17th secret (wag mag send ng nudes)

7 1 0
                                    

17th secret (wag mag send ng nudes)

Wag mo hahayaan ang sarili mo na mapunta sa punto na mawawalan ka ng choice, wag mo ipagkatiwala ang sarili mo sa isang tao di porket gwapo, wag mo dalhin ang sarili mo sa kahihiyan dahil ikaw lang din ang kawawa sa huli.
Sa panahon ngayon gusto ng mga boys ang instant, mas mabilis sila maakit sa mga babae na madali lang makuha, kaya easy lang sa kanila ang magkaroon ng kabit eh,
Akitin lang sila ng kunti bigay agad. Kaya naman girl, stay away from those people, make sure na ang pakakasalan mo ay kilala mo na talaga, Kaya nga dapat mag undergo ka ng several testings to make sure he is the right one for you..
Dahil kung basta ka nalang papatol dahil gwapo, I tell you iiyak ka lang SA huli.
Wag mo isend ang hubad mong katawan. Respect your body girl..
So man can respect you also ..
Tandaan mo wag ka ma attach sa pansamantala...
At wag karin sa go by the flow na relationship..
Ano ka isda?
Wag ganun dahil di mo ito deserve girl..
Learn to say NO!!

............
18th secret (piliin mo ang taong same kayo ng mission)

Ano ba ang misyon mo sa buhay girl? Ako kasi ang mission ko ang maglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng pagsusulat ng libro.
Kaya naman ang pipiliin ko rin na tao ay naglilingkod din sa Diyos..
Dapat ganyan din sayo.
Mas masayang kasama ang parehas kayo ng gustong gawin sa buhay dahil naiintindihan nyo ang isa't isa..
At nagkakasundo kayo sa mga bagay bagay dahil pareho kayo ng gustong gawin...
Mas tatagal ang relasyon kapag ang Diyos ang inyong pundasyon dahil pareho kayong naglilingkod sa kanya.
Naroon ang love, trust, at self control...

..................
19th Secret ( wag magmadali kung ayaw magkamali)

Ang nagmamadali ay nagkakamali kahit pa sa simpleng desisyon na ginagawa natin madalas talaga tayo namamali kapag minamadali natin ang mga bagay bagay..
Ang pag aasawa ay ang pinakamalaking desisyon na gagawin mo sa buhay mo kaya siguraduhin mo na di mo ito pagsisihan..
Mostly sa mga story na successful ay nag uumpisa sa paghihintay ng matagal.
Don't let people dictate your life, go in your own timeline ..
Wag ka pa pressure sa sinasabi ng mga tao sa paligid mo..
Have your own timeline.
ITO ANG MGA ILANG MABUBUTING DAHILAN PARA SABIHIN NA "HINTAY"

Ikaw ba ay nagdadalawang isip sa kabutihan na dulot ng paglalaan ng pagtatalik para sa kasal?
well hindi ka dapat magdalawang isip dahil ito ay may magandang dulot para sa'yo at sasabihin ko sa'yo ngayon ang mga importanteng rason para maghintay..
unang rason, nakakatulong ang paghihintay para mapagtibay ang inyong relasyon ng iyong magiging asawa sa hinaharap..
alam mo ba na ayon sa pag aaral ay ang mga asawa raw na hindi nakapaghintay ay hindi ganoon kasaya sa asawa nila ngayon?
dahil iyan sa hindi sila marunong magpigil ng sarili, kaya naman naghahanap pa sila ng higit pa sa kadahilanang hindi sila marunong makuntento, yan ang dahilan kung bakit may mga kabit!!! iyon ay dahil sa simula palang ay wala na silang pagpipigil sa sarili at ang akala nila na ang pag aasawa ay ang makakapuno sa kanilang uhaw, pero ito ay hindi!!! hindi kayang punan ng pag aasawa ang iyong uhaw, hindi mabibigay ng iyong asawa ang totoong kaligayahan na hinahanap mo!!
dahil ang totoo ay wala nang iba na makakapuno nito sa'yo kundi ang Diyos lamang!!!..
kaya naman kapag s'ya ang inuna mo at mas pinili mong maghintay ay mas sasaya ang inyong pagsasama, dahil hindi mo na kailangan na maghanap ng iba dahil ang Diyos palang ay sapat na..
tandaan..
only christ can satisfy you!!!
not your wife!!!
(tingnan sa 1 Mga Taga-Corinto 7:1-2; 1 Mga Taga-Tesalonica 4:3-7; Hebreo 13:4; Mateo 15:18-20; Efeso 5: 3; at 1 Mga Taga-Corinto 6: 9).

Pangalawang rason.
Dahil ang paghihintay ay isang utos upang protektahan ka!!!
Nais ng Diyos na protektahan ka mula sa sakit, sa pagkadismaya, sa pagsisisi dahil sa pagpatol sa maling tao!!!
maraming kabataan ang nasisira ang buhay dahil sa kawalan ng pagpipigil sa sarili!!
maraming sanggol at pinapatay dahil sa kawalan ng disiplina..
at maraming kabataan ang nagpapakamatay dahil hindi marunong maghintay!!!
ayaw ng Diyos iyon!!! kaya naman binalaan n'ya tayo na lumayo roon, kung gusto mo ng isang masayang pamilya ay matuto kang maghintay dahil para ito sa iyong proteksyon, ayaw ng Diyos na makamit mo ang sumpang karamdaman na tulad ng HIV, HPV STD at iba pa..
mahal ka ng Diyos kaya sumunod ka sa utos n'ya dahil ito ay para sa ikakabuti mo!!!
tandaan..
...Ang Diyos ay tapat, at hindi ka niya hahayaang subukin ng higit pa sa iyong makakaya, ngunit sa tukso ay magbibigay din siya ng daan palabas, upang magawa mong matiis ito.
1 corinto 10:13

The Secrets in Capturing the Heart of MR RIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon