Chapter 3
Aching!K A I R E I N
Umupo na lang muna ako dahil pagod na ako maglinis. Kung pwede lang eh tinanggal ko na yung bintanang yun. Ang alikabok eh. Hmp!
"Gusto mo?" bungad ni Marian na may dalang pillow.
"Oo naman yes!" masiglang sagot ko pero inilayo niya yung pagkain.
"Bumili ka may pera ka."
-__-
Bwisit.
"Senyoriya Kairein ba ka gusto mong tumulong?" sarkastikong tanong nung kaklase ko. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ako ang senyorita mo pero inuutusan mo ako? Tama ba iyan?"
"Gaga halika na!"
Tumayo na ako at kumuha ng punas. Linis linis lalala.
Habang naglilinis ako eh nakita ko si Marian na inakyat yung bintana para malinisan sa taas. Pumunta ako sa baba niya at kunwaring hihilain yung paa niya.
"Ahh!"
"HAHAHAHA." natawa ako kasi kung makakapit parang tuko.
Umalis na ako kasi ang sama ng tingin niya. Nakita ko yung hagdan na ginagamit nila kanina para malinisan yung taas ng pinto. Umupo muna ako doon. Hanggang sa may naisip ako.
"Marian! Picturan mo ako dali!" tawag ko kay Marian na tapos na magpunas.
"Saglit kunin ko phone ko."
Pagbalik niya inayos ko na ang upo ko at tumingin sa iba para kunwari stolen hehe.
Habang kinukunan ako eh nagsimula na silang maglinis sa likod kung saan ako nag pi-pictorial.
"Ang dami namang extra." sabi ni Marian.
"Bakit kasi kayo nandyan? Bumaba ka nga dyan at maglinis!" sabi nung kaklase ko at hinila ako pababa. Hmp!
Napasulyap ako sa relo ko. Ay naalala ko wala pala akong relo. "Bea anong oras na?!" tanong ko kay Beatrix na nasa hagdan.
"12:25!" sigaw niya pabalik.
"Kain na tayo!" sabi ko ulit. Sinenyasan naman niya akong pumasok.
"Gutom na ako!" reklamo ko dito sa tatlo.
"Share mo lang?"
"Wag itanong ang obvious Kirsten, tsk tsk." sagot ko. Gutom na talaga ako buset.
Lumabas ulit ako para tawagin si Bea.
"Kain na tayo!"
Hindi sumagot si Bea pati na rin yung iba kong kaklase. Humarap sa akin si Lala. "Lahat nga ng nasa loob pumasok!" asar na sabi niya.
"HAHAHAHAHA." nagtawanan kami.
Tumatawaa akong pumunta sa pinto. "Lahat daw ng nasa loob pumasok!"
"I mean lahat ng nasa loob lumabas. Bwisit." depensa ni Lala. Hahaha.
-
2:57 na. Wala kaming filipino kaya nagpipipindot na lang kami. Yung boys nagmo-moba. Yung ibang girls may parlor. Yung iba namang girls nanonood. Kami naman nantritrip sa profoundly.
"Male ang gender ko sa profoundly." sabi ko. "Skl." dagdag ko ng tumingin si Kirsten.
Ang lalandi ng ibang babae sa profoundly. Chat ng chat. Pero nung Female gender ko eh hindi ako pinapansin. Nginuh.
3:45 na. Wala ulit kaming mapeh. Lumabas muna ako dahil nandoon yung apat.
"Ginagawa niyo?"
"Dadaan na sila!" tili ni Yasha. Shet ang landi pala netong kaibigan kong to.
Habang nakadungaw kami ay dumantay ako sa railing. Ang sarap ng hangin.
"Aching!"
TOKKKKK!
Napaupo ako dahil sa sakit. Shet di ko yun nakita. Napahawak pa ako sa noo ko. Ang sakit huhuhu.
Lumapit sa akin yung apat. "HAHAHAHAHA." tawa ni Beatrix. Pusang gala ka.
"Naramdaman pa naming gumalaw yung bakal." sabi nung isa kong kaklase na nakadungaw din kanina.
"Ginagawa mo?" tanong nung isa kong kaklase. Putang ama nakita na nga tatanungin pa.
"Anong tawag sayo?" tumatawang tanong nila sa akin.
Inayos ko yung buhok ko tapos pinunasan yung mukha ko. "Tanga." nakangusong sagot ko.
"Imbag ta ammom." sabi ni Marian.
Kinapa ko yung noo ko. Shet may bukol.
![](https://img.wattpad.com/cover/161377861-288-k479468.jpg)
YOU ARE READING
That Thing Called Friendship
Genç KurguSamahan ang limang lamang dagat na maghasik ng lagim.