Chapter Seventeen

2.9K 76 2
                                    


Nauuhaw ako.

Nagising ako nang madaling araw dahil nakaramdam ako ng uhaw. After what Ares and I did, sinong hindi mauuhaw doon? Ares was such a great lover. We made love three times kaya medyo masakit pa ang aking mga hita. I am sore. Tumingin ako sa gilid ng kama. Si Ares ay mahimbing na natutulog. Hubo't hubad kami sa ilalim ng kumot. Walang pagsisisi sa puso ko, dahil alam kong ginusto naming pareho ang nangyari. Palagi ko nang iniisip na si John ang magiging lalaki ko, ngunit ngayon, ibang lalaki ang kasama ko. At ang lalaking ito—ang lalaking nagmahal sa akin noon pa man—hindi ko na alam kung mahal pa ba niya ako hanggang ngayon.

Inilagay ni Ares ang mga kamay niya sa aking bewang at nakapatong pa ang mga binti niya sa akin. Napansin ko ang isang peklat sa dibdib niya. Marami na akong beses na nakita si Ares na walang damit, pero ngayon ko lang ito napansin. Maingat kong hinaplos iyon.

Ano kaya ang nangyari sa kanya? Wala akong nabalitaan tungkol sa kanya sa loob ng mahigit apat na taon bago siya bumalik para daluhan ako, pero ngayon, gusto ko nang malaman ang lahat. Gusto kong malaman kung ano ang mga pinagkaabalahan niya sa mga taon ng pagkawala niya.

Suminghap ako. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakapatong sa bewang ko. Tumayo ako at lumabas ng kwarto para uminom ng tubig. Malaki ang bahay ni Ares, at ngayon ko lang ulit naramdaman na makabalik dito. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig. Madilim ang paligid kaya kinapa ko ang switch, pero napahinto ako nang makita ko ang isang anino sa labas ng bintana. Sa tantiya ko, mukhang may nagmamasid. Dumaan ang kaba sa dibdib ko. Nakabukas na ang ilaw sa kusina, kaya muli kong tiningnan ang bintana—wala na roon ang anino. Mabilis kong ininom ang tubig at hindi ko na nailagay ang pitsel sa fridge nang marinig ko ang malakas na kalabog mula sa labas.

Takbo ako paakyat ng hagdan, ngunit napatigil ako nang maramdaman ko ang malamig na tingin na mula sa likod. Bigla akong hinablot sa braso at dahil doon, nadulas ako at natumba.

"Ares!" sigaw ko sa pangalan niya. Agad akong bumaba sa hagdan, ramdam ang sakit ng katawan ko habang nag-rolling ako pababa. Napapikit ako dahil sa tindi ng sakit hanggang sa naramdaman ko ang matinding pagkabangga ko sa sahig.

Nakaramdam ako ng hilo. Iniluwa ko ang aking mga mata, at nakita ko ang isang lalaking may suot na itim na hood na nakangiti nang malupit habang tinititigan ako. Siya... siya ang tumulak sa akin. Magsasalita sana ako, ngunit narinig ko ang sigaw ni Ares.

"Blythe! What happened?" tanong niya sa akin. Hindi ako makagalaw o makasagot. "Dadalhin kita sa hospital. Hang on, my sweet," aniya. Saglit siyang umalis at may kinuha. Pagbalik niya, agad niya akong binuhat. Ramdam ko ang pagdampi ng dugo na dumadaloy mula sa ulo ko. Inilagay niya ako sa backseat ng sasakyan.

Pinabilis ni Ares ang pagdrive. Pinikit ko ang aking mga mata dahil sa pagkahilo. Kahit punung-puno ng tanong ang aking isipan, hinayaan ko na lang na tangayin ako ng kadiliman.

*****

Bumangon ang kaba sa aking dibdib nang makita ko si Blythe na dinadaluhan ng mga doktor.
May malaking sugat ang kanyang ulo at may bali rin siya sa paa. I don't know exactly what happened, but I am pretty sure it has something to do with my grandfather's business. Hindi ako mapakali. Nagising na lang ako na wala na si Blythe sa tabi ko, at mas lalo akong kinabahan nang marinig ko ang kanyang pagsigaw. Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga, at nagulat ako nang makita ko si Blythe na nakahandusay sa sahig. Maraming dugo ang nagkalat sa paligid. Hindi ko na inisip pa, agad ko siyang dinaluhan kahit nanginginig ang buo kong katawan.

I have never been scared in my life. Ngayon ko lang naramdaman ang takot. Kahit noong na-ambush ako sa Bahrain, hindi ako natakot—mas natakot pa ako sa kung anong mararamdaman ni Blythe kung mawala ako. I don't want to see her cry because of me. Gusto ko siyang nakangiti palagi kapag naiisip niya ako.

To Love Blythe (DarkPast 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon