Chapter Fourteen

610 26 5
                                    

Chapter Fourteen
/Unexpected Case/

REALM

"It's—" biglang nahinto sa pagsasalita si Hassium dahil sa malakas na katok ng pinto.

Nagpresinta si Sphere na siya na raw ang magbubukas ng pinto. Sumunod naman kaming tatlo sa kaniya.

It's Pororo, room mate ni Sorry. Pawis na pawis ang mukha niya at para siyang balisang balisa.

"What are you doing here Pororo? Gabi na ah?" tanong ni Hassium.

"President. Nawawala po si Sorry"

Nagkatinginan naman kaming apat dahil sa sinabi niya. Dali dali kaming lumabas at pumunta sa tinitirahan nilang dalawa.

Pagkapasok namin doon ay pare pareho kaming naglibot.

"Kailan pa siya wala? Are you sure na nawawala talaga siya?" tanong ni Kiel.

"Pagkarating kasi namin dito, natulog ako. Nagising ako at balisang balisa ang mukha ni Sorry. I ask if she okay then she answer yes. Naligo naman ako nun pagkatapos at pagkalabas ko ay wala na siya. Mga 2-3 hours na akong naghihintay sa kaniya"

"Did you notice anything strange? Bukod sa balisa siya?" tanong ko kaya napaharap siya sa akin.

"Strange? Ah yes! She's holding a paper"

"Anong papel? Nakita mo ba yung nakasulat?" tanong naman ni Hass at napailing iling si Pororo.

We heard a sudden noise from the door. Napalingon kami at nakita nami si Sorry. Maga ang mata niya at may mga luha pa ito.

"OMG Sorry! Saan ka galing? Nag aalala ako!" tumakbo agad palapit si Pororo sa kaniyang kaibigan at niyakap niya ito. Nakahinga naman kaming tatlo ng mluwag.

"Akala ko nawawala na talaga si Sorry" sabi ni Sphere.

"Sorry sa abala madam President" paghinggi ng tawad ni Pororo.

"It's fine. Okay ka lang ba Sorry?"

Hindi naman sumagot si Sorry. Nakatulala pa rin ito habang umiiyak. Ano bang nangyari? Saan siya galing?

"Just calm her down. I will ask her tomorrow. Magpahinga na kayo at babalik na kami" sabi ni Hass at nagbow naman si Pororo.

We're about to go out when Sorry suddenly speak.

"M-madam President" utal nitong sabi.

Napahinto kami sa paglalakad at napalingon sa kaniya. Namumula ang mata niya kakaiyak.

"Something bad happened."

Nakita ko ang pagkunot noo ni Hass dahil sa sinabi ni Sorry.

"What happened?"

"At Carat's house. Wryte died. No, he was killed" nakayukong sabi ni Sorry.

Tila hindi kami makagalaw at makapagsalita dahil sa sinabi niya.

Parang natauhan naman si Hassium at dali dali siyang tumakbo. Sumunod naman kaming tatlo sa kaniya.

Blackmage AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon