5

45 8 0
                                    

Nagising ako ng saktong 5:30 am kaya agad akong umalis ng apartment at dumiretso sa isang coffee shop para doon na rin mag almusal.

Nakalahati ko lang ang cheesecake ko kaya kinuha ko nalang ang kape ko para ubusin habang naglalakad.

Lumabas ako sa coffee shop at iniisip kung paano ko gagawin ang mga assignments ko na ipapasa namin ngayon na hindi ko nagawa kanina.

As I'm walking towards the school I feel someone looking at me. Tumingin tingin ako sa paligid pero mukhang wala namang tao na tumitingin sa direksiyon 'ko.

'It's just your imaginations playing with you, Thea.' I told myself.

Pagpasok ko sa school ay agad kong hinanap si Sam dahil ibabalik ko ang notebook niya na hiniram ko dahil wala akong nasusulat sa mga subjects ko dahil sa pagtulog lagi sa klase.

Pagkatapos ng ilang minuto ay hindi ko pa rin siya nahahanap kahit anong ikot ko sa buong campus. Pumunta na rin ako sa room nila ngunit hindi pa daw siya pumapasok. Tinext ko na rin siya at tinanong kung pumasok ba siya pero wala pa rin akong natatanggapna reply.

Biglang nag ring ang bell kaya napilitan akong pumasok sa room namin kahit na gusto ko pang hanapin si Sam.

Pagpasok ko ay may babae na naka upo sa pwesto ko at kinakausap si Ethan.

Lumapit ako sakanila pero mukhang hindi nila ako napansin kaya naiinis akomg nagsalita.

"Excuse me." Napatingin silang dalawa sa akin.

"Thea! Good morning." Pagbati ni Ethan sa akin with his signature smile habang tinaasan naman ako ng kilay ng babae.

"Hi thea!" Nag smile sa akin ang babae as if we're long term friends.

"It's Aletheia" sabi ko sakanya. Nakatayo lang ako habang hinihintay siyang umalis sa pwesto ko.

Mukhang na realize naman niya iyon kaya umalis na siya doon. Kahit hindi ko tinatanong ang pangalan niya ay sinabi pa rin niya ito.

"Oh I forgot to introduce myself. I'm Xienna. Xienna Almojuela."

------------

Dumating ang lunch pero wala pa rin si Sam. Naglalakad ako sa hallway habang hinahanap ang pula at kulot na buhok ni Sam nang mabangga ko ang isang matangkad na lalaki.

"Thea? Anong ginagawa mo? Hindi ka ba mag lu lunch?" Si Ethan lang pala.

Napansin ko rin si Xienna na tumatakbo sa likod no Ethan. Hindi ko alam kung bakit pero may iba akong pakiramdam kay Xienna.

"I'm trying to find someone."

"Who? Your friend?" Paano niya nalaman?

"Paano mo naman nalaman?" Tanong ko sakanya. Malay ko ba kung siya ang nagtago kay Sam bilang ganti sa akin dahil sakanya ko pinabayad ang kinain kong sisig.

"Siya lang naman lagi mong kasama eh." Sagot niya sa akin. Nang nasa side na niya si Xienna na mukhang napagod kakahabol kay Ethan, he sighed as if si kamatayan ang humahabol sakanya.

"I told you to wait for me. There's alot of guys who invited me to join them for lunch but I still chose you" Sabi ni Xienna kay Ethan as if responsibilidad ni Ethan na hintayin at samahan siyang mag lunch.

"Actually, may hinahanap kami ni Thea. So please, samahan mo nalang kung sino mang lalaki ang yumaya sa'yo." Sabi ni Ethan na mukhang naiinis.

I was taken back when he held my hand and pulled me away from Xienna who looked shocked. Baka hindi siya sanay na ma reject sa isang lalaki since maganda siya. Ha, take that.

"Hoy, saan mo naman ako dadalhin?" Tanong ko sakanya at inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Tutulungan kitang hanapin ang kaibigan mo. Tapos tutulungan kita mamaya sa pupuntahan mo." Ang lakas talaga ng tama ng lalaking 'to.

"At bakit naman kita papayagan?"

"Because, from now on, we'll be the duo that no criminal should mess with." Infaireness, ang yabang niya.

"Tsk. Bahala ka."

"Anyways, saan mo ba last nakita ang kaibigan mo?" Tanong niya at hindi ko naman alam kung bakit ako sumagot.

"Hindi ko siya nakita kaninang umaga. Hindi rin siya pumasok sa lahat ng klase niya. I texted her earlier pero wala pa rin akong natatanggap na reply."

"Baka nag absent lang dahil may sakit or what."

"No. I feel like something is not right. I always trust my guts."

"Well, I trust you. So, saan ba siya laging pumupunta? Baka nag cutting lang." Well, nag cutting na rin si Sam twice and nahanap ko siya noon sa rooftop at likod ng school.

Pero pumunta naman ako kanina sa likod ng school at bakante ang upuan doon kung saan nakaupo dati si Sam. Isang lugar nalang talaga ang hindi ko napupuntahan.

"Rooftop" bulong ko at naglakad ng mabilis sa rooftop dahil 20 mins. nalang ay matatapos na ang lunch.

Narinig ko ang mabilis na yapak ng paa ni Ethan na nangangahulugang sinusundan niya ako.

Nang buksan ko ang maliit na gate papunta sa rooftop, tumambad sa akin ang tahimik at walang taong lugar. 'Wala rin siya sa rooftop, mukhang tama nga si Ethan.'

"See? I told you so, nag absent lang talaga ang kaibigan mo." Sabi ni Ethan na nasa side ko.

This is the first time that my guts told me wrong. Aalis na sana ako nang may makita akong papel na nakaipit sa ilalim ng isang maliit na paso. Nilapitan ko iyon at tinignan.

"Ano kaya ang nakalagay dito?"

"Paano natin malalaman kung hindi natin titignan?" Sabi ni Ethan at kinuha ang papel. Binuksan niya iyon at dumugo ang ilong ko sa nakasulat. I'm great at observing but not in breaking ciphers.

'Searching for Samantha Grace?

Hurry up, time is ticking and it can't go back.

12:14:14:17:00:1:20:11:2:00:6:13:8:19:8:17:22

All the love,
X.'

Finding XWhere stories live. Discover now