Chapter Sixteen

3.3K 125 8
                                    

Me:  Nakauwi kana pala ng pinas SIR?  Hindi ako nainform.  Hehe thanks to Audrey.

Kahit hindi siya online ay chinat ko siya.  Okay lang kahit walang sa got,  at least nasabi ko yung gusto kong itanong kanina pa. 

Hindi din naman ako umaasa na mag rereply siya dahil tingin ko busy siya,  O ayaw nya lang talagang patulan mga kalokohan ko ngayon.

Nag pop ang muka ni Luna sa messenger.

Luna:  Sabay na tayo bumili ng gamit bukas sa Mall.  Tapos punta tayong school,  kunin natin yung schedule natin.

Me:  Okay. 

Simula ng makauwi ako sa bahay ay hindi na ako lumabas dito sa kwarto.  Sabi ko kay Tita na hindi ako kakain ngayon gabi. 

Naka pajama na ako at nakasando,  nakahiga na sa kama at nag f-facebook. 

Isang pop ulit ang lumabas sa messenger ko.  Nanlaki ang mata ko ng si Sir Kyle ang nag chat.

Kyle Kuzma:  Yes. Last week pa.

Aba't!  Umamin! 

Nakakunot ang noo ko ng mag type.  Pero sa ilang minuto kong puro pindot lang ang ginawa.  Hindi ko na sinubukang mag reply pa. 

Bahala ka Sir!  Galit ako ngayon.

Pero sana nasa school siya bukas.  Sobrang miss ko na siya,  ayokong hanggang sa picture ko lang siya nakikita.

Kahit alam kong imposibleng andon din si Audrey.

Nakatulog agad ako ng ipikit ko ang mata ko.  Kinabukasan gumising ako ng maaga para mag ayos at pumunta ng school.  Sunday pero bukas ang school para sa mga kukuha ng schedule at half day lang kaya dapat maaga.  Pasukan na din sa monday,  mahirap kung makikipag siksikan kapa.

Nag paalam ako kay Tita pag katapos nya akong bigyan ng pera.  Maliit na halaga lang ang hiningi ko dahil hindi naman kailangan ng maraming gamit sa college.

Napagusapan namin ni Luna na mag kita sa school. 

Nang makarating ako sa school ay medyo madami ding students.  Mga naka civilian. Balita ko din ay madaming nag enroll na first year college this year.

Sa malayo palang ng hallway ay nakita ko na si Luna.  Kumaway siya sakin at nginitian ko. 

Patakbo akong lumapit sa kanya.  Agad nyang sinakbit ang braso nya sa akin at halos panggigilan ako.

"Grabe, parang dalawang buwan kitang hindi nakita! "

Inirapan ko siya.  Nag lakad kami papunta sa registration.

"Nag kita lang tayo last week, Luna. " Paalala ko sa kanya.

Tumawa siya. 

"Alam ko.  Pero namiss kita,  look at your body may curve kana. " Ngisi nya at kinurot ang tagiliran ko.

"Aray ha! "

Nanghingi kami ng schedule namin,  buti nalang at sa finance lang may pila.  Kaya naman agad kaming nakakuha ng schedule.

"Hala! Look. " Turo ni Luna sa schedule paper namin ng makuha namin.

Itinuro nya sakin ang bagong math teacher namin.

Nakakapanlambot!

"Hindi na si Sir Kyle ang prof natin sa Math 102."

"A-akala ko siya padin sa second year? " Nakakapanlambot.

Kaya nga ako sinisipag pumasok at mag aral dahil professor ko siya.  At hindi pa siya pala absent.

"Oo nga e.  Yun din ang sabi ni Dean diba ng nag papirma tayo. "

Teach Me How To Love (LS#1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon