🍧
"Ano? Papunta rito si Bluemoon?"
tanong ni Crimson at ilang
beses akong tumango kaya
laking taka ko kung bakit siya
napatili."Bakit ka tumitili..?"
nahihiya kong tanong.
Napakagat ako ng labi dahil
nahahawa ako sa lawak
ng ngiti niya."So, iiwan ko na kayo
para kayong dalawa lang?"Hindi ko siya napigilan sa
pagtayo niya nang marinig ang
boses ni Bluemoon. "Vanilla."
Hinila ko pabalik sa upuan si Crimson
at ningitian siya. "Hi Bluemoon!
HiㅡHehehe ano name mo?"
tanong ko sa kasama niya.
Tinawanan muna ako bago sumagot."Tyrian po!"
"Hi po Tyrian!" bati ko at
tiningnan si Crimson na
parang naiinis.
Hala? Bakit?"Upo kayo! Kakaorder palang
namin ng ice cream! Kayo?
Anong gusto niyo?" Tanong
ko pero tumayo na si Bluemoon,
blangko ang mukha. "Ako nalang
mag-oorder para saamin."
Bago pa ako mag-okay, umalis na siya."May problema ba, Crim?"
Mabilis siyang umiling at napansin
kong masama ang tingin nila Tyrian."Kaibigan ka pala ni Vanilla."
Napairap pa si Tyrian at namula
agad sa galit si Crimson."Pake mo?" Literal akong
nagulat sa inasal ni Crimson.
Parang ibang Crimson
ang nasa tabi ko. Magkaaway
ba sila ni Tyrian?