Chapter 4
EngotK I R S T E N
"Hoy Kairein!"
Hindi ako nilingon ni Kairein at nagpipipindot lang. Tang juice ihing ihi na ako eh.
"Kairein samahan mo ako sa cr!" yugyog ko sakanya.
"Ayoko nga. Tanda tanda mo na di mo pa kayang umihi mag isa." mataray niyang sabi at nagbasa ulit. Nyeta.
Lumabas na lang ako para hanapin yung tatlo. Magkakaibigan kami pero hindi laging magkakasama. Hindi naman kami mga tuko o ibon para laging magkadikit o sama sama. Kaya din naming mag kanya kanya.
Nakita ko sina Yasha na nakaupo sa hagdanan at may kausap. Hmp kalandian kaya? Hahahaha.
Lumapit ako na walang ginagawang ingay.
"Boo!"
"Pooh tang ama mo ka!" hinampas hampas ako ni Yasha. "Doon ka nga!" sabi niya at tinulak tulak ako.
"Samahan niyo ko umihi!"
"Wala sa amin ang susi ng cr at mas lalong wala sa amin ang bowl." sagot ni Beatrix na nagbabasa din.
Tangina wala akong mababara sa ganitong oras. Bumalik na lang ako sa room. Nakita ko si Kairein na naka upo at nanonood naman.
"Kairein!"
"Oo na, oo na." tumayo na siya at kinuha yung panyo niya.
Pagdating namin sa cr may nakapila. Kung ibabase mo sa uniform nila eh magkaklase sila. Shet ihing ihi na ako.

YOU ARE READING
That Thing Called Friendship
JugendliteraturSamahan ang limang lamang dagat na maghasik ng lagim.