Chapter Fifty

2.8K 84 8
                                    

Nakatulala ako at lutang Nasa bahay ako at mag isang nanunuod ng isang palabas na about sa paghihiwalay.

Bakit kahit masakit ang palabas ay hindi ako umiiyak? Bakit lungkot lang ang nararamdaman ko.

Dahil ba hindi na ako apektado? Dahil yung dahilan ng kalungkutan ko ay muling bumabalik sakin?

Bakasyon na at hindi naman ako masyadong lumalabas ng bahay. Minsan pag aalis ay nakanila Tita o kaya ay nasa bahay ni Mama.

May trabaho si Mama na malapit sa bahay nya , may kinakasama din siya na nakilala nya noong nga panahon na mag isa siya. At masaya ako para sa kanya , hindi ako nagalit. Kung saan siya maya doon ako.

Si Tita naman ay umalis na sa kanyang trabaho dahil din kay Primo. Naging full time mommy siya at siyempre wife kay Tito Vits. Noong nag pakasal sila ay unang taon ng aking pag tuturo bilang teacher. Tapos ay nag ka babu lang sila netong malapit na akong mag three years sa trabaho.

Masaya ako sa naging takbo ng aking buhay at hindi naman ako nag sisisi.

Ang nangyari samin ni Kyle. Na realize ko na pwede akong mang hinayang pero dapat ay hindi ako nag sisisi. Dahil unang-una ay ako ang nakipag hiwalay sa kanya. At hindi lang puro sakit ang nadulot ng pag kawala nya sakin kundi ay naging aral din sakin.

Hindi ako nag ka oras sa pag bo-boyfriend dahil sa busy at takot na muling masaktan.

Ngayon ay muling natutunaw ang puso ko. Muli ay nahuhulog at bumabalik sa kanya. Ramdam ko ang pag pupursigi nya na muli akong makuha.

Mahal ko siya sobra. Kaya noong nawala siya ay , masakit sobra.

Napahawak ako sa kwintas na binigay nya noon sakin. Maraming memories ang muling bumalik. May masasakit pero mas madami ang masasaya.

Nawala ang atensyon ko sa kwintas ng marinig ko ang tunog ng cellphone ko. Agad akong napatingin doon at kinuha iyon.

"Yes Tita?" Bungad ko. Alas kwatro palang ng hapon , baka may isasadya sakin.

Narinig ko na may kausap siya saglit bago binigay ang atensyon sakin.

"Asha? Nandito si Kyle sa bahay. Hindi pala nya alam yung apartment mo , gusto mo bang papuntahin ko dyan o ikaw na pupunta dito? Nandito din Mama mo. Kanina pa nga nakatitig kay Kyle." Natatawang sabi ni Tita.

Halos tumilapon ang mga unan at hawak na popcorn sa lapag dahil sa biglaan kong pag tayo.

"Ha!? Anong ginagawa nya dyan Tita? " Kinakabahan tanong ko.

Hindi naman kasi ako nag papahatid kay Kyle kapag uuwi kahit gusto nya. Mas pinili ko kasi na bigyan nya nalang ako ng pagkain araw-araw kaysa ihatid nya pa ako dito sa bahay ko.

"Hindi ko alam. Pero mukang ikaw ang sadya , may dalang bulaklak e. Akala nya siguro dito ka parin nakatira."

Napahampas ako sa noo ko.

"Sige Tita , papunta na ako. Mag bibihis lang ako." Sabi ko at agad pinatay ang tawag.

Nag papanic na ako habang pinapatay ang t.v at agad pumasok sa kwarto para maligo ng mabilisan at nag hanap ng damit.

Suot ko ang isang denim highwaist pants at croptop na puti na may design na sunflower. Bitbit ko ang boho bag ng matapos akong mag lagay ng konting pang pa ganda sa aking muka.

