🌚
"Boss, saan ka papara?"
tanong ng konduktor.Pagkabanggit ko ng lugar
kung saan ako bababa ay
binigay niya saakin ang ticket.
Tinanggap ko 'yun at tumingin
ulit sa bintana habang malakas
ang buhos ng ulan.Tumigil ang bus sa bus stop
at may pumasok na isang
pamilyar na babae at napairap
siya nang makita ako.Wala siyang choice na umupo sa
tabi ko since 'yun nalang ang bakanteng
upuan."Saan ka pupunta?"
"Basta."
Napabuntong hininga si Dairy
kaya napailing ako. As usual hindi
kami masyadong nagsalita. Sanay
naman kami sa ganito. "Happy birthday
pala." Tinanguan ko siya at tumigil ang
bus sa pangalawang bus stop."Una na ako," oaalam ko at
agad bumaba sa bus mabuti't
walang pumigil saakin. Bakit ang
hilig kong saktan ang sarili ko?
Nakita ko siya nakaupo sa
upuan at nakatingin sa itaas.Napakainosente niya at
tila walang alam sa nangyayari
hanggang sa napatingin siya saakin
at lumawak ang ngiti niya."Bluemoon!!"
She's smiling but her
tears kept falling.Nilapitan ko siya at nagulat nalang
ako nang yakapin niya ako.Ramdam ko ang takot sa mga
hikbi niya at nararamdaman ko
rin ang sakit na nararamdaman
ko sa oras na 'to. Ang bigat ng
nararamdaman ko at anytime
pwede akong magcrack-up
dahil sa labis na pag-iisip."Bakit ngayon lang kita nakita?
Bakit ngayon ka lang nagpakita?
Akala ko hindi na kita makikita..""Bakit?"
"Gusto kitang batiin. Happy Birthday!"
Ngayon ko lang naappreciate
na may bumati saakin. I mean,
iba ang pagbati niya.She feels like home to me.
I feel that I'm home with her.
I miss you.
Hinatid ko siya pauwi sakanila
at pinakinggan ko ang reklamo
niya sa araw na 'to. Naiwan daw
niya ang phone niya kaya hindi siya
nakakapagmessage saakin.Halos buong araw niya akong
hinahanap sa school kaya medyo
nakonsensya ako dahil baka
nag-cut pa siya ng class dahil saakin.Pero I appreciate her effort.
She is really something.
May kamukha siya.
No.
Iba siya.
"Salamat Bluemoon ha!
Maligayang kaarawan talaga!
Actually meron akong regalo..
pero sorry kung hindi ko muna
ibibgay okay? Ibibigay ko kapag...""Kapag?"
"Bumalik ang dating ikaw."
Isang kalmadong ngiti ang
binigay niya saakin kaya napatitig
ako sakanya.Totoo talaga siya.
Nasa harapan ko siya.
Nahahawakan ko siya.Hindi ako nananaginip ng gising.
Gusto kong ngumiti pero
nanginginig ang mga labi ko.
Hindi rin ako makapagsalita
dahil sa sobrang kaba.
At siguro sa takot din."Sige! Una na ako ha?"
At sa pagkurap ko ay hinalikan
niya ang pisngi ko bago tumakbo
papasok sa bahay nila.Parang tumigil ang paghinga ko at
mas lalong bumigat ang
pakiramdam ko.
Napahawak ako sa kanang
pisngi ko dahil nararamdaman
ko pa ang labi niya.No. Hindi 'to pwede.
Tumalikod na ako at balak
ulit sumakay ng bus. Kinuha
ko phone ko para tingnan ang oras.Pero iba ang nakita ko.
🎂 Today is Vanilla Gleam's birthday!
Oh shit.
Magkabirthday din kami.