I'm still mourning over my Maldive's death nang dumating ang Monday. I don't want to go to school today, or tomorrow and the day after tomorrow. I just want to mope around my room for eternity. Who killed her? Is it someone na pinagkakatiwalaan niya since nakuha ng killer ang number niya? After all, you can't trust anyone in this world. Trusting someone is like giving them a sharp knife that they will use to stab you in the back. All I know is that Maldive is not gullible enough to give her number to some stranger or someone she doesn't trust.
Sinabi ko rin kay tito na hindi suicide ang nangyari and he agreed with me. Right now, the case is still going at I'm planning on investigating it myself. Baka may makita akong kahit ano na maglalabas sa identity ni X. But for now, kailangan ko munang pumasok.
As I'm walking papunta sa school, dumaan muna ako sa isang tea shop to relax myself even though wala naman akong ginawa mula kahapon except kumain at matulog.
When I entered the University, I immediately heard murmurs about my friend who 'killed herself' because her boyfriend cheated on her. I want to staple their tounges at the roof of their mouths to stop them from making rumors and assumptions about something they know nothing about. But then I realized that people tend to make fun of others for their own amusement. They seem to know more about the life of other people than those people themselves.
Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Nakarinig pa ako ng ibang mga bulung bulungan na galing naman sa mga classmates ko pero tungkol naman ito sa bagong student.
Disregarding their tittle-tattle for the second time, pumasok na ako sa room at pumunta sa pinaka sulok. Hindi ko kaklase si Samantha kaya wala akong katabi. I've never been fond of people since I have trust issues.
Mabilis na napuno ang room ng mga students at nagsimula ang discussion namin sa first subject.
I slumped against my desk and all I want to do is sleep. And that's exactly what I did.
~~~~
"ALETHEIA!" Nagising ako sa sigaw ng teacher namin sa- wait, 4th period na?
'Nice' I thought.
"I dont appreciate you sleeping in my class! Detention mamaya." sabi niya and I sighed.
"Yes ma'am" After that, nagpatuloy siya sa pagdi discuss nang nag ring ang bell. Agad akong lumabas at nakita si Samantha na nakaupo na at may pagkain na. Kahit di ko siya tinatanong ay sumagot siya "Vacant namin before lunch eh kaya bumili na ako ng pagkain. Ikaw? Wala ka kaninang recess?" Tanong niya. I shrugged and said "Nakatulog. Detention."
"Hindi ka ba kakain?" Tanong niya ulit. "Nah" sabi ko at nilabas ang book na 'To kill a mockingbird' habang nagpatuloy siya sa pagkain. I'm glad na hindi niya hindi niya binanggit ang nangyari kay Maldive. It may seem like I don't care about the world pero mahalaga sakin ang mga kaibigan ko.Well, ang kaibigan ko since nag iisa nalang siya ngayon.
Agad nag bell kaya pumasok na ulit ako sa classroom. Dumating ang English teacher namin at pinakuha ang book para gumawa ng activity. I'm almost done when I heard someone entering the room.
Umupo ang person na iyon sa tabi ko nang hindi tinatanong kung may nakaupo doon. Andami namang vacant seats bat dito pa? Hindi ko nalang pinansin at sinagot ang last question na "Who is the greek goddess of truth?" Agad ko iyon nasagot dahil pangalan ko lang naman ang ilalagay ko. Aletheia is the goddess of truth. Kaya I'll make sure to find the truth about Maldive's death even if it will bring my own.
Tumingin ako sa katabi ko and he's actually decent looking. Brown quif and from what I can see mayroon siyang hazel eyes. Agad din niyang nasagot ang mga questions effortlessly as if it's too easy for him.
"Tsk. Elementary questions" narinig kong bulong niya. He actually looks like a responsible student. Some of our girl classmates are looking at him with ogling eyes. Tinitignan ko rin naman siya pero hindi dahil interested ako sakanya in that way but because I'm observing him.
"It's never nice to stare at people. " sabi niya without even looking at me.
"I'm not staring. I'm observing" sabi ko sakanya at tumingin siya sakin.