Habang nasa taxi ay kinakabahan na talaga ako. Alam ni Mama na may naging boyfriend ako noon, pero hindi nya alam na kasama ko iyon ngayon sa trabaho. Baka mabigla pati iyon kapag nalaman kung paano naging kami ni Kyle.

Hindi ko naman kasi sinabi lahat. Basta sinabi ko lang sa kanya na may naging boyfriend na ako , at nag hiwalay nadin kami.

"Thankyou po." Sabi ko sa driver bago bumaba pag tapos mag bayad.

Sa labas palang ay nakita ko na si Tito na karga si Primo. Siguro ay tinopak ang bata kaya naman inilibas ni Tito. Ngumisi siya sakin , ngising nangaasar kaya naman inirapan ko siya bago dumiretso kay Primo at hinakikan ito sa pisngi.

Inabot nito sa akin ang kamay kaya naman ay kinarga ko ito at tsaka nag lakad papasok sa loob ng bahay.

Nakaupo si Kyle sa harapan ni Mama at tahimik lang na kumakain ng kung ano. Si tita naman ay kalalabas lang ng kusina na may dala ng pitsel , ngumiti siya sakin bago ilagay ang hawak sa pisngi.

Napatihin sakin si Kyle kaya nag iwas ako ng tingin. Si Mama naman ay tumayo at lumapit sakin para kunin si Primo. Pero agad umiling si Primo , ayaw sumama kay Mama.

" Naku ikaw , Primo! Baka akalain ni Kuya Kyle mo si Ate Asha mo ang tunay na nanay mo." Tawa ni Tita bago pwersahan kinuha sakin si Primo.

Hindi naman umiyak si Primo dahil may binigay na laruan sa kanya ang Mama nya.

"Ate umupo ka muna dyan , hayaan mo si Asha malaki na yan." Natatawang sabi ni Tita kay Mama.

Nahihiya naman akong lumapit kay Kyle na ngayon ay nakatayo nadin.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

Nakasuot siya ng pang summer look , pink na polo at pants.

Inabot nya sakin ang bulaklak bago ako inalok na umupo. Halos maubo pako ng alalayan nya ako.

"Naks. Parang babasagin si Asha." Mahinang sabi ni Tito Vits bago siya sikuin ni Tita. Tinawag ni Tita si Mama , walang nagawa si mama kundi ang lingunin nalang kami ni Kyle habang papasok ng kusina.

Doom ay ibinalik ko ang tingin kay Kyle. Nakanguso siya ng maabutan pero agad din nag seryoso ang muka.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"I jusy want to  visit you. But I didn't know na may sarili ka na palang bahay." Sabi nya.

"Dapat nag text ka muna."

"I want to surprise you. " He said.

Napanguso ako at napatingin sa bulaklak na binigay nya.

" Nakilala ko na ang Mama mo." Bigla nyang sabi kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"She asked me , kung sino ako. Bakit ako nandito at bakit kita dinalhan ng bulaklak. "

"Then? Anong sinabi mo?" Kinakabahan kong sabi.

Ngumiti siya sakin.

"Nag pakilala muna ako siyempre , at nagulat ako kasi kilala nya ako." Ngiti niya.

Pakiramdam ko namula ang aking muka. Gusto kong mag iwas ng tingin pero hinawakan nya ang baba ko para i focus ang muka ko sa kanya.

" Ang sabi ko sa kanya , nandito ako para ligawan ka ulit. Nandito ako para mapatunayan na seryoso ako para balikan ka. Kasi ganon kita kamahal Asha." Seryoso nyang sabi.

Napapikit ako sandali bago muling nag mulat ng mata. Dahan-dahan ko siyang nginitian.Naluluha pero pinigilan ko.

"I want your love again. And I willing to wait until you said yes to me again."

Doon ay muli akong natupok. Doon ay muli akong nahulog.

Dahang-dahan kong tinago ang ulo bago nag salita.

"Pumapayag na akong mag paligaw ulit sayo." Ngisi ko bago siya yakapin.

-

PhobieQtie

Teach Me How To Love (LS#1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon