Chapter Twenty-three

3K 105 2
                                    

Lumipas ang isang buwan.  Ganon padin ang nangyayari sakin,  lago kaming mag kasama ni Kyle.  Yes,  Kyle.  Nasanay na ako sa pag tawag ko sa kanya niyon,  tuwing lalabas kaming dalawa,  pupunta sa ibang lugar para mag date.

Mas nafi-feel ko yung freedom ko,  yung pagiging inlove ko kasi nararamdaman ko. Araw-araw.

Pag hindi kami mag kasama sa chat lang kami nag uusap,  minsan pag may time, face time.

We are comfortable with each other.  Pero lihim padin ang aming pagsasama,  minsan ko nalang makasama si Andrei at Luna.  Luna know about us,  already. 

Isang beses nadulas ako sa kanya dahil halos araw-araw na akong hindi sumasabay sa kanya.  But she promised me.  She keep her mouth shut,  wala siyang pag sasabihan kaming dalawa lang.

She's my best friend,  and I know suportado nya ako dito.

Nung una hindi siya naniwala,  tinuktukan nya ako dahil sa pag iilusyon ko daw.  Like..  " What the fuck Asha,  wag mo kong gaguhin.  Alam ko amoy ng hininga mo tuwing umaga kaya alam ko kapag trip moko. "

Anong connect non Luna? 

And of course,  hindi ko naman ugaling mag sinungaling kaya ng ipakita ko ang picture namin dalawa ng pumunta kami sa manila ocean park.  Halos lumuwa ang mata nya at yugyugin ako ng sobra. 

Tahimik ang corridor dahil may klase, bumaba ako para kumuha ng test paper.  Ako ang inutusan ng prof namin.  Preliminary examination ngayon,  stress pero alam ko naman na may isasagot ako.  Dahil bukod sa nakikinig naman ako sa mga tinuturo ng teachers ko may nag re-review sakin.  Si Kyle.

Masasabi ko talagang kahit maliit ang school ay hindi mo maiiwasan ang tao na gusto mong iwasan. 

Si Bianca,  may hawak na shake at mag isa lang na nag lalakad.  Napatingin siya sakin at tinaasan lang ako ng kilay.  Halos ilang linggo ko din siyang hindi napansin dahil hindi nanaman niya ako ginugulo at hindi ko din pinapakielaman ang mga tao sa paligid ko,  lalo na pag pupunta na ako sa faculty ni Kyle.

Nilampasan nya ako.  Kaso akala ko tatahimik lang siya ngunit ng tawagin nya ako ay napahinto ako para lingunin siya.

"Asha."

Nilingon ko siya.  Hindi ko siya sinagot.

Umayos siya ng tayo at pinasadahan ng kamay ang kanyang buhok.

" Binusted mo si Andrei? " Taas kilay nyang sabi.

"Hindi." Simpleng sagot ko.

Totoo,  hindi ko pa siya nakakausap pero sana nararamdaman nya ang trato ko sa kanya.  Pakikipag kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. 

Tumalikod na ako at hindi na hinintay na mag salita siya.

Nag simula ang exam at maluwag ang nasa isip ko,  tuloy-tuloy lang ang pag sagot ko,  minsan naiistorbo kapag hahawiin ni Luna ang kamay ko,  O kaya ay itatanong nya ang tamang sagot.

"Grabe naman this girl.  Baka mamaya ma perfect mo na ang exam dahil sa inspiration mo ha? " Ngisi ni Luna ng lumabas na ang prof namin.

Nginisihan ko siya. 

" Magaling tutor ko. " Kindat ko sa kanya.

"Alam mo,  konting pangiingit pa Asha,  talagang aagawin ko yan si Sir Kyle sayo. " Simangot nya.

Pinanlakihan ko siya ng mata at sinenyasan na wag maingay kahit lumalabas na ang mga kaklase ko para mag lunch.

" Remember?  Hirap na hirap kang kunin ang atensiyon nya noon,  pero ngayon siya na ang nanliligaw sayo. "

Teach Me How To Love (LS#1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon