Chapter Fifteen

2.6K 78 9
                                    



Blythe Alejandrina Madrigal is a mistress...

Naluluha ako habang binabasa ang dyaryo na binigay ni Analie sa akin. Hindi ko alam kung paano lumabas ang ganitong balita sa media. I always secure my personal life. Tapos na ang isyu na ito nang maikasal si John at nang magsalita ako sa madla na kahit kailan ay hindi ako naging kabit ng kung sino man. Hindi ako naging kabit ni John o ng kahit na sinong lalaki. I spoke to the media about this. I told them that I respect John's decision, at nang mga panahong bumalik si Venice, kami pa ni John, but fate was the one who decided for us.

I clarified everything. I made sure na wala akong matatapakang tao. Nagsalita ako hindi para sa sarili ko kundi para sa kapakanan nila John at Venice. I was on hiatus for almost a year, and I don't have any plans of going back to the industry, pero ngayon ay dinudumog na naman ako ng kontrobersiya.

I crumpled the tabloid and threw it in the trash bin. Nagpupuyos ako sa galit at sabay na nanlulumo. It has been three days since the last time I saw Ares. Hindi niya ako sinundan o kinausap man lamang. Hindi rin ako nakatanggap ng kahit na anong text galing sa kanya. Sa tingin ko, kinalimutan na niya ako dahil abala na siya ngayon sa kanyang mapapangasawa na si Ruby Izalina.

Siguro mahal niya talaga! Bulong ko sa sarili ko. I tried to get him off my mind, but I just can't. Sa tuwing iniisip ko na may iba siyang babaeng kasama, parang may punyal na tumatarak sa puso ko. Masakit. Mahapdi. Mabigat.

I thought he'll visit me in the hospital, but wala—hindi siya nagparamdam. I never heard anything from him. Gustuhin ko man siyang itanong sa pinsan ko, hindi ko magawa dahil alam ko na nagpupuyos sa galit si Analie. I just kept it to myself.

"Hindi na naman niya ako mahal!" I said to myself.

I invited my cousin Analie to go out with me. I missed partying! Gusto kong lumabas at uminom. Wala rin namang magagalit, kaya pwedeng-pwede akong magpakalasing. I want to forget this pain that I am feeling. Dalawang beses na akong nabigo sa pag-ibig—kotang-kota na ang puso ko. Hindi na kaya.

I wore my sexy lacy black dress. Mas lalong na-emphasize ang hubog ng aking katawan dahil sa suot ko. I am free to do what I want to do. I wanted to be bad just for a night. Gusto kong magwala para hindi ko maramdaman iyong bigat at sakit dahil sa ginawang panloloko ni Ares sa akin. I was betrayed by him. Ilang taon ko siyang hindi nakita, at ngayon malalaman ko na lang na may mahal siya ngayon pa na nakapasok na siya sa puso ko. That is so unfair! I loathed Ares to the core.

My daddy was out of the country, pero alam na niya na nakauwi na ako. Hindi naman siya tutol sa gagawin ko ngayong gabi. I want to be wild and free. Kinuha ko ang cellphone ko at ang pouch ko nang marinig ko ang pagbusina ng kotse ni Analie. Analie offered to fetch me. Hindi naman ako tumanggi dahil ayaw ko rin kasing magmaneho. I was even thinking earlier to just hail a cab, but I know Daddy won't allow it.

Lumabas na ako ng bahay. Nagpaalam ako sa mayordoma naming bago ako tuluyang makalapit kay Analie. Nakatalikod siya sa akin at may kausap siya sa kanyang cellphone. I just didn't bother her, but I saw how pissed off she was.

"I know... I know what to do. We are just having a girls' night out, no need to fret!" aniya sa kausap na nasa kabilang linya. Kinalabit ko siya at humarap siya sa akin. She just rolled her eyes and ended the call.

"Shall we go?" she asked. Umikot si Analie sa driver's seat. Hindi na ako nag-abala pang tanungin si Analie kung sino ang kausap niya dahil baka masyado na akong nanghihimasok sa personal na buhay niya.

When I finally settled myself inside her car, I immediately fastened my seatbelt. I was so excited. Hindi ako makahinga dahil ngayon lang ako nakalabas ulit. I had an affair with Ian Tezzoro, but hindi naman iyon seryoso kasi si John lang naman iyong iniisip ko noon, pero ngayon iba na.

To Love Blythe (DarkPast 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon