The Lost Swan - Chapter 2

214 6 0
                                    

Thanks sa lahat na nag read! At dahil ganado ako ngayon, mag-uupdate ako!

Enjoy Reading! :))

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kath's POV

"Ready ka na ba sa examination mo bukas?" tanong ni Ma'am Karla sa akin

"Opo, Ma'am Karla" sabi ko. Kahit na alam kong hindi pa ako 100% sure na ready ako.

"Ano ka ba. Huwag mo na akong tawaging na Ma'am Karla, Tita Karla nalang tutal na palapit ka naman sa akin."

"Hihihihihihi! Osige po Ma'am ayy este Tita Karla pala."sabi ko.

Papunta na kami ngayon ni Tita Karla sa Padilla State University of Sountheast Asia which is pagmamayari nila. Kinakabahan ako ngayon dagdagan niyo pa ng sobrang awkward na atmosphere namin ngayon ni Tita. Wala akong maisip na topic.

"Kath nasabi sa akin ni Yaya Patty na nakalimutan niya raw sabihin sayo kung saan ka naka assign na mag trabaho. Naka assign ka sa pag linis ng kwarto nina Daniel at Magui. Ikaw rin ang naka assign sa pag-aalaga ng mga tanim sa garden. At ikaw na rin ang naka assign sa pag-alaga kay Magui. Ok lang ba yun sa iyo?" Salamat naman at may topic na rin kami ni tita. Ay oo nga pla nakalimutan kong tanungin si Yaya Patty kanina. Napakalimutin ko talaga.

"Ah ok lang po yun sa akin. Ahm Tita sino po ba sina Sir Daniel at Ma'am Magui?" tanong ko kay tita.

"Ah mga anak ko yan sila. Si Daniel kasing age mo lang at nag-aaral rin siya sa PSUSA. Si Magui naman 8 years old at nag-aaral naman siya PASA." PSUSA for Padilla State University of Sountheast Asia and PASA for Padilla Academy of Southeast Asia. 

*jaw-dropped nanaman*

"Wow! Ang ganda naman nung school!" nakakahiya naman ito nag mumukha naman akong walang kaalam-alam. ^_^ At naka-ilang jaw dropped na kaya ako, ang sakit sa bibig nun ha. 

"Kathryn nakikita mo ba yang paaralan na yan?" tanong ni tita sa akin.

"Opo." sabi ko.

"Diyan ka mag-aaral." sabi ni tita sabay ngiti.

"Talaga po?! So iyan po ba ung Padilla State University of Southeast Asia?" tanong ko with matching smile na abot tenga. Grabe namangha talaga ako sa mga pangyayari ngayong araw na ito.

The Lost Swan (A KathNiel Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon