palabas)

Tzuyu: di naman ako kumakatok sa kwarto mo pag papasok ako

Chaeyoung: KAHIT NA ! SIMULA NGAYON KUMATOK KA NA.

Tzuyu: OO NA!

Chaeyoung: TSE!

Tzuyu: MINAAA!! (sabay takbo)

Chaeyoung: ANO BA!! Jinjja !! (Sinara ang pinto) biglang uminit ang kwarto ko ah.. (habang pinapaypayan ang sarili)

Natahimik si Chaeyoung ng ilang segundo at muling kinausap ang sarili. Tinitigan niya ang panyo na nakapatong sa mesa.

Chaeyoung: Bat ba kasi ako nagkakaganito?

(To be continued)

Tooo Wise (TWICE parody) tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon