*DIANARA'S POV*
I woke up because of the sun, naka-tapat ba naman nung tirik ng araw sa muka ko eh, sinong hindi magigising?
Naka-ramdam ako ng mainit at mabigat na bagay sa bewang ko. Tinignan ko iyon at bumungad sa akin ang natutulog na si Lucas. Para syang hindi vampire pag tulog sya. Dahil sa sobrang ganda ng muka neto muka syang inosente, pero pag nagising daig nya pa ang asong ulul.
Pano ba naman? Bago kami maka-tulog kagabi sumipsip pa ng dugo ko sa braso! Potekk kung kaya ko lang syang dagukan nagawa ko na eh!
Inalis ko nalang ng dahan dahan ang kamay nya sa bewang ko, pati ang paa at binti nya naka-patong sa binti ko ay dahan dahan kong inalis, saka ako dumeretso ng banyo.
Nag sepilyo na muna ako saka nagsimulang maligo. Matapos non naglagay na ako ng kaunting moisturizer saka lumabas ng banyo ng naka sando at cycling.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan bumungad nalang sa akin ang bakanteng kama ko na gulo-gulo.
'Umalis na siguro...'
Umiling nalang ako saka nagsimulang mag-bihis at naglagay ng pulbo at liptint sa muka. Di ako masyado mahilig sa mga make up, hanggang litint at pulbo lang ako hehe.
Matapos gawin ang mga iyon, lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba ng kusina. Dumeretso ako sa ref at kinuha ang hotdog saka ko ito niluto.
Tahimik lang akong kumakain hanggang sa nag vibrate ang phone ko. Binuksan ko ito at nakita ko sa screen ang pangalan ni Shainna.
Shainna
Uy bes! Bilisan mo pumasok ah? Agahan mo naman! Tambay tayo sa may likod ng school para naman makapag-relax relax tayo! Hihihi!! See yah! Muwah!
Sent
Hindi ko na nireplyan iyon saka mabilis na tinapos ang pagkain. Kinuha ko na ang bag ko na naka-lagay sa sofa at nagsimulang mag-lakad patungo sa eskwelahan. Since malapit lang naman ang school nilalakad ko nalang ito para iwas sa gastos.
Muling pumasok sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Kinagat ako ng Vampire, Naka-usap ko ang Vampire, Hindi ako pinatay ng Vampire at higit sa lahat Magkatabi kaming natulog!!!
"Ano ba kasing pumasok sa kokete ng Bampirang iyon at sa akin pa naki-tulog!" inis na sigaw ko habang padabog na nag-lalakad.
"Why are you talking to yourself? Are you crazy?" napunta ang attention ko sa lalaking iyon at bumungad sa akin si LUCAS NA NAKA-UNIFORM! PAREHO NG UNIFORM KOOO!!!
"Bat' pareho tayo ng Uniform?" sobrang pag-tatakang tanong ko sa kanya. Biruin nyo, nag-aaral pa pala ang mga Vampires. Akala ko kasi taga bawas lang sila ng timbang ng dugo sa tao eh Hahahahaha Joke lang talaga yon.
"Malamang pareho tayo ng pinapasukan." walang emosyong tugon nya habang naka-pamulsa. Binigyan ko nalang sya ng nagtatakang tingin saka sya muling nagsalita.
"Kanina lang ako nag-enroll, pinilit ko yung principal kunno na yon na ngayon na din ako papasok since ready na naman ako." paliwanag nya habang nag-lalakad. Infairness bagay sa kanya nung uniform namin ah. Hehe. Saka nya ako inakbayang at sinabing...
"And most of all, huwag kang aalis sa tabi ko." seryosong tugon nya habang naka-tingin ng deretso sa mga mata ko. Nag-iwas ako ng tingin saka tumango.
*AT SCHOOL*
"Who's that guy?" bulong na tanong sa akin ni Shainna habang naka-tingin sya ng deretso kay Lucas na naka-tayo sa may pader ng school namin habang naka-pamulsa.
YOU ARE READING
Thirsty for Blood ||Vampire Story||
Action"I can fight and kill all the person in this world if it is for you Aisha" ........ I cried for days since nung nawala sya. "Why am I like this? we're not a lovers but I act like a shit!" Still crying on my bed. I can't help it, he leave me, he...