CHAPTER THREE- So perplexing

239 7 5
                                    

*Edsel POV

This is it! Pagkatapos ng mahaba habang panahong paghahanda ay nakabalik na rin ako ng maynila. Namiss ko lahat dito. Lalo na yung isang taong mahalaga sa akin!

"Pre bilisan mo na riyan marami pa tayong gagawin sa enrolment.", sigaw ni Zedd habang kumakain.

"Oo tapos na"

Si Zedd ay pinsan ko sa ina at kasama kong nanirahan sa States. Pupunta kami ngayon sa St. Javier para mag enrol.

"Lakad na tayo pre?", wika ni Zedd

"Sige", tugon ko



Pagdating sa School pumila na agad kami at nakalipas ang isang oras natapos na din.

"Kain muna tayo pre. Nagutom ako kakalakad", sambit ni Zedd na hinimas himas pa ang tiyan.


"May alam akong restu malapit dito. Doon nalang tayo.", sambit ko.


Habang kumakain kami di ko maiwasang isipin yung nakaraan. Madalas din kami dito kasama ang barkada niya. Parang sariwa pa nga rin yung mga nangyari kahit matagal na ang nakalipas. Dito ko rin unang naramdamang may gusto na pala ako sa kanya.

"O hinay hinay lang sa pagkain baka mabulunan ka." natatawa kong sabi habang pinagmamasdan si Reign na kumakain. Nakakatawa siyang tingnan, kung kumain parang nagutom ng isang taon.

"Uhumn ah kashi ako.", puno ang bibig habang sinasabi niya yon.

Habang tinititigan ko siya naramdaman ko na lang na parang bumilis ang tibok ng puso ko at parang pinagpapawisan ako. Ewan ko anong nangyari sa akin. Bigla ko nalang naramdaman ang ganung feeling. Di ko maipaliwanag.

"Bat di ka kumakain diyan?", takang tanong niya.

"H-haa? A-ahh eh.. nabusog na kasi ako kakatingin sayo eh." wika ko.

"Ewan ko sayo. Tapos na ako at busog na busog na rin. Salamat dito ha? Ay tama pala pinapauwi na ako ni mama kasi may pupuntahan daw kami. Pano mauuna na ako ha? Salamat ulit.


Isang malakas na tapik sa balikat ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.

"Ano bang nangyari sayo diyan? Kanina pa ako salita ng salita dito ikaw nakatanga ka lang." wika ni Zedd.

Sakto namang dumating ang aming order.

"May naalala lang ako." tipid kong sabi na nagsimula ng sumubo ng pagkain.

Pagkatapos kumain ay agad na kaming umuwi.



-----------------------------------------------------------------------------------------------------

After 1week. Pasukan na.

"Mabuti na nga lang at magkatabi lang ang ating departamento.", sabi ko habang naglalakad.

"Oo nga eh. Paano ba yan dito nalang kita ihahatid.", natatawang sabi nito

"Loko ka talaga. Umalis ka na nga." pagtataboy ko dito

So ito na nga ang classroom ko. Hindi muna ako pumasok. Wala lang mas presko kasi dito eh tsaka maaga pa naman. Ang gulo kasi sa loob.

"Tol dito rin ba ang classroom mo?"

Sino ba tong feeling close na to? takang tanong ko sa sarili.

Love found.. [REVISE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon