Magkano kaba"? ni: Pia Carillas

7 1 0
                                    

  Magkano kaba"?
ni pia carillas 

Magkano kaba?
Tanong na napakahirap sagutin
Ni mismo Google
Di makapagbigay ng answer
Ikaw, tanungin mo nga
Ang sarili mo
Magkano ba ako?
Oh diba napaisip ka
Bakit yung mga ibang babae
Nagpapapresyo kapalit nito
Ang one night stand o
Sabihin nalang nating panandaliang sarap
Napakalungkot at nakapagulong isipin
Girls? Magkano ba tayo?
Hindi naman sa nagmamalinis ako
Alam kung walang perpekto sa mundong ito.
Pero bakit sa nakikita ko
Dinudumihan natin ang ating pagkatao
Sa pamamagitan ng pagpapapresyo
natin sa ibang Tao
Ika nga ni Dr. Jose Rizal
Kabataan ang pag-asa ng bayan
Pero bakit ang kabataan ang sumisira ng ating bayan?
Presyo dito. Presyo doon.
Dahilan kung bakit dumadami
Ang bilang ng mga bata sa lansangan
Gutom at kapabayaan ang naranasan
Dahil sa panandaliang sarap na ating nakamtan.
Alam ko at Alam n'yo rin
Na hindi ito ang paraan
Upang ang ating pangangailangan
ay matustusan.
Dahil sa hirap at gutom na ating naransan
Pagpapapresyo lang ba talaga sa katawan ang paraan
Upang ang hirap at gutom ay maibsan
Kailangan ba talangan ibuwis o isuko ang Bataan?
Sa pagkakaalam ko hindi
Anong silbi ng kamay at paa
Mata , bibig at utak kung hindi
Naman ito ginagamit sa tamang paraan.
Gamitin natin ang salitang
"Katawan ang ating puhunan"
Hindi ito ibig sabihin na pagpapapresyo sa ating katawan
Upang tayoy magkapera man Lang
Kundi pagpupursigi at determinsayon ang kailangan
Dahil higit pa sa bonus ang iyong makamtan
Kung ang pera na iyong pinahirapan at pinapaguran
Ay galing sa tama at malinis na pamamaraan
Hindi mo kailangan magsuot ng malalaswang damit upang magustuhan
Hindi mo kailangan ibigay ang iyong katawan upang makakain at mabusog ng panandalian
Hindi mo kailangan maghubad sa harap ng ibang Tao
Hindi mo kailangan sumayaw ng twerk o sexy dance
Para lamang masarapan at matuwa ang nanunuod sa iyo
Hindi mo kailangan ibenta ang sarili mo sa halagang isang daang piso
Dahil sa bawat kadumihang ginagawa mo
Hindi mo alam marami na palang nandidiri sa'yo
Hindi mo rin alam..
Marami kana palang binababoy at inaapakang tao.
Dahil sa bawat ungol at sarap na iyong nakamtan
Unti-unti mong dinudumihan ang iyong pangalan
Tandaan mo mahirap gumawa ng sariling pangalan
Kaya linisin mo at baguhin mo ang iyong sarili
Sa paraang alam mo at kaya mo
Dahil hindi pa huli ang lahat
Gawin mo ang tama at nararapat
Humarap ka sa salamin at tanungin mo ang sarili mo
Magkano ba ako?
Alam kung ikaw mismo ang makakasagot sa iyong katanungan
Wag mong dumihan ang iyong pagkatao
Hindi hadlang ang kahirapan
Upang isuko natin ang BATAAN
Pagsisikap, dediksayon at determinasyon ang kailangan
Upang mabuhay tayo ng marangal
Dahil sa mundong ito
Marami na ang mapanghusgang tao
Sana itong tula ko ang instrumento
Ng pagbabago sa mga kababaihang nagpapapresyo.
Ps: Just Sayi'n
Pia Carillas  

The Secrets in Capturing the Heart of MR RIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon