"San Lucas' Library"
Pumasok ako sa library at agad agad pinuntahan at dumiretso sa book na hiniram ko about poisons na kababalik ko lang kaninang umaga dahil natapos at nabasa ko lahat overnight. Obviously, I'm a night owl kaya sa klase nalang ako madalas natutulog.
Nanghingi ako ng record ng mga nanghiram sa librong ito at nakita na lima palang ang nanghiram nito ,hindi ako kasama, at nagulat nang
04/12/16 - Mherly Gomez
07/01/16 - Fred Lobo
09/10/18 - Jelinna Wilfred
09/12/18 - Ethan Gonźalez
09/12/18 - Candy WilfredGreat. Ngayon kailangan ko pang tanungin si Ethan kung may punit na ba ang book nang hiniram niya ito.
As if on cue, pagkatalikod ko ay pumasok ang lalaki na kailangan kong tanungin. Mukhang sumasang-ayon naman ang mga nangyayari ngayon sa akin.
"Hey. Nandito ka pala" pagbati niya. Nakasuot siya ng white t-shirt at pants at ang ngiti sa mga labi niya ang nagpa kompleto ng suot niya. Ayan nanaman ang malalim dimples. "Hey" pagbati ko rin sakanya.
"Hihiramin mo yan? Nabasa ko yan and interesting ang mga poisons diyan. I personally like the barium acetate one" he chuckled. Hawak-hawak ko kasi ang libro at mga records sa mga kamay ko. Pero barium acetate? So hindi si Jelinna ang pumunit doon since nabasa pa iyon ni Ethan nang hiniram niya ito?
"Barium acetate? Wala bang punit 'to ng hiniram mo? Meron kang nabasang barium acetate dito?" Tanong ko
"Wait. Bakit curious ka? May balak kang lasunin no?" Kung pwede lang inuna na kita Ethan Gonźalez.
"May kailangan lang akong i solve"
"Anong i solve? Mystery ganon?"
"Parang"
"Kwento mo muna tas sasagutin ko lahat ng tanong mo"
"Ba't ba ang kulit mo?"
"Ba't ba ang mysterious mo?" Ugh, walang patutunguhan 'to kung itutuloy ko ang pakikipagtalo sa lalaking ito. So I decided na ikwento lahat sakanya ng mabilisan. Magmula nang makabangga ko ang babae sa library hanggang sa kanina dahil baka marami siyang tanong na ibato sa akin at hindi kami matapos dito.
"Wait. Ano yung pangalan ng babae?" Tanong niya
"Candy Wilfred"
"Woah. Nagpadala siya ng sulat kay papa last week about sa utang niya sa casino namin ah" Wait. Yun ba yung sinasabi ng chef na sugal ni Mrs. Candy? And may casino pala sina Ethan.
"Anong nakalagay sa sulat?"
"Tignan mo nalang sa amin para masaya" What? "Ethan wala akong oras para jan. Sabihin mo nalang kung ano yung nabasa mo" sabi ko sakanya
"Ewan, nakalimutan ko na eh"
"Alalahanin mo!"
"Tignan nalang kasi natin sa bahay" sabi niya. "Wala na ngang oras. Saan ba bahay niyo?"
May tinuro siya sa harap ng library at nakita ko ang isang malaking bahay, mansion, na lagi kong tinitignan pag umuuwi ako. "Ayun oh" Gusto kong mag facepalm dahil nasa harap lang pala namin ang bahay nila.
"Bat hindi mo agad sinabi?"
"'di mo rin naman agad tinanong."
"Tara na nga"
Lumabas kami ng library at nagpasalamat na rin ako kay Sally. Pagpasok ko sa bahay nila ay feel na feel ko ang sinabi ni Mrs.Candy na 'kid' dahil ang liit ko kumpara sa mga nakikita ko. Mas malaki ito kaysa kina Mrs. Wilfred at maraming mga katulong na naka uniform ang naglilinis sa malinis at makinang nang bahay. In offer ako ng maiinom ni Ethan pero tumanggi ako at sinabing kailangan ko na talagang makita ang sulat.
YOU ARE READING
Finding X
Mystery / ThrillerCodes, clues, lies, betrayals, ciphers. Ganyan ang naging buhay ko since I met Elijah Ethan Gonźalez. And together, we will uncover the identity of X.