7

20 2 0
                                    

Nang maayos na ang pakiramdam ni Sam, hinatid namin siya ni Ethan sa apartment niya.

Hindi ko muna siya tinanong kung ano ang nangyari since mukhang kailangan niya munang magpahinga.

"Thank you." Mahinang sabi niya at niyakap ako bago tuluyang pumasok sa kaniyang apartment.

"So, saan nga pala tayo pupunta ngayon?" Tanong ni Ethan sa akin. Sinabi ko sakanya ang address ni Maldive na malapit lang din dito.

Sumakay ulit kami sa sasakyan at nagsimula ng mag drive si Ethan. Malamig at mahangin ngayon at mukhang uulan, naalala ko tuloy noong bata ako.

Tuwing umuulan, nasa labas lagi ako habang naliligo sa ulan bago ako pagalitan ni mama at papasukin sa bahay. If there's one thing that I enjoy to smell other that the scent of old books, it's the petrichor.

Habang papunta kami roon ay may nakita akong isang babae na mukhang pamilyar.

"Stop the car!" Tinignan ko ng maayos ang babae and I was right. Si Xia nga ang nakita ko.

Siya ang nakaaway minsan ni Maldive dahil sa isang issue pero ang alam ko ay pumunta na siya ng ibang bansa. Hindi ko alam na bumalik na pala siya sa Pilipinas.

"Who is she? May atraso din ba yan sa'yo? Mukhang mapapatay mo na siya sa tingin mo." Sabi ni Ethan pero hindi ko siya pinansin at lumabas sa kotse para puntahan si Xia.

Nang makita niya na papalapit ako sakanya ay tinaasan niya ako ng kilay.

"Well, it's been a long time since I last saw you Thea. Na miss mo ba ako?" Pag smirk niya sa akin.

"First of all, kakapunta ko palang sa zoo at maraming unggoy doon kaya 'di kita na miss. Second, wag mo akong tinataasan ng kilay lalo na kung drawing lang yung sa'yo. Lastly, kailan ka pa bumalik sa Pilipinas?" Tanong ko sakanya.

"Tsk. Hind ka pa rin talaga nagbabago. You really think you are better than everyone else. And to answer your question, nandito na ako before nag suicide ang kaibigan mo."

"W-what?"

"Excuse me, may pupuntahan pa ako." Pag smile niya sa akin at pumasok sa kotse niya. Ngayon ko palang napansin ang suot niya at mukhang pupunta sa isang bar.

Tinignan ko ang sasakyan hanggang sa malayo na ito pero may nagsasabi sa akin na sundan ko iyon. May iba lang akong nararamdaman sakanya lalo na nang sinabi niyang bumalik siya sa Pilipinas bago pa man mawala si Maldive.

"Well, umalis na siya. Bakit ka pa nakatayo diyan?" Tinignan ko si Ethan na nasa side ko nalang bigla.

"Wala. Tara na." Sabi ko sakanya at bumalik sa kotse niya. Nilabas ko rin ang cellphone ko para i text at kamustahin si Sam at sabihin sakanya na bumalik na si Xia sa Pilipinas.

From Sam: I'm fine now. Pero kailan pa siya bumalik?

To Sam: Bago pa mawala si Maldive. I have to go. Magpahinga ka na.

From Sam: Well, okay. Pero saan mo siya nakita?

"Sino naman iyan?" Tanong ni Ethan habang sa akin. Nag reply muna ako kay Sam at sinabi kung saan ko siya nakita bago tuluyang tumingin kay Ethan.

"Bakit mo kailangan malaman?" Tanong ko sakanya na nakataas ang kilay.

"Bawal bang magtanong?" Naiinis na sabi niya sa akin. Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas.

"Si Sam. Nandito na tayo." Sabi ko sakanya at nag park muna siya bago kami lumabas sa kotse.

"Iyan ba ang apartment ng kaibigan mo?"

"Yes. Tara na" sabi ko sakanya at pumasok. Narinig ko rin siyang sumunod sa akin.

"Well, mukhang naka lock din ang pinto. Sipain mo kaya?" He giggled.

"Shut up." Sabi ko sakanya at kinuha ang susi sa ilalim ng paso sa gilid. Doom kasi tinatago ni Maldive ang susi at kami lang ni Sam ang may alam doon.

Pagpasok ko ay huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit pero inexpect ko pa rin ang katawan ni Maldive na nakahandusay sa living room ng apartment niya.

"So, ano nang gagawin natin ngayon?"

"Maghanap ka ng pwedeng maging clue para malaman kung sino si X." Sabi ko sakanya at pumunta sa kwarto ni Maldive.

Pumunta ako sa drawer niya at binuksan iyon isa isa. Naglalaman iyon ng mga normal na bagay na mayroon ang isang teenager. Nothing out of ordinary.

Pupuntahan ko sana ulit si Ethan nang may mapansin ako na hindi ko nakita last time. May isang maliit na box sa ilalim nang kama ni Maldive. Nakita ko lang iyon ngayon dahil yumuko ako habang tinitignan ang last drawer niya.

Kinuha ko iyon at nilagay sa kama niya. Umupo na rin ako dito at inilapit ang itim na box sa tainga ko. Kinasog kasog ko iyon para makasiguradong walang bomba.

"Ehh. Safe naman siguro."

Binuksan ko iyon. May mga notebooks na maliliit, ballpen, isang bookmark, mga pictures at keychains.

Napangiti ako nang makita ang isang ballpen na may pangalan ko pa. Naalala ko bigla nang binigay ko ito sakanya dahil wala siyang ballpen sa first day ng klase. Well, hindi ko iyon binigay pero kinuha niya.

Ito siguro ang box kung saan niya nilalagay ang mga bagay na pinapahalagahan niya. Tinignan ko rin ang mga pictures na kasama niya ang mga magulang niya nang makita ko ang isang picture.

Nakatayo si Maldive kasama ang isang babae at mukhang masaya sila. Napalunok ako nang ma realize kung sino ang babae na kasama niya sa picture. Singkit na mga mata, maputi, itim at kulot ang buhok.

Xienna.

"Hey, may nahanap ka ba diyan?" Nabigla ako nang nagsalita si Etha na nasa pintuan.

"W-wala."

"Hmm. Ano yan?" Tanong niya at lumapit sa akin. Agad ko ring ibinulsa ang picture at tinakpan ang box bago ito ibalik sa ilalim ng kama.

"Nothing." sabi ko sakanya.

"Well, wala rin akong mahanap eh." Sabi niya sa akin.

"Ethan, pwede bang umuwi na muna tayo? Bigla kasing sumakit ulo ko." Sabi ko sakanya. Hindi naman ako nagsisinungaling dahil sumakit talaga ang ulo ko, lalo na sa nakita ko.

Lumabas na kami ni Ethan sa dating apartment ni Maldive at pumunta sa sasakyan ni Ethan.

"Ok ka lang ba? Baka nagugutom ka? Hindi ka pa naman nag lunch-"

"I'm fine. Ihatid mo nalang ako, please." Ang sabi ko sakanya. Inaantok na rin ako dahil ilang araw na akong hindi natutulog ng maayos.

"Alright" He sighed.

-------

Nang makarating na kami sa tapat ng apartment ko ay nginitian ko si Ethan.

"Thank you."

"You're welcome." Sabay ngiti niya sa akin.

Hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang sasakyan ni Ethan bago ako pumasok.

Pagpasok ko sa apartment ay agad na akong nag ready para matulog dahil kailangan nang magpahinga ng katawan ko.

Pagkalagay ng ulo ko sa unan ay agad ko nang isinarado ang aking mata. Pero bago ako tuluyang nakatulog, may isang tanong pa rin na gumugulo sa akin.

Sino ka ba talaga X?


-----------------------

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Finding XWhere stories live. Discover now