Chapter Nine
/Luxurious/REALM
I woke up as I heard that crazy siren noise again. Tuesday ngayon at sa pagkakaalam ko ay wala kaming pasok.
May araw daw kasi na walang pasok ang bawat section. It's like day out para raw makapagpahinga ang mga estudyante.
Nagtaka lang ako bakit pa nag-so called 'alarm' eh wala namang pasok ngayon?
"Hey, aga mo ata nagising?" sabi ni Hassium kaya napaharap ako sa kaniya. Nakatayo siya sa may kama niya habang nag aayos ng damit na susuotin niya.
"I heard that sirens again. Akala ko ba walang pasok?" taka kong tanong.
"Yup, walang pasok. May meeting lang akong pupuntahan. And what did you say? The sirens?" kunot noong tanong niya at tumango naman ako. "How come? Hindi naman dapat tumunog yan dahil wala naman tayong pasok. Baka nanaginip ka lang or what"
Dahil sa sinabi niya ay bigla akong napaisip. I clearly heard it. Gising na ako nun.
"Wala ka ba talagang narinig? Pano ka nagising kung wala kang narinig?" I ask before she enter the bathroom.
"Wala akong narinig promise. The reason why I woke up early is that sanay na ako. As the president, I should be responsible to be a good leader to everyone" paliwanag niya at pumasok na nga siya sa banyo.
It's weird. Very weird. Sure na sure talaga ako na narinig ko yung tunog nung sirens.
Napabuntong hininga na lamang ako at naisipan na matulog na lang uli. It is just 4 in the morning kaya medyo inaantok pa ako.
I slowly open my eyes dahil sa liwanag sa mata ko. Unti unti akong napadilat at napatingin sa orasan sa gilid ko.
It is already 7 in the morning. Napatingin ako sa kama ni Hassium at sa buong paligid ng bahay, wala na siya.
Tumayo ako at dumeretso sa banyo para maghilamos. Pagkatapos naman ay nagpunta ako sa may kusina para magluto ng kakainin ko. Nang pumunta ako sa may ref ay nahagip ng mata ko ang isang sulat.
I'll be back at 6pm. Just wonder around the village or the school. Kiel will be a big help. Enjoy your day.
-H
Ang sweet naman pala, nag iwan pa ng note.
I just laugh at my own thoughts and continue to look over the refrigerator.
Kumuha ako ng isang itlog at kinuha ko rin ang isang pack ng bacon. This is a good thing to start your day.
Nagsimula na akong mag-init ng pan at maglagay ng mantika ng may kumatok bigla sa pinto. Hininaan ko na lang ng konti ng apoy at inilagay ang 3 bacon sa pan bago buksan ang pinto.
Pagbukas ko ay bumungad sa akin si Sphere na abot tengga ang ngiti at si Kiel, ang Bragi ng school.
Sphere was wearing a pants and a polo shirt while Kiel is also wearing a pants and a black v-neck shirt.
"Ano ginagawa niyo rito?" I ask.
"Nagyaya kasi si Sphere na i-tour ko raw siya, naisip namin na baka gusto mong sumama" nakangiting paliwanag ni Kiel. Napapansin ko lang na friendly type of person siya, no wonder na isa nga siya sa pinakamabait na tao sa lugar na ito.
BINABASA MO ANG
Blackmage Academy
FantasyWould you agree to live in a place where magics are real? Blackmage village is a small village where almost all the impossible can be possible. Friendship is important so do loyalty and trust. Everything might look perfect in a glance but the main g...