bago ako magpatuloy sa mga susunod na secrets nais ko lang muna i share ang ilan sa mga akda na ginawa ko...
Faith VS Temptation (balagtasan)
by : Ruth Del Socorro*Temptation*
Gaano ba katatag ang paniniwala mo?
Sapat na ba ito para matalo ako?
Kaya mo ba talaga akong labanan?
Kung sa mga salita nya ikaw ay nagkulang?
Sa mundong ito; ako ang Hari
Kaya sa paanong paraan ikaw ay magwawagi?
Sa paanong paraan ikaw ay lalaban?
Lalo na't alam ko ang iyong kahinaan
Sabihin mo sa akin, ako ay naghihintay..
Handa kana bang ako ay samahan?
Ang buhay mo ay walang katiyakan, handa kana ba sa'yong kamatayan?*FAITH *
Sabihin na nating ako ay mahina,
Makalasanang tunay at dating pariwara
Pero hindi ba't nanalo na ang aking Panginoon?
S'ya ang kasangga ko sa lahat ng tentasyon.
Hindi N'ya hahayaan na ako ay mapahamak
Dahil makasalanang tunay; sakit ang Kanyang dinanas
Alam din N'ya ang aking kahinaan;
Subalit minahal N'ya ako kahit S'ya ay aking nasasaktan!
Kung ako lang di kita kayang labanan,
Ngunit kasama ko S'ya sa bawat labanan
Hindi N'ya ako pinapapabayaan, Tinutulungan N'ya ako na ikaw ay iwasan!!!
Di man mapigilan na ako'y masaktan,
Nanghihinayang at nahihirapan
Ngunit dahil S'ya ang aking kalakasan
Nananalo ako sa mga labanan
S'ya ay tapat sa kanyang pangako,
Pinatunayan N'ya ito noong Sya'y nagpapako,
Kaya sigurado na ang aking tagumpay
Dahil pinaka The best S'ya sa aking buhay****Ruth Delsocorro****
BINABASA MO ANG
The Secrets in Capturing the Heart of MR RIGHT
SpiritualHai Girl, Excited ka na ba? Excited ka na bang makuha ang puso ni Crush? hahaha char lang, dahil hindi natin pag-uusapan si Crush, dahil si Crush ay pwe'de n'yang ma CRASH ang puso mong umaasa sa pag ibig n'yang wagas.. tama? kaya hindi natin pag u...