CHAPTER TWO- The truth concede

314 11 9
                                    

*flashback


"Reign! Halika nga muna", sabi ni Edsel na hinatak ako papunta sa gym. Anong gagawin namin dito?! Sa isip ko lang.

Dali dali kong hinila yung kamay ko at tinitigan siya.

"Reign m-may sasabihin ako.", natetense niyang sabi. Bat siya natetense?

"Ano bang problema mo?! Bat kaba nanghahatak bigla diyan alam mo namang may ginagawa yung tao eh! Ano bang sasabihin mo? Bilisan mo na bat pa dito pwede naman dun nalang sa room. Baka magalit na sina Charm di pa tapos ginagawa ko eh!  Salaysay ko na medyo galit na siguro dala ng pagod at maraming iniisip kasi malapit na ang bakasyon at maraming requirements. Tapos dumagdag pa tong lalaking to. Kahit matalik ko tong kaibigan ay madali pa din akong magalit lalo na pag inaabala ang ginagawa ko. Alam niya to pero ganito pa din siya! Nainis na tuloy ako!

"Ano?!", untag ko sa kanya na hindi pa din nagsalita.

"Ano kasi e-ehhh, ahh--

"Ano nga?! Bilis nga sel may gagawin pa ako eh di pa tapos yung script namin para sa presentation bukas.", mahabang sabi ko.

"Eh kasi nga gusto ko lang sabihin na mahal kita", nakatitig niyang sabi sa akin.

Loko talaga to! Pinagtitripan talaga ako!

"Ano ka ba! syempre mahal din kita kasi kaibigan kita! Ano bang drama yan?", natatawa kong sagot

"Hindi! I mean more than friends. I LOVE YOU MORE THAN FRIENDS!", nahihina na natatawa na medyo seryoso niyang sabi.


Bumilis ang pintig ng puso ko. Ano bang pinagsasabi nito. More than friends? Gusto niya akong maging jowa? Baliw ba siya! May sayad yata tong lalaking to!

"Hoy Edsel! Ano bang nakain mo at kung anu ano yang pinagsasab mo riyan?", natatawa kong sambit.

Di ko pa rin yata magets ang pinagsasabi ng lalaking to. Seryoso ba talaga siya? 

Bumuntong hininga siya bago nagsalita..


"Reign seryoso ako! Alam mo matagal na kitang gusto. Hindi ko mawari kung kelan pero matagal na kitang mahal. At hindi ko rin alam kung bakit basta mahal na kita. Mahal kita! Naguguluhan na kasi ako kaya sinabi ko na.

OH MY GOD! Wala akong masabi! Seryoso ba talaga siya? Ano bang sasabihin ko? Jusko naman! Bat mo ba ako nagustuhan? Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung anong sasabihin ko! Guide me Lord.

"W-wag kang umiyak Reign"., usal ni Edsel.

Di ko namalayan na naiiyak na pala ako. Masyado yata akong nadala sa mga pangyayari. Syempre first time ko tong marinig sa isang lalaki at sa mismong close ko pa ha? Ano bang dapat kong sabihin?





"Whaaaat?!!!"

Sabay na sigaw nina Jane, Charm, Alec at Cindy ng ikwento ko ang nangyari sa amin ni Edsel kanina. Andito silang apat sa bahay para makichismis! Mga mukha nito! Kaya naikwento ko sa kanila ang nangyari dahil na rin panay ang text nila at dinala rin nila ang mga naiwan kong gamit sa school kasi nga umuwi ako agad.

"Oo nga ehh! Di ko nga siya maintindihan kung bakit mahal niya ako? Diba tayo namang lima ang close niya bat ako? Naguguluhan talaga ako! Kaya ayun nag walk out nalang ako. Wala akong sinabi kahit ano. Salaysay ko.

"Pero Reign wala ka bang gusto sa kanya?", tanong ni Cindy.

"Ewan ko! Hindi ko alam!", sagot ko naman.

May nararamdaman  ba talaga ako sa kanya? Basta ang alam ko hindi pa ako handa. Natatakot ako!

"You see the right guy nga but in a wrong time naman." Sambit naman ni Cindy na medyo nalungkot pa ang mukha.

"Alam niyo naman diba na ayoko pang magkanobyo?"

"Tama na nga yan. Unahin muna natin ang pag aaral bago makipagrelasyon.", Jane said.

"Naku si manang nangangaral na." Tukso ni Cindy

Mag move on na lang tayong lahat. Nangyari na lahat eh." Wika ni Alec

Move on? Magagawa ko ba yon agad? Eh magkaklase kami!



School. 


Bakit absent si Edsel? Nagalit kaya siya sa akin? Ganun na lang yun? Baka bukas papasok na siya. Baka nagkasakit siya o di kaya personal reason.


"Bakit kaya wala si Edsel?", nagtatakang tanong ni Jane.


"Puntahan natin mamaya pagkatapos ng klase?", aya ni Alec sa amin.


Sabay2 naman naming sang ayon. Kaya pagkatapos ng klase agad na kaming nagtungo sa kanila. Pero ng malapit na kami ay nakasalunong namin ang kanyang father.

"Tito bakit po hindi pumasok si Edsel?", tanong ni Alec dito.


"Ay naku hindi ba niya sinabi sa inyo na aalis na siya ngayon?", paliwanag nito


"Saan po?", tanong ko.


"Sa states. Kinuha kasi siya ng kanyang tito at doon na mag aaral. Medyo nahihirapan na kasi kaming pag aralin silang apat magkakapatid.", wika nito


ANO?! Bakit wala siyang sinabi sa akin?! Sa amin?! Kaya ba naguguluhan siya kahapon? Kaya siguro kung anu anong pinagsasabi niya. Dala lang siguro ng kanyang frustration kasi nga malalayo siya sa kanyang pamilya at sa mga kaibigan.


"Hindi po kasi siya nag paalam sa amin tito eh!", sambit ni Charm


"Ang daya naman ng gunggung na yon! Mag e-states na nga di pa nagpa farewell party ang loko!", sabi naman ni Alec


Ang layo naman nun! Ang daya mo naman Edsel Dela Vega! Nakakainis ka! May pa mahal mahal kapang nalalaman yun pala magpapaalam kana! I HATE YOU! I SWEAR SASAKALIN KITA PAG NAKITA KITA ULIT!







DON'T FORGET TO VOTE OR LEAVE SOME COMMENT IF YOU LIKE:))

THANKS ! :-*

Love found.. [REVISE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon