TW - PART 15

218 8 8
                                    

"TOOO WISE"
by: jokerV part 15

Pumunta si Jihyo sa grocery store at kailangan niyang mamili ng mga ingredients niya para sa restaurant niya.

Jihyo: AMIR! Babe (tingin sa garapon ng abo ni Amir na nakadisplay sa altar) aalis muna ako punta muna ako sa grocery store. Teka gusto mo bang sumama ? (Kinuha ni Jihyo ang garapon) sige tara sama ka.

Sumakay si Jihyo sa kanyang sasakyan at dumiretso ng grocery store kasama ang garapon ni Amir na nakasakay sa frontseat.

Jihyo: teka, mag seatbelt ka para di ka tumilapon.

Sinuotan ni Jihyo ng seatbelt si Amir. Awooo 👻

Nakarating din sila sa grocery store.

Jihyo: dito ka lang muna AMIR, at mamimili lang ako.

Bumaba si Jihyo ng sasakyan at dumukot ng piso sa kanyang bulsa para gamitin sa grocery cart.

Jihyo: unahin ko kaya muna itong harina saka na ko bibili ng mga isda at gulay.

Pumunta naman siya sa baking section.

Jihyo: uy sakto at nakaabot pa ako

Kinuha ni Jihyo ang box ng harina pero hindi niya makuha.

Jihyo: teka bat ayaw?

Napansin niya na may humihila din pala sa kabila. Sumigaw ang tao sa kabila.

Tao: PLEASE !! BITAWAN MO ANG KARTON KAILANGANG KAILANGAN KO TO!!

Jihyo: aba! HINDI PWEDE !! KAILANGAN KO DIN TO!!

Naghilaan sina Jihyo at ang tao sa kabila kaya bumagsak sila pareho sa sahig at nasira ang karton ng harina na pinag aagawan nila at nabuhos sa kanilang mga mukha.

Jihyo: AYAN!! AYAW MO KASING BITAWAN!!

Nagsilipan sila sa spot ng butas na kung saan nakalagay ang nag iisang harina kanina. Pareho naman silang nagulat sa ayos ng kanilang mukha, kaya pareho din nilang tinanggal ang harina sa kanilang mga mukha.

Tao: teka !! Kilala kita ah?!
Jihyo: teka ikaw yung..

Yep, you guess it right, ang napa gwapo at gentleman na tumulong kay Jihyo nung hinimatay siya..

Jihyo: JEC WANSEU PERFECT?! 😨
Jec: Uy si miss himatay ikaw pala..
Jihyo: MAY PANGALAN HO AKO?! (sagot ni Jihyo)

Maya-maya't lumapit ang staff ng grocery store.

Tao: excuse me po? Sino po ang magbabayad ng harina na nasira ?

Nagturuan sina Jec at Jihyo.

Jec&Jihyo: SIYA!! .... ABA!!

Maya-maya pa at nagpasya si Jihyo na siya na lang magbabayad ng harina.

Jihyo: Sige! Ako na bilang pasasalamat ko sayo nung isang araw, pero di talaga ako nakasira ng harina, ayaw niya mo pang umamin!

Tao: ahh ganun po ba hehe..

Umiiling - iling naman si Jec na nasa butas ng shelf, At may sinabi sa staff ng grocery store.

Jec: na guilty siya kaya siya nagbayad.(bulong sa staff)

Tao: ohh ganun po ba hehe..mukha nga 😅

Natapos din ang pamamalengke ni Jihyo at sumakay na sa kanyang sasakyan.

Jihyo: HAAY!! Babe Amir!! Alam mo ba may sira-ulo dun kanina ayaw niyang bitawan ang harina kaya nasira, ngayon di man lang marunong mag sorry. Nasira araw ko 😒

Tooo Wise (TWICE parody) tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon