TW - PART 5

166 4 0
                                    

"TOOO WISE"
by: jokerV Part 5

Araw ng Miyerkules walang pasok dahil holiday. Nakaupo si Chaeyoung sa kanyang art table at abalang nag ddrawing. Maya-maya pa bigla na lang niyang narinig ang kanyang pangalan.

Nayeon: Chaeyoung-ah!

Sumisigaw si Nayeon sa ibaba ng hagdanan nang kanilang bahay.

Nayeon: Chaeyoung-ah !

Narinig ni Chaeyoung ang tawag ng nanay.

Chaeyoung: ano na naman kailangan nun ?(padabog na tanong sa sarili) Andiyan na !!

Tumayo siya sa kanyang art table at bumaba.

Chaeyoung: ano po yun ?

Nayeon: paki deliver nga etong mga order ni  Sana sa bahay ng mga Kim.

Itinuro ni Nayeon ang mga Avon products na inorder ni Sana sa kanya. Side line nga pala ni Nayeon nagpapa order ng Avon.

Chaeyoung: bat ako na naman inuutusan mo eomma bat si Tzuyu..

Sakto namang dumaan si Tzuyu..

Tzuyu: pinag uusapan niyo ba ako?

Nayeon: Ay! Tzuyu anak hindi ah ipagpatuloy mo lang yung ginagawa mo.

Sabay alis ni Tzuyu. Una niyang inutusan si Tzuyu kaso tinitigan lang siya.

Nayeon: bilis na ! (natakot kay Tzuyu)

Chaeyoung: 😅 ahh jinjja .. (no choice)

Binuhat at nilabas ni Chaeyoung ang box palabas ng kanilang bahay papunta sa kanilang kapit bahay.

Sa kabilang dako naman, abalang naglalaro si Mina sa kanyang pc. Maya-maya pa may narinig siyang may sumisigaw sa labas..

Chaeyoung: tao po ?! (Pasigaw) bat ang tahimik ? May tao kaya rito? Isa pa nga... tao po ?!

Mina: wala bang tao sa baba ?

Chaeyoung: bat ganun walang may sumasagot

Bukas naman yung gate kaya napagpasyahan na lang niyang pumasok.

Chaeyoung: tao po ?

Mina: ahhh ! Sino ba yun san sina Okasan? (Tumayo sa kanyang upuan para bumaba)

Chaeyoung: Mrs. Kim ?! (Pasigaw)

Mina: Andiyan na !

Chaeyoung: dala ko po yung Avon niyo!

Bababa na sana si Mina para pag buksan ang tao sa labas. Pero biglang lumabas si Sana kaya naudlot at bumalik na lang si Mina sa paglalaro.

Sana: ay yung Avon ko ! Teka andiyan na !
Pasok ka iha bukas yan!

Mina: buti naman.. (sabay balik sa kwarto)

Chaeyoung: okay po..

Sana: paki lapag na lang dito sa mesa.

Chaeyoung: okay po..

Sana: paki sabi pala kay mareng Nayeon salamat ha.

Chaeyoung: sige po..

Napansin ni Chaeyoung na may isang malaking garapon ng ketchup sa lamesa ng mga Kim, napansin naman siya ni Sana.

Sana: ahh haha mahilig ang anak ko sa ketchup kaya niregaluhan namin siya ng daddy niya ng kasing laki ng balde na ketchup. Sa sobrang tuwa niya eh naiyak siya.

Chaeyoung: parang pang 1 year supply na eto ah hehe. (sabi sa sarili)

Napansin din ni Chaeyoung ang pinto ng kwarto sa taas, matatanaw kasi sa kinakatayuan niya ang pinto ng kwartong iyun. Nakita niya na may penguin character sa pinto.

Chaeyoung: ilan po anak niyo Mrs. Kim?

Sana: ay isa lang.. (napansin niya na nakatitig si Chaeng sa pinto) yan ang kwarto ng anak ko.

Chaeyoung: oh yan yung sa tapat ng kwarto ko kasi.

Sana: ay ganun ba ? Hayaan mo ipapakilala kita sa anak ko. Para naman makalabas labas din yun ng bahay, puro na lang siya laro ng laro sa pc niya.

Chaeyoung: hehe sige po.. ahh sige po mrs.kim alis na po ako

Sana: sige salamat ulit ha..

Umalis si Chaeyoung pagkatapos niyang na ideliver ang Avon.

———————————————————

Sa kabilang dako naman, papunta sina Daddy Dubu at  Daddy Jeong sa isang restaurant galing ng golf club sakay sa sasakyan ni Dubu, inimbitahan kasi ni Dubu si Jeong na mag golf. Iniabot ni Jeong ang pambayad niya ng membership kay Dubu.

Jeong: Mr. Kim eto nga ...(di natapos ang pagsasalita)
Dubu: ay wag na Mr. Yoo , ako nag imbita sayo kaya sagot ko na.
Jeong: ahh hehe.. eh di salamat.

Natahimik sila saglit at muling nagsalita si Mr. Kim

Dubu: magaling ka palang pumalo Mr. Yoo mukhang sanay na sanay ka na..
Jeong: ah haha di naman Mr. Kim

Maya-maya pa napansin ni Jeong na papunta sila sa restaurant at pamilyar siya sa restaurant na yun.

Jeongyeon: teka mr.kim anong ginagawa natin dito?
Dubu: pagkatapos ng magandang game diba't masarap munang kumain at uminom ng konte (sabay action ng inom)
Jeongyeon: ehh 😅
Dubu: ay wag kang mag alala mr.yoo sagot ko lahat ng ito.

Jeongyeon's POV

Ang dami yata ng pera ng taong eto ? Di naman siya umaalis ng bahay nila

End of POV

Pumasok sila sa loob ng resto..Binati sila agad ng babae na pamilyar kay Jeongyeon.

Babae: annyeonghaseyo
Dubu: bonjour! Table for 2 prisssss.
Babae: oh oppa ?! (Kay Jeongyeon)

Si Jihyo pala ang may-ari ng resto na napuntahan nina Dubu at Jeong kapatid ni Jeong si Jihyo. Sumensyas si Jeong ng "sssh" umupo sina Jeong at Dubu sa isang table. Maya-maya pa may napansin si Jeong, isang pamilyar na mukha na nasa likod ni Dubu kaya di niya makita. Napansin niyang ang dami niyang inorder sa mesa at mag isa niya lang iyung nilantakan.

Jeongyeon: grbe mag-isa lang niyang nilantakan lahat oh

Nakita din ni Dubu ang mesang iyun pero di niya napansin kung sino yun.

Dubu: oo nga mukhang inorder na niya lahat sa menu (sabay tawa)

Nagtatawanan sina Jeong at Dubu maya-maya pa lumapit ang taong iyun sa table nila. Natingin si Jeongyeon sa taong iyun at lumaki ang kanyang mata. Pero si Dubu tawa pa din ng tawa.

Momo: DAARLIING ?!

Unti-unti namang lumingon si Dubu sa pamilyar na boses.

Dubu: boses chipmunks kilala ko to (sabi sa sarili) DAARLIING !! Bonjour! (Sabay tayo para batiin ang asawa)

Momo: anong ginagawa mo dito ? At bakit tawa ka ng tawa

Dubu: ah naimbitahan ko si Mr. Yoo na mag golf at napag pasyahan naming kumain muna hehe 😅

Momo: bakit ka nga tawa ng tawa?

Dubu: ano ba darling (sabay inilalayan ang asawa papunta sa table na kanyang inuupuan) relax ka muna okay ? ubusin mo na muna etong mga inorder mo. Ano pa ba gusto mo ?

Bigla namang kumalma si Momo at tumingin sa asawa.

Momo: gusto ko IKAW (aegyo)

Medyo nagulat si Dubu sa sinabi ni Momo. Kaya natahimik siya saglit at tumawa.

Dubu: Kelan ba ako naging hindi sayo?

Sa kabilang table naman hinahanda na ni Jihyo ang mga pagkain nina Jeong at Dubu..

Jihyo: sino yan oppa ?
Jeong: yan yung bagong kapit bahay namin , yung babae asawa niya yan. (sabay subo ng inorder na pagkain)
Jihyo: talaga?! Kapit bahay niyo pala yan ? Halos araw-araw nandito yang asawa niya
Jeong: oh talaga ?
Jihyo: ganyan palagi order niyan isang buong mesa.
Jeong: Heol!
Jihyo: Jinjja..

To be continued...

Tooo Wise (TWICE parody) tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon