CHAPTER FOUR- Nuisance

225 8 2
                                    

*Edsel POV

"Tol! Hindi mo talaga to paniniwalaan pero kaklase ko si Reign! Sa dinami rami ng classroom sa department namin akalain mong kaklase ko siya?", wika ni Zedd ng makalapit sa akin. Kadarating niya lang galing ng school. Nag research pa daw siya ng assignment. Ako umuwi na agad kasi medyo sumakit ang ulo ko kanina. Ang bilis kasi ng mga pangyayari at medyo di pa ako nakabawi.

"Grabe tol ang ganda pala niya!", nagsalita ulit siya.

Grabe tol ang ganda pala niya! Ano daw?! Sumagi sa isipan ko ang kanyang sinabi. Bakit iba sa pandinig ko ang sinabi niyang iyon parang may halong malisya! Naku pinsan easy ka lang! Akin lang si Reign. Wag mo talagang subukang agawin siya kundi patay ka sa akin.

"H-ha? Si Reign? Ahh! Oo nakita ko rin sila kaninang lunch."

"Talaga tol? So kumusta? Nagkausap na kayo?", tanong niya.

"Ganon lang talaga siya. Hindi nga eh. Nagmamadali kasi siyang umalis."

"Ahh! ganon? Sayang naman di kayo nakapag usap?"

Nagkibit balikat lang ako bilang sagot. Iniisip ko na naman ngayon panu kung pormahan nito si Reign? Wala naman akong lakas ng loob para sabihing 'wag kasi akin siya' eh wala naman yung gusto sa akin eh. Di nga ako makuhang tingnan kanina sa Restu. Wala nga ba talagang gusto? bulong ng isip ko. 

*Reign POV

"Hi"

Biglang sulpot ng lalaki. Sino ba to?! Sa kakamadali ko para hindi malate ay siya namang salubong ng lalaking to at nag hi pa. Pamilyar siya pero nakalimutan ko lang kung sino. Lumapit siya at ngumiti. Tinitigan ko and OMG! Siya nga yung Zedd na kaklase ko! Hindi ko siya pinansin at mabilis akong naglakad papuntang classroom. Napahinto ako sa aking nakita. Si Edsel! May kausap na babae. Sino kaya yun? Gf niya? Hmp! I don't care! Nakatingin din sila sa akin pero nilagpasan ko na sila. Bahala sila basta ako ayokong malate kasi strikta yung teacher ng first period namin tapos sunod na sunod pa tong kumag na to! hayy! umagang umaga nabubwiset ako!

"You're late. Hindi niyo ba alam ang oras ng klase?" striktang sabi ng teacher at tinaasan pa kami ng kilay. Ang taray!

"Mam baka nagdate pa sila!", sigaw ng kaklase namin

Sabay sabay na hiyawan!

"Shut up class! Umupo na kayo."

GOSH! Sobrang nakakahiya. Parang naipon lahat ng dugo ko sa mukha at handa ng sumabog dahil sa kahihiyan. Kasalanan kasi to nung kumag na yon eh! Kainis talaga!

"Uy! Bakit sabay kayong dumating?", panunukso ni Cindy

"Hindi! Nakasalubong ko lang yung kumag na yon dun sa entrance at sumunod na sa akin! Kainis nga eh! At hindi lang yon. Nakita ko si Edsel may kasamang babae."

"Selos ka?", panunukso naman ni Charm

"Hindi nu! Ano ba?!", pagdidepensa ko

Love found.. [REVISE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon