🌝
Nasa airport ako ngayon.
Ngayon kasi uuwi si Arch
galing New York. Ilang buwan
siyang nandoon at sobrang
namimiss ko siya."Asan na kasi si Arch?"
tanong ko sa sarili ko at
tinitingnan ang screen ng
phone ko. Kahit message
wala! Ang pagkakaalam ko
kagabi pang 11 ang flight
nila at sigurado na akong
nagland na ang eroplano
dahil 3:30 na. Lumingon
ako para tingnan kung dumating
na ba si Kuya. Umalis
siya saglit eh."Morning!!!!" Nakarinig
ako ng malakas na sigaw
mula sa likuran nang
marinig ang boses ni Arch.
May dala siyang dalawang
maleta kasama ang
parents niya pero dahil sa
kasiyahan ko, tumakbo
ako palapit sakanya at
tumalon payakap sakanya.Nakayakap ang legs ko
sa beywang niya ay niyakap
ang leeg niya. Kinulong
niya rin ang beywang ko sa
mga bisig niya. "Aray! 'Wag
mong kagatin tiyan ko!"
sigaw ko at humiwalay
saglit sakanya. Malawak
ang ngiti niya nang inangat
ang mukha niya saakin at
napatili ako nang bitawan
niya ako para bumaba para
magkalevel ang mukha
namin pero binubuhat parin
niya ako."I miss youㅡ" pinutol
niya ang gusto kong
sabihin. Agad niya akong
sinunggaban ng halik.
Hindi na ako nag-inarte at
hinalikan din siya pabalik
habang hawak-hawak ang
buhok niya. "Oo na. Sweet
na kayo. Nasa public parin
tayo," rinig namin sa Dad
ni Arch. I laughed between
our kiss hanggang sa bago
pa kami humiwalay ay
mahinang kinagat pa
niya ang ibabang labi ko
at ngumisi saakin. Binaba
niya ako at ginulo ko ang
buhok niya."Hi Morning baby!"
bati saakin ni Mommy
Wish at napayakap saakin.
Mommy na ang gusto kong
tawagin sakanya dati pa.
Maglilimang taon na
kami ni Arch and everything
seems better since nagising
ako mula sa coma."Welcome back Duo bro!"
Nagulat ako na nasa likuran
ko sila Mom at Dad at binati
si Daddy Duo. Lumapit din si
Mom kay Mommy Wish at
napayakap. "Hi Moonlight!"Sumunod pala sila?
"Kasal nalang ang kulang,"
bulong ni Arch. Natawa ako at
palihim na kinurot ang
pwet niya.________
Nasa Restaurant kami
nila Tito Genie, kumakain."Kamusta po ang business
meeting niyo po, Daddy
Duo? Dapat pumayag
ako na sumama sainyo."
Nagpout pa ako sa
harapan ni Daddy Duo
kaya natawa siya. "Sunod,
pumayag ka na kasi.
Alam mo bang si Archㅡ""Dad ang sarap ng
chicken wohooo!" sabi ni
Arch at pinuno ang plato
ni Daddy Duo ng hiniwa
niyang ulam. Naglakbay
ang kamay ko sa hita niya
kaya natigilan siya na
parang bato. Nanlaki ang
mga mata niya at mabagal
na humarap saakin. Ningitihan
ko siya kaya napalunok
siya. "Anong ginawa mo
roon?" malambing kong
tanong sakanya at unti-unting
bumaon ang mga kuko ko
sakanya."Hala ka, Arch. Patay ka."
Natawa sila habang
pinapanood kami."Archie?" tawag ko at
bago pa lumakbay ulit ang
kamay ko sa kabilang hita ay
tinaas niya ang dalawa niyang
kamay at napapikit.
"Nagbar ako kasama ang
kababata ko at may
nakilala akong babae roon!
Hiningi ang number ko at
binigay ni Carl!" Nawala ang
reaksyon ko at binawi ko ang
kamay ko.'Yun lang?
"Nagtext sa'yo?"
tanong ko pero agad
siyang umiling."Edi wala kang dapat
ikatakot. Kumalma ka
hindi kita papatayin."
Nabunutan ako ng tinik
sa dibdib. Kinurot ko ang
pisngi niya.Tumawa sila.
"Mga bata talaga.""Kamusta na pala si
Bluemoon? Asan ang
kuya mo, Morning?"
tanong ni Mommy Wish.
Napatingin ako kina Mom
saglit at nagtitigan sila
ni Dad habang kumakain.
Ngumiti si Dad kay Mom at
kitang kita kong namula si Mom.
Ang cute!"Ah? Si Kuya po? Baka
nasa ospital po," sabi ko."Ha? Bakit?"
"Kasi po, 'yung kakagising
ko lang po, nagpahangin
si Kuya sa rooftop. Tapos
nakwento niya saakin na
may narinig siyang sigaw
sa kabilang kwarto,"
pagkkwento ko."'Yung sigaw po na
parang merong masakit.
Tapos simula nagising
ako, ang lakas ng iyak ng
babaeng 'yun." Tumigil
muna sa pagkain si
Mommy Wish at binigay
ang buong atensyon niya
saakin. Ganun din si Daddy
Duo."Tapos 'yung bibili
ng dinner si Kuya, umiiyak
nanaman daw 'yung babae.
Nag-aalala na si Kuya sa
pasyente kaya pumasok
na siya sa kwarto at sobrang
dilim doon. Nadatnan niya
'yung babae roon na nasa
sahig at umiiyak. Parang wala
siya sa katinuan niya at gutom
na gutom siya. Walang
pumupunta roon na doctor kasi
ang pagkakaalam nila ay
tulog pa ang pasyente. Nacoma
rin kasi 'yung babae.""May problema ba
siya sa pag-iisip? May
kasama ba siya roon?"
tanong ni Daddy Duo."Wala eh. Hindi siya baliw.
Nabanggit niyang wala na
siyang magulang dahil
namatay daw sila sa isang
car accident na naipit
ng truck. 'Yung balita dati?
Siya lang naligtas. Tapos
ang pamilya niya ay namatay.
Natrauma siya. Tapos
nakakaramdam ng
matinding lungkot,"
pagsagot ni Dad kaya
naramdaman ko rin ang awa.
Nakakaawa talaga 'yung babae.She's living in the dark side.
Kitang-kita ko ang
matinding lungkot sa mga
mata niya noon.Hanggang ngayon hindi
siya makalabas sa hospital
kasi sinasaktan na niya ang
sarili niya. At sinasabi niya na
sana namatay nalang din
siya. Balak nga naming bisitahin
siya mamayang gabi para may
kasama siya sa ospital.Pero simula noon, si Kuya
ang bumibisita kahit
pinagtatabuyan siya."Kawawa 'yung babae.."
sabi ni Mommy Wish kaya
napaakbay si Daddy Duo sakanya
para pakalmahin kasi naiyak si
Mommy Wish."Kami na ang nagbabayad
ng hospital bill niya. Pero
hindi niya alam. Ang balak
sana namin ay ampunin
siya pero ayaw talaga niya.
Nakontak namin ang Auntie
niya sa ibang bansa. Uuwi
daw siya next month para
tulungan siya," sabi rin ni
Mommy.Napatango ako.
Napatingin ako kay Arch na
hinawakan ang kamay ko.
Ngumiti siya saakin.
He's trying to cheer me up.
So, I smiled. Humarap ulit ako
kay Daddy Duo para sagutin
ang tanong niya."Anong name ng babae?"
"Vanilla Gleam po."
E N D
O F
B O O K
O N E