6

29 3 1
                                    

"Ano naman ang ibig sabihin niyan?" Tanong ko kay Ethan na naiinis. Gusto ko man hanapin si Sam ay hindi ko naman alam kung saan o paano.

"You're the smart one here. Ikaw ang mag solve niyan." He smirked.

"Hindi nga ako familiar sa mga ganyan, paano ko pa maso solve iyan?"

"Tignan mo muna ang mga keywords. Sila ang magsisilbing clue kung anong cipher ang gagamitin mo."

"Huh?"

"Tsk. Tignan mo kasi ulit ang nakasulat."

'Trying to find samantha Grace?

Hurry up, time is ticking and it can't go back

12:14:14:17:00:1:20:11:2:00:6:13:8:19:8:17:22

All the love,
X'

"Ano kaya ang ibig niyang sabihin sa 'time is ticking and it can't go back'? " Tanong ni Ethan sa akin ng hindi inaalis ang mata niya sa akin.

"Uh. Bilisan natin?" I asked him stupidly. He sighed and said

"Are you familiar with the clock cipher?"

"Clock cipher?" Tanong ko sakanya.

"The person who made this letter must be referring to the clock cipher when he wrote 'time is ticking'"

"At paano mo naman nalaman iyan?"

"Because of the ":" whick separates the letters in the cipher and two zeros na naghihiwalay naman sa mga words."

"And?"

"Ganito kasi iyan." Kumuha siya ng ballpen sa bulsa niya at sumulat sa likod ng papel.

: - separates the letter
00 - separates the words

AM - A
1 - B
2 - C
3 - D
4 - E
5 - F
6 - G
7 - H
8 - I
9 - J
10 - K
11 - L
12 - M
13 - N
14 - O
15 - P
16 - Q
17 - R
18 - S
19 - T
20 - U
21 - V
22 - W
23 - X
24 - Y
PM - Z

12:14:14:17:00:1:20:11:2:00:6:13:8:19:8:17:22

"So kung kung ang 12 ay equal sa M, 14 ay O, 14 ay O, 17 ay R at ang 00 ang nagsisilbing space, natapos na nating ang first word." Ginawa niya ulit iyon at nakakuha kami ng tatlong words.

'Moor bulc gnitirw'

"Ano naman iyan? Nagkamali ba tayo sa ginamit natin?"

"No. Sigurado ako na tama ang ginawa natin. Kailangan lang nating hanapin ang iba pang keywords."

"Natapos na yung 'time is ticking'. What about the 'it can't go back'? " Tanong ko sakanya, hoping na sana may maitulong naman ako kahit paano.

"Go back!" Sigaw niya sa akin.

"H-huh? Pinapaalis mo ba ako?" Naiinis na tanong ko sakanya.

"Of course not, silly. I mean go back as in reverse."

"Reverse?"

Finding XWhere stories live. Discover now