He's actually a good-looking guy up close. "Tell me what you have observed then" he smirked as if he's challenging me.
"Well, may cctv sa likod ng school if you don't know. So prepare yourself for a detention on your first day dahil sa pag over-the-bakod mo. Huwag ka kasing magpuyat kung alam mong may pasok kinabukasan." Sabi ko sakanya and smirked nang makita ko ang pagkagulat niya
"Paano mo nalaman?" Tanong niya.
I can tell na nag over-the-bakod siya dahil hindi na siguro nakapasok kanina since agad nagsasara ang gate. And once it's closed, you can't enter the school for the rest of the day. Hindi ko kasi siya nakita kaninang 4th period nang gisingin ako ni ma'am.
Pwedeng nag cutting siya pero napansin ko ang konting kalawangang at maliit na bahagi ng petal sa polo niya na makikita lang sa likod ng school.
Plus, medyo may putik ang sapatos niya at naalala ko na hindi pa sementado ang lupa sa likod ng school at umulam kagabi.
As for waking up late, it's just a wild guess kahit halata naman sa hitsura niya na puyat siya at halos kagigising lang niya. May isa pa ngang butones sa polo niya na hindi nakasara ng maayos dahil siguro sa pagmamadali.
Hindi naman ako naninilip, like I said nag o-observe lang.
Hindi ko na siya nasagot dahil napagalitan kami ni ma'am. Mabilis na natapos ang klase kaya umalis na si Sam dahil may gagawin pa daw na homework habang ako, naiwan para sa detention.
I was staring at the ceiling nang bumukas ang pinto. "You're right. May cctv nga sa likod ng school niyo." Niyo? School mo na rin kaya 'to. Hindi ko siya tinignan at nagpatuloy sa pag o-observe sa kisame.
"What are you staring at? May kaluluwang nanghihingi ba ng tulong sa kisame?" This time tinignan ko siya with glaring eyes. Ano bang trip nito? Nag smile lang siya at napansin ko na may dimples pala siya. In fairness, pwede na akong mag swimming sa sobrang lalim.
"I'm Elijah Ethan Gonźalez but you can call me Ethan. Masyado na kasing common ang Elijah" sabi niya nang hindi nabubura ang ngiti while offering his hand.
I placed my hand on his while saying "I'm Aletheia, and you can call me Aletheia"
"Wala kang nickname or second name? Ang boring mo naman" sabi niya in a joking manner. Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin ulit sa ceiling. I have to admit, he actually has a nice smile.
---•••---
Pagkatapos ng detention ay pumunta ako sa isang library na nadadaanan ko pag umuuwi ako para manghiram ng libro about poisons dahil naging interested ako sakanila since this past few months.
As i enter the library, nabagga ko ang isang babae na naka black hoodie na may hawak na red handbag. I'm about to say my apology nang nagmadali siyang umalis at hindi man lang lumingon.
'That's strange' I thought pero naisip ko na baka may lakad lang siya at nagmamadali.
Pagkapasok ko grineet ako ni Sally na nagta trabaho sa library since lagi naman akong nandito at kilala na niya ako.
Nakahanap ako ng book about poisons. From plants to chemical na pwedeng pumatay sa isang tao o hayop. Pagkalipat ko sa isang page ay napansin kong may punit ang kasunod nitong page as if may pumunit at kumuha nito. Tinignan ko ang table of contents and saw that the ripped up page is supposed to have the information about the chemical 'barium acetate'. 'That's one of my favorite poisons' I thought.
Well, atleast after arsenic, na nagbibigay ng cancer na hindi masyadong ginagamit sa mga librong nababasa ko, even though hindi ko alam kung bakit.
As I'm pondering kung sino ang kumuha ng page na naglalaman ng information about sa poison na iyon, I can't help but think about the woman I bumped to earlier.
----------------------------
YOU ARE READING
Finding X
Mystery / ThrillerCodes, clues, lies, betrayals, ciphers. Ganyan ang naging buhay ko since I met Elijah Ethan Gonźalez. And together, we will uncover the identity of X.