15th secret (wag sundin ang puso)

3 1 0
                                    


14th Secret (wag sundin ang puso)

Lagi nating tandaan girl na ang puso natin ay mapanlinlang..
sabi sa book of Jerimiah 17:19
". Mapanlinlang ang puso at hindi na magagamot, sino ka makakaunawa rito?."

kaya naman, kapag sinunod natin ang ating puso ito ang magdadala sa atin sa kapahamakan..
dahil kung mapanlinlang ang tingin ng crush mo, higit pa d'yan ang puso mo..
aminin mo,
may mga bagay na gusto mo ngayon pero bukas ay hindi na,
may mga bagay na ayaw mo ngayon pero bukas ay gusto mo na,
ganyan ang puso natin, kaya sinabi ng bible na bantayan natin ang ating puso dahil delikado kapag ito na ang nagdidikta sa atin..
tandaan, hindi stable ang ating emosyon, kaya wag mo hayaan na ito ang magdeside sa patutunguhan ng buhay mo..
maraming tao na brokenhearted dahil sunod ng sunod sa puso nila,
maraming pamilyang nawawasak dahil sa pagsunod sa puso,
at maraming tao ang napupunta sa impyerno dahil sa pagsunod sa puso..
kaya girl, wag kang sumunod sa iyong puso bagkus ay bantayan mo ito at sumunod ka sa Diyos..
ang purpose kung bakit nag iwan ang Diyos sa atin ng instruction ay upang malaman natin ang deriksyon..
katulad lang yan, halimbawa kapag naglalakbay ka,
kapag wala kang mapa hindi ba maliligaw ka?
hindi enough na sundin nalang ang nararamdaman dahil hindi mo tiningnan ang iyong mapa..
tayong mga tao ay nasa ilalim ng paglalakbay sa mundong ito at kailangan nating sumunod sa ating mga mapa. at ito ang bible..
because it known as
".Basic Instruction before leaving on Earth."
dahil dito nakasulat ang proper instruction ng Diyos kung paano tayo mamuhay..
maaring sasabihin mo because of pride..
na
".Hindi naman ako ginawa ng Diyos na robot eh, may sarili akong will at karapatan na piliin kung ano ang makakapagsaya sa akin,
I'm sure..
maiintindihan ako ng Diyos kasi mahal N'ya ako."

sabihin natin na tama ka, na mahal ka ng Diyos at may karapatan ka na piliin kung ano ang makakapagpasaya sayo..
pero girl, tandaan mo ito na,
ang gusto mo at ang gusto ng Diyos ay iba ..
hindi mo pwe'deng sabihin na itong gusto ko ay matatanggap rin ng Diyos kasi mahal N'ya naman ako, dahil hindi mo pag aari ang Diyos, hindi ikaw ang lumikha sa Diyos!!!!!
S'ya ang lumikha sa'yo kaya ang gusto N'ya ang masusunod at hindi ang gusto mo!!!!
Oo hindi ka robot, binigyan ka ng Diyos ng kalayaan sa pagpili, yun ay upang malaman ng Diyos kung sino ang sa Kanya at kung sino ang kay satanas.
Si satanas ay rebelde at hinulog ng Diyos sa lupa dahil pinili n'ya na sundin ang gusto n'ya kaysa sa gusto ng Diyos, kaya ang misyon n'ya ay hikayatin ka na magrebelde din katulad n'ya, sa pamamagitan ng paggamit sa iyong puso bilang weapon para linlangin ka!!!

kaya naman nangako ang Diyos,
Kung susunod ka sa kanya at tanggapin ang anak N'ya ay bibigyan ka N'ya ng karapatan na maging anak ng Diyos (read John 1:12)

at bibigyan ng reward na mabuhay ng walang hanggan kasama N'ya..
(Read John 10:28-30)

pero...
kung pipiliin mo na sundin ang gusto mo katulad ng ginawa ni satanas,
at kapag nagpalinlang ka sa kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa puso mo,
ay kasama ka ni Satanas na itatapon sa dagat dagatang apoy na hinanda ng Diyos para kay Satanas at sa kanyang mga anghel..
(Read Mathew 25:41)

kaya girl,....

mamili ka????

gusto mo????
o ang gusto ng Diyos????

remember dapat isa lang..
Tandaan mo ito girl ..

He died for all that those who live shall no longer lived for themselves but for him who died and rose again.."
2 Corinthians 5:15

At sabi sa libro ng mangangaral 12:13

..
".Isang bagay nalang ang kailangan malaman ng tao...
Katakutan mo ang Diyos at sundin mo ang Kanyang Utos sapagkat ito lamang ang kadahilanan kung bakit N'ya ginawa ang TAO!!!!!

AGREE/AMEN
YOU CAN ALSO COMMENT YOUR OWN REFLECTION ABOUT THIS!!!
Pag usapan natin to girl...

**This is Innocent Princess**

The Secrets in Capturing the Heart of MR RIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon