073

653 42 25
                                    

👤

[ Now Playing: You Are My Sunshine ]

Flashback.

Napasandal sa dingding
si Bluemoon habang nakikinig
sa usapan nila Moonlight at
Jaydope. "Bakit mo pinayagang
hindi na sa DNA mag-aral si
Morning? Mag-g-graduate
na silang dalawa ni Bluemoon
sa susunod na pasukan,"
sabi ni Moonlight habang
nag-iisip pa si Jaydope kung
ano ang gagawin nila.

"Pero sayang ang opportunity
na ibinigay sakanya para
maging Scholar sa isang
Music and Arts Academy.
Malaking school 'yun at
sobrang dami ng pwede niyang
matutunan sa school na 'yun.
For sure proud ang kuya niya
sakanya."

"Jay, paano kung hindi
masaya si Bluemoon?
Gusto nilang dalawa na
maggraduate sila ng sabay
sa iisang school diba?"

"Hindi sa lahat ng oras
magkasama sila. Kailangan
din nilang maging independent."

Hindi maintindihan ni
Bluemoon ang pinag-uusapan
nila at isa lang ang
pumapangibabaw sa isipan niya.
Iiwan siya ni
Morning.

Pumunta siya sa kwarto
ng kapatid niya at naabutan
niyang nag-iimpake si
Morning. Sa sobrang
pagmamadali, agad niyang
tinago ang bagahe sa ilalim
ng kama niya.

"Kuya!"

Tila natapon ang lahat ng
kasiyahan ni Bluemoon dahil sa
mga nalalaman niya.

"Nakapasok ka pala sa MAA.
Congrats," mapait na sabi
ni Bluemoon at agad lumapit
sakanya ni Morning.

"Hindi.." hindi siya
pinatapos ni Bluemoon.

"Ikaw nagsabi na sabay
tayong ggraduate sa DNA.
Tapos ngayon, pinili mong
sa ibang school ka.
Sa malayo pa."

Natahimik si Morning at
hindi niya alam ang sasabihin
niya. Nakatingin lang siya sa
blangkong ekspresyon ni
Bluemoon na ngayon
lang niya nakita.

"Una na ako. Para
makapag-impake ka na."

"Kuya.. hindi na." Napatigil si
Bluemoon sa sinabi ni
Morning.

"Hindi na ako aalis. Sa DNA
parin ako papasok. 'Wag ka

nang magalit.." hawak-hawak ni
Morning ang damit ni Bluemoon
at nag-iba na ang reaksyon nito.

"Promise?"

"Promise!"

Pero mabilis ang oras.

Masayang nagluluto si
Bluemoon. Hanggang sa
nakapagluto na siya ng almusal
at tinawag si Morning sa
kwarto niya. Wala sila Moonlight
at Jaydope dahil may trabaho
pa sila.

"Nining!" tawag ni Bluemoon sa
kapatid niya.

Pagkapasok niya sa kwarto ni
Morning, laking taka niya kung
bakit bukas at walang laman
ang kabinet. Wala na rin ang
mga libro na palaging binabasa
ni Morning.

"Shit."

Kinuha niya ang jacket niyang
nakasabit sa dingding at
tumakbo palabas ng bahay nila.
Wala na siyang oras para
maghintay pa ng sasakyan
at tinakbo niya ang bus station
na malapit sa mall na hindi
kalayuan sa bahay nila.

Aeon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon