CHAPTER EIGHT:)

176 7 1
                                    

*Chapter 8

<<REIGN POV>>

Hayyyy! nakakalurke naman tong si edsel, bakit ba hindi sya mawaglit sa isip ko? ginawa nya ng park tong isipan ko! Nakakainis naman ! hmmmp ! para sa konting kakornihan nya naaapektuhan na ako. Ano ba talaga tong nararamdaman ko? Mahal ko na ba sya ? o crush ko lang? matinding crush lang? Ano ba talagaaa ! nakakabadtrip naman to oh ! Dahil lang sa isang lalake nagkakaganito na naku ? ang babaw ko ba ? o nagmamahal lang ako ? masisisi nyo ba ako ? (sagot mga readers.. haha !) oh well ! mahal ko na nga siguro sya. 

TOK!TOK! "reign ??!! ano bang nangyayari sayo dyan ha ? kanina kapa parang may kausap dyan ah ! si mama.

"wala po ma, may kinakabisado lang po akong lesson namin(ANO DAW??LESSON?? SI EDSEL?? xd!)

"CGE ! pagbutihin mo. " cge ma, pagkatapos nito matutulog na ako.

Si edsel talaga ang dahilan ng lahat ng to ! kung bakit kasi gwapo sya ! (at sinisi pa ang walang kamuwang muwang) 

Hanggang nakatulugan ko ng pag iisip!

Kinabukasan .. LINGGO ! MAGSISIMBA KAMING BUONG PAMILYA!

"tapos na ba kayo? tayo na at ng hindi tau malate. si papa yun !

"ok pa ! tapos na kami . sagot ko .

" ang dami namang tao . sabi ni ate riz. "naku, magkakahiwahiwalay talaga tayo nito. dugtong naman ni kuya rick.

Ayon nga nagkahiwa hiwalay kami. Silang tatlo nina mama,papa at kuya magkatabi . kami nmn ni ate riz sa likod nila.

" habang naghihintay na magsimula ang misa, biglang umalis yung katabi kung babae, di ko nlang pinansin.. pagkalipas ng ilang minuto may umupo na naman ngunit parang lalaki kasi yung pabango nya amoy lalake. 

Parang pamilyar yung pabangong ginamit nya.. unti unti ko syang nilingon at pag lingon ko isang napakagwapong anghel na kung makangiti parang wala ng bukas ang nasilayan ko. 

It was EDSEL! nabigla ako.. yung puso ko parang gustong kumawala sa katawan ko. naku po ! parang DESTINY lang ?? 

Nang makabawi.. ngumiti ako sa kanya sabay sabing " Edsel ikaw ba yan ?

sagot naman nya "hindi ! picture ko lang to . haha !

" hmp ! pilosopo ! (konyare galit daw ! haha)

"jowk lang ! hindi ka naman mabiro ! haha . 

" hehe ! bakit kaba nandito ? tanong ko . " Malamang, magsisimba rin ! bakit bawal ba ?

" i mean, ang daming simbahan bakit dito ba ?

" eh dito ako dinala ng paa ko eh at tsaka ng......... puso't isip ko !

"naku edsel, nagsisimula ka na naman sa kakornihan mo. (kunyare para ibigin ! haha) 

" ahh .. anyway ! ate riz ko pala, te kaklase ko si edsel, "hello po. sabi nya ! 

ngumiti lang si ate sa kanya . tapos may binulong sa akin, ang gwapo reign ha ! kaklase mu lang ba ? o .. iba na ! sabi ni ate . Ngumiti lang ako !

At meron ng nagsalita, hudyat para simulan na ang misa.

" pag tayo namin, may binulong si edsel . " ANG GANDA MO" 

" hindi ko nlang pnansin ngunit sa puso't isip ko . Palagi lang mga salitang yun ang sumasagi . Pagkatapos ng misa, ahh ! sel, si mama, papa at kuya rick ko . ma,pa, kuya , kaklase ko ! nagkamayan sila, at tumingin sa akin na parang may kahulugan. Alam ko na, pag dating nito sa bahay, tukso ang aabutin ko.

"cge sel, uwi na kami ! bye , ingat ka "

bye reign, ingat. Bye po sa inyo!

" cge iho ! mag iingat ka", si mama yun !

pag dating sa bahay !

"hoy reign talaga bang kaklase mu lang yun o boyfriend mu ? tanong ni kuya.

" ano kaba kuya , sinabing kaklase lang eh .

" bakit kung makatitig sayo parang tutunawin ka ?

" haha ! grabe ka kuya ! napansin mo talaga yun ? 

cge, akyat na ako sa kwarto ! sabi ko nalang para iwasan sila.

pabagsak kong inihiga katawan ko sa kama. Hanggang ngayon hindi parin mawaglit sa isip yung sinabi ni edsel kahit maliit lang na bagay hindi ko talaga malimutan. 

DON'T FORGET TO VOTE OR FAN IF YOU LIKE:))

THANKS ! MUCH APPRECIATED :*

Love found.. [REVISE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon