Chapter Forty-One

475 18 7
                                    

Chapter Forty-one
/I can't understand/

REALM

"Sure ba kayong papabayaan natin si one mag isa?" tanong nung babae.

Sumunod ako sa pagtakbo nilang tatlo. Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam kung nasaan ako o kung sino itong mga batang ito pero nacucurious ako sa mangyayari. Hindi naman nila ako nakikita kaya sigurado akong hindi rin naman ako masasaktan.

Tunog pa rin ng tunog yung alarm. Kukay red na ang paligid dahil sa kulay ng ilaw.

"May tao!" sabi ni nine. Pumasok sila sa isang kwarto at nilock ito.

Unti unting gumalaw si three kaya inupo muna nila ito sa sahig.

"Hoy three! Ayos ka lang ba?" tanong ni nine.

"Let's go back to one. Hindi niya kayang sagipin lahat ng batang yun. He's ability is not enough to save all of them" kahit nanghihina ay pinilit paring tumayo ni three.

"Anong plano mo, three?" nag-aalangan na tanong ni five.

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. Nakatitig lang si nine at five kay three.

"Teka. Wag mong sabihin na pinaplano mong gamitin yang kakayahan mo?" basag ni nine sa katahimikan. Litong lito na talaga ako sa nangyayari.

Umiwas ng tingin si three. Nilapitan siya ni nine at saka yinugyog ng yinugyog.

"Three! Alam mo naman ang kayang gawin niyang kakayahan mo!" napapikit na lang si three.

"Wala ng paraan, nine." kita ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata nilang tatlo. Ano ba talaga meron? Gustong gusto ko ng magtanong.

"Pero hindi naman tayo sigurado na lahat tayo makakaligtas! Marami pa ang mamatay!" pagpipigil pa rin ni nine kay three. Kung ano man ang binabalak ni three, sigurado akong napakamapanganib nito.

"Kesa naman tayong tatlo lang makaligtas? Isipin mo naman yun"

Napabuntong hininga si nine. "Hindi pa rin ako sumasang-ayon sa gusto mo, three. Pero susubukan natin silang iligtas. Gamit na lang ang kakayahan ko"

Muli silang natahimik. Sa huli ay pumayag na lang si three sa gusto ni nine.

Sumilip sa may pinto si nine. Bigla itong bumukas ng malaki at doon namin nakita ang isa sa mga lalaking naka-puting lab gown.

Nagulat ako ng bigla na lang lumutang yung lalaki. Napatingin ako kay five at nakita kong parang kinokontrol niya ito gamit ang kamay niya.

"Bilisan niyong dalawa!" sigaw ni five sabay balibag doon sa lalaki. Nagtatakbo na naman sila palabas nung kwarto.

Blackmage AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon