064

709 46 11
                                    




🍨

"Ha?" Napatigil ako sa
pagsusulat ko ng mga
nalaman ko kay Bluemoon.
Napatitig ako sa ika-walong
sinulat ko at agad ko iyon binura
at napasandal sa upuan ko.

"Blue.. hindi ko dapat 'to
itanong sa'yo kasi baka
magalit ka pero bakit may
laslas ka nanaman?"

"Akala ko ayaw
mo na rin saakin."

"Dapat hindi ko
nalang 'yun tinanong.."
bulong ko at lalong nalungkot.

Kanina, hinintay niya ako
hanggang paglabasan namin.
Grabeng saya ang naramdaman
ko. Nag-aya akong magtambay
kami sa swing at natanong ko 'yun
dahil wala akong maisip na topic.
At isa pa, kailangan kong
malaman ang dahilan kung
bakit siya nagkakaganun.
Para maitama at maging okay na siya.

"Nasaktan kita.. nakasakit
nanaman ako.. but don't worry. Wala
akong balak magpakamatay."

"Ha?"

"Sinaktan ko lang ang
sarili ko para 'yung sugat ko
lang ang nararamdaman ko imbis
'yung sakit sa puso ko."

Nakuha ko ang gusto
niyang sabihin saakin.

Pinipilit lang ni Bluemoon na
magsalita siya kanina pero
kahit hindi kumpleto ang gusto
niyang iparating, mukhang nakukuha
ko siya.

Siguro ganun din ang ibang
taong sobrang lungkot na nararamdaman.

Merong sinaksaktan ang sarili
nila para itigil ang sakit na nararamdaman
pero meron ding sinasaktan ang sarili nila
para 'yun ang nararamdaman nilang sakit imbis
ang sakit ng puso nila.

Bakit ganun ang buhay nila?

Hindi nila deserve maging
malungkot ngayon.

Pero naniniwala akong magiging
pinakamasaya sila balang araw.
Kung hindi sila susuko.
At kung manalig sila.

Kinuha ko ang phone ko at
tinignan ang picture ni Bluemoon
sa phone ko. Napangiti ako dahil
parang unti-unti siyang nagbabago.

"Hindi ko kayang maglabas ng sama ng loob ko sa mga kaibigan ko. Baka kasi mag-iba ang paningin nila saakin at isipin na ako nanaman ang mali."

"Nanaman?"

"Mahirap kalabanin ang sarili mo."

Napatitig ako sakanya.

"Anong nangyari, Bluemoon?"

Napatitig din siya saakin at
malungkot siyang ngumiti.

Naibaba ko ang phone ko at
napatingin ako sa pulso ko.

Hindi ko man lang natanong sa
sarili ko kung masakit ba ang maglaslas.
Kung mahapdi ba ito o kaya ano.

Bakit parang hindi ako nagugulat
sa mga nangyayari kay Bluemoon?

Napahimas ako sa pulso ko.

Bakit pakiramdam ko, nararamdaman
ko ang nararamdaman ni Bluemoon?
Pero parang hindi dahil sakanya ang sakit?

Bakit mukhang mas
mabigat pa ang akin?

Baka naapektuhan lang
ako kay Bluemoon.. Oo. 'Yun.

Aeon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon