CHAPTER ONE- Early Sunshine

462 16 9
                                    

Tunog ng alarm clock ang bumungad sa akin ng umagang yun. Gusto ko pang matulog pero kelangan ng bumangon kasi may pasok pa. Ito talaga ang pinakaayaw ko pag pasukan, ANG GUMISING NG MAAGA!

Napapailing nalang akong bumangon at naglakad papuntang banyo para maligo.

"Bunsoy", salubong sa akin ni kuya Rick. Katatapos ko lang maligo at pababa na sana para mag almusal.

"Bakit kuya?"

"Diba unang araw mo ngayon sa St. Javier?"

"Oo kuya, ihahatid mo kami?"

"Sige, sumabay nalang kayo ni Riz sa akin.", sambit niya tapos naglakad na pababa, sumabay na rin ako.

ST. JAVIER UNIVERSITY

Pagpasok ko ng gate, nakita ko agad ang barkada na nakaupo sa may bench at parang may inaabangan. Ngumiti ako sabay kaway sa kanila.

"Mauna na ako Reign", sabi ni ate.

"Sige te, ingat"

Agad akong lumapit sa mga kaibigan ko ng makaalis si ate.

"Namiss ko kayo pramizzzz", niyakap ko sila isa isa na may ngiti sa mga labi. Ito ang mga bestfriends ko simula first year highschool hanggang ngayon. Itong si Cindy akalaing mong pinaghandaan talaga ang college life at pinarebond pa talaga ang pansit canton niyang buhok. Ito namang si Alec, mas lumaki ng konti ang boobs, ang sexy niya tuloy tingnan. Ay! Inggit ako! Si Jane naman na dating kalansay aba't nagkalaman na. At itong si Charm naku mas lalo yatang tumangkad at pumuti. Ako nalang yata ang napagiwanan ng panahon. Ano bang lumevel up sa akin?

"Aba! Mas lalo ka yatang gumanda Reign?", untag ni Jane.

"Ansaveeeh!", natatawa kong tugon.

"Totoo nga Reign", sigunda naman ni Alec na nakatitig sa akin.

"Hay naku! Kaibigan ko nga kayo galing mambola. Kayo nga tong mas lalong gumanda eh! To the highest level pa nga." Wika ko pero sa loob loob ko parang nasiyahan ako sa napuna nila kasi kahit mismo ako di ko nga napuna sarili ko.

"Para fair magaganda tayong lahat ok? Let's go na nga baka malate pa tayo sa first day.", react naman ni Charm na sinangayunan naming lahat at pumunta na sa assigned classroom na nakasulat sa papel na hawak hawak namin.

Habang naglalakad kami, di ko maiwasang ikumpara ang dating paaralan namin dito sa bago. Iba na talaga. Ang daming tao, ang gulo gulo. Halo halo ang mga studyante. Nadaanan namin ang iba't ibang departamento, college of arts and sciences, education, criminology at engineering. OMG! Ang daming pa cool na mga lalaki. Napansin ko ang isang lalaki na nakatalikod sa akin. tinitigan ko siya. He's familiar.

"Oh! eto na pala ang classroom natin''. Untag ni Alec na nagpauntag sa diwa ko. Pumasok kami at naghanap ng mauupuan.

"Good morning Class", biglang sambit nung titser yata namin. No doubt. Mukha siyang strikta. Ay! Mapapasubo talaga kami nito. Napaupo agad kami at tumingin sa kanya, yung ibang studyante umayos na rin ng upo at tumahimik.

"Ok class, so this is humanities and since this is our first meeting, I would like you to introduce yourself in a unique way. 5 in a group. I'll give you 20 minutes to prepare. Start now.

"Strikta!", bulong ni Charm sa amin.

Habang naghahanda ang buong klase.. nag iisip din kami kung paano namin i-introduce and aming sarili in unique way kuno. Syempre biniyayaan kami ng talento ni GOD kaya madali lang kaming nakaisip ng gagawin. After 20 minutes tinawag na yung unang presentor, yung pangalawa, pangatlo.. tapos pang apat na, limang lalaki . Habang kumakanta sila may napansin ako sa isang lalaki, parang nakatitig yata siya sa akin at kumindat kindat pa. Guni guni ko lang ba to? my golly! Adik yata tong isang to! Di ako sigurado baka sa likod ko kaya di ko pinansin pero hanggang matapos na lang sila ay parang nakatitig pa rin siya. Baliw yata tong lalaking to! Sa isip isip ko. Zedd Piamonte pala ang pangalan ng loko-loko.

Love found.. [REVISE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon