Ares and I went to the park. Maraming tao doon, halos lahat ay mga pamilya. They were having the best day of their lives. We were lurking around while I was licking my ice cream. Binilhan ako ng sorbetes nang may makita kaming mamang sorbetero sa park. Ares and I didn't bother to talk; abala kami sa mga nakikita namin. Ako naman ay abala sa mga kakaibang nararamdaman ko. I never felt this way before with Ares. Dahil ang tingin ko lang kay Ares ay isang matalik na kaibigan na dinadamayan. I never thought of Ares in a different way, but I couldn't understand what I feel. Masaya ako kapag nasa tabi si Ares. I feel so safe with him—iyong parang hindi ako mapapahamak kapag kasama ko siya because I know he'll protect me in any way that he can. Mahal ako ni Ares, alam ko 'yon. Alam ko na higit sa pagkakaibigan ang tingin ni Ares sa akin, but I chose to ignore it because I was so fed up with my feelings for John.
Tama si Ares, I am abusing him and that hurts me like hell. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sinasaktan ko si Ares—ako ang nanakit kay Ares. I stared at him. He deserves to be happy. Nakaya ko nga na ibigay kay John ang kasiyahan niya, paano na kaya kay Ares na mas deserve maging masaya? Kahit hindi na lang ako ang maging masaya, kahit si Ares na lang.
"What makes you happy?" tanong ko sa kanya. We were now sitting on the bench. Naubos na naming iyong ice cream na binili namin. Nakahilig ako sa balikat ni Ares habang sabay naming pinapanood ang mga batang naghahabulan.
"Hmmm..." I heard him. "I don't know what makes me happy." Sagot niya sa tanong ko sa kanya. He looked so serious again. Gusto kong ngumiti si Ares; paano ko ba ibibigay sa kanya iyon?
"Bakit hindi mo alam?" Puno ng kuryosidad ko na tanong.
"Because..." hinawakan ni Ares ang kamay ko. He squeezed it. Hinayaan ko lang siya. "The reason for my happiness is not happy."
Kumunot ang noo ko. "Nakadepende ba ang kaligayahan mo sa ibang tao?"
"Yes," tipid na sagot niya.
Umalis ako sa pagkakahilig sa balikat niya. I looked at Ares—eye to eye. May lungkot sa kanyang mata at hindi ko mawari kung para saan iyon.
"Hindi dapat ganoon Ares," sabi ko. I sighed. "Dapat nahahanap mo iyong kaligayahan mo sa sarili mo, hindi sa ibang tao."
"Masaya naman ako."
"Pero hindi ko nakikita 'yan sa mga mata mo."
Tumagilid siya at sinalubong ang aking mga titig. "What do you see in my eyes? Tell me Blythe." Matiim ang tanong niya sa akin. Hindi ako nakasagot agad. Pilit kong hinuhulma sa isip ang dapat kong isagot kay Ares. I was trying to capture an answer through his eyes pero iba ang nakikita ko.
Sadness is what I am seeing in his eyes. "Bakit ka malungkot Ares?" hindi ko napigilang ibulaslas ang tanong ko. Mabilis na nag-iwas ng tingin si Ares at ibinalik ang mga mata sa mga batang wala pa rin tigil sa paghahabulan. Hindi ako mapakali. I want to know the answer. Gusto kong malaman kung ano ang rason ng kanyang kalungkutan.
I cupped his face and let him look into my eyes again. "Bakit ka malungkot?"
Halata ang pagkakagulat sa mukha ni Ares. Hindi siya sumagot. "A—Ares, all my life you have been with me. Gusto kong malaman kung bakit ka malungkot. Anong dapat kong gawin para mapawi iyang kalungkutan na nararamdaman mo?"
Ang baliw sigurong isipin but I am willing to trade everything just to see Ares being happy. Kung si Jingjing mapanghi ang makapagpapasaya kay Ares ay wala na akong magagawa pa. Again, mahal ako ni Ares pero hindi naman ako iyong taong nagpapasaya sa kanya. Iyong mga ngiti na iginawad niya kay Jingjing kanina ay hindi ko na 'yon nakita kay Ares.
"Wala Blythe," he sighed. "Wala kang dapat gawin."
"Pero Ares..."
He cuts me off. "Please Blythe... let's drop the subject."