Dinala na ng mga pulis si Mrs.Wilfred habang naiwan kami ni Tito na nakatayo."Tito may update na ba sa case ni Maldive? Alam niyo na ba kung sino ang nag se-send sakanya ng mga messages?"
"Well, nabasa namin mula sa cellphone ng kaibigan mo ang mga text sakanya ng staker niya na tinawag ang sarili niyang 'X'."
"Pwede ko bang malaman ang mga sinend niya?"
"Mukhang mahihirapan tayo jan pero susubukan ko."
"Thank you Tito. Hindi niyo ba kayang ma trace ang may ari ng number na iyon?"
"Sinubukan namin iyan pero hindi namin ma trace ang number niya." Hindi ma trace? Burner phone ba ang gamit ni X? If so, mas matalino siya sa inakala ko, but I trust Shinichi Kudo when he said that there is always only one truth at lalabas iyon sa tamang panahon.
Nagpasalamat ako at sabay kaming lumabas. Laking gulat naming dalawa nang nandoon pa si Ethan. He's leaning against his car na para bang may hinihintay.
"Looks like you did it, Thea. Nakita ko yung babae na dinala ng mga pulis." He grinned. "Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko sakanya.
"Hinihintay ka."
"Bakit mo naman ako hinihintay?" May nakalimutan ba akong kunin sa kotse niya?
"Para ihatid ka sainyo." Lakas din ng tama nito ah.
"Si Tito nalang." Pagtanggi ko sakanya.
"Boyfriend mo Thea?" Tanong ni Tito na ikinagulat ko. Kailan pa ako nagka boyfriend? Sasabihin ko na sana na kaklase ko lang siya nang biglang nagsalita si Ethan.
"Ethan po, tito" At nakipag shake hands pa siya kay Tito. Kailan niya pa naging Tito ang Tito ko?
"Ayiee. Wala kang sinasabi na may boyfriend ka na pala ah. Ethan and Thea sitting on a tree, K-I-S-S-I-N-G" pagkanta ni Tito. At kailan din nalaman ni Tito yan? Tsk, pakainin ko sila ng cornetto eh.
"Hindi ko siya boyfriend!" Inis na sinabi ko kay Tito.
"Tara na Thea, late na oh" sabi ni Ethan sa akin.
"Kay Tito nga ako sasakay. Diba Tito?"
"Ah? Ehh. Ano eh.. Puno na kasi yung sasakyan ko. Naparami ata yung binili kong asukal kay Aling Vanessa, 'di ka na kasya. Babye ingat. Ethan, alagaan mo ang pamangkin ko kung ayaw mong ang katawan mo ang susunod na imbestigahan ng mga pulis." Sabi ni Tito at pumasok na sa kotse niya.
"T-tito wait!" Tuluyan ng umalis si Tito Edmund at naiwan kami ni Ethan na nakatayo.
"Awkward."
"Huwag mong sabihing awkward, lalo lang nagiging awkward." Sabi niya sa akin at binuksan ang pinto sa sasakyan niya. Pumasok na rin ako dahil gusto ko ng makauwi sa bahay dahil pagod na ang katawan at gutom na gutom na ako.
Pagkapasok niya ay binatukan ko siya sa ulo "Aray! Para saan naman iyon!?"
"Dapat sinabi mo kay Tito na kaklase lang kita. Hindi na niya ako titigilan panigurado." Sabi ko sakanya ng naiinis.
"Kaklase lang?" Tanong niya sabay pout. What?
"Anong gusto mo?" Tanong ko sakanya.
"Kaibigan, syempre"
"Oh"
"Unless you want more."
"More mo mukha mo." Pagkatapos ay nabalot ng katahimikan ang sasakyan na nasira ng pag iingay ng aking tiyan.
"Gutom ka ba? Ako rin kasi eh. Kain muna tayo" sabi niya sa akin at hindi na ako umangal pa dahil hindi rin naman ako marunong magluto at sawa na ako sa instant noodles na specialty ko.
Tinigil niya ang sasakyan sa isang karinderya, expect ko na pang mayaman na restaurant ang gusto niya dahil mayaman naman sila pero mukhang nagkamali ako.
"Neneng's Karinderya" ang pangalan ng karinderya at napansin ko na marami rin naman ang kumakain dito. Buti nalang at nakahanap pa kami ng mauupuan.
"Bakit andaming kumakain dito?" Tanong ko kay Ethan.
"Masarap kasi ang mga luto ni Aling Neneng. Binabalik balikan ko nga yung sisig niya"
Nag order na kami at parehas na ang in order namin dahil may tiwala naman ako kay Ethan na masarap ang lutong sisig ni Aling Neneng.
Dumating ang order namin at agad akong kumain dahil amoy palang ay naglalaway na ako sa sobrang bango. Kahit naman hindi masarap ay kakainin ko pa rin ito dahil gutom na gutom na ako.
"Sabi ko sa'yo eh" nag smile siya sa akin at hindi ko na rin naiwasang ngumiti.
"Hey! Nag smile ka." Sabi ni Ethan. Ano namang special sa smile ko?
"So?" Tanong ko sakanya
"First time kitang nakitang ngumiti. Mukhang may ginawa ang sisig ni Aling Neneng sa'yo ah?" Tumawa lang ako ng mahina sa sinabi niya. Hindi ko alam kung dahil sa luto ni Aling Neneng kaya ako nagkaganito o pinakulam na ako ni Mrs.Wilfred.
"Anong gagawin mo bukas?" Tanong niya.
"Bakit?"
"Bukas magluluto si Aling Neneng ng specialty niya. Ayaw mo bang subukan?"
"May pupuntahan ako bukas." Sabi ko sakanya. Pupuntahan ko kasi ang apartment ni Maldive baka may mahanap pa akong ebidensiya.
"Saan naman?"
"Basta."
"May iso solve ka nanaman ba?" Tanong niya sa akin.
"Kind of"
"Ano nga?" Bakit ba ang kulit niya?
"May pupuntahan lang ako."
"Sama ako." Hindi na rin ako sumagot dahil alam ko na kung gaano kakulit ang lalaking ito.
Tinignan ko siya ng mabuti. Mapagkakatiwalaan ko ba si Ethan?
Hindi ko pa iyan masasagot ngayon dahil hindi ko pa siya gaanong kilala at matagal bago makuha ang tiwala ko.
Pagkatapos naming kumain ay hinatid na niya ako sa apartment ko. Medyo nagsasalita na ako kay Ethan ng kaunti at bawat ngiti ko ay para bang naghimala ako sa harap niya dahil sa reaksiyon niya.
"Thank you." Sabi ko sakanya.
"No problem. Basta sama ako bukas." Sabay ngiti niya at pumasok na sa kaniyang sasakyan.
Nang makaalis na siya ay pumasok na ako at napansin na wala ang roommate ko. Naligo ako at pinatuyo ang buhok ko habang nagbabasa ng libro.
Makalipas ang ilang oras ay tinignan ko ang orasan, 3:45 am, mayroon pa akong isa at kalahating oras para matulog.
Pagkahiga ko sa kama ay hindi ko napigilang maalala ang nangyari kanina at napangiti.
Mukhang may nilagay nga si Aling Neneng sa sisig niya.
-------------
YOU ARE READING
Finding X
Mystery / ThrillerCodes, clues, lies, betrayals, ciphers. Ganyan ang naging buhay ko since I met Elijah Ethan Gonźalez. And together, we will uncover the identity of X.