Chapter Thirty-Two

491 22 6
                                    

Chapter Thirty-two
/Freak/

REALM

Back to normal na uli ang lahat. Kaniya kaniya uli kaming pasok sa kaniya kaniyang klase namin.

May meeting daw ang mga president ng bawat section kaya mag-isa lang ako ngayong naglalakad papuntang classroom. Tahimik lang ang buong hallway at parang walang estudyante. Late na ba ako?

Nang marating ko ng classroom namin ay wala rin kahit isang estudyante. Napatingin ako sa relo ko at nakitang 8 am na naman. Ano meron?

"They didn't tell you?" napalingon ako bigla at nakita ko ang isang babaeng naka-maskara.

"Lux? Anong gingawa mo rito?"

"Namamasyal lang. Pwede naman eh" kibit balikat niyang sagot.

"Nasaan sila?"

Hassium didn't tell me anything. May nakita rin naman akong mga papasok na estudyante kanina kaya bakit wala sila rito ngayon?

Napatingin ako kay Lux at napataas ng kilay.

"Chill, okay?" at tumawa ito ng parang baliw.

Maya maya pa ay nag-iba ang itsura nito at naging isang lalaki. Sabi na nga ba eh, may demonyong naninira na naman ng araw ko.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Pag kay Lux medyo mabait pa ang tono sa akin pang-maldita agad? Ano ba yan Realm" iling iling na sabi nito kaya napairap na lang ako.

So he's playing with me? Kahit oras ng klase? Kakaiba rin itong lalaking toh eh. Lakas ng topak.

"Trick, I have a class okay. Kung wala kang pasok, mga kaklase mo guluhin mo" he laugh again and change to another man.

Napaatras tuloy ako bigla. Ngayon ko lang naalala, Trick can may be control minds but can't copy another people!

"Oh? Bakit parang natakot ka bigla?" naglakad siya papalapit sa akin kaya naglakad ako palayo. I can't sense danger from him but it's better to be safe than sorry.

"Sino ka?"

"Hindi ako sinuka, inira ako" napairap naman ako. Siraulo rin pala toh.

"I didn't say 'sinuka ka ba?' instead I say 'sino ka?'. You don't know the difference between the two?" tumawa muli ito.

Kahapon, nakita ko ang nagpakilalang principal. I almost didn't get a sleep because of that, and know? I will meet another mysterious man? Meh, why me?

"Okay, okay, chill"

"Is that your true form?" I ask.

"Yeah, don't worry" tumama na naman ako sa pader kaya wala na akong maatrasan.

"Sino ka ba? At nasaan ang mga kaklase ko?"

"You already know who am I. I can't answer the second question since you're the only person who can answer that"

Ako? Bakit naman ako? Ano ba ginagawa ko? Lintik na buhay nga naman.

Blackmage AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon