Chapter 5

3.8K 76 7
                                    

MIA

NAG-EEMPAKE siya ng kanyang mga damit kasi bukas ay aalis nanaman siya papuntang Kayro. Nabalitaan lang naman kasi niyang masarap ang Snails, at Scorpion nila dun kaya naman gusto niyang matikman kung juicy nga ang mga ito.

Natatakam tuloy siya habang nag-aayos ng kanyang mga gamit, nasa kalagitnaan na siya ng paglalagay ng kanyang mga Panty sa kanyang back pack ng tumunog ang doorbell niya. Agad naman siyang tumayo para buksan ito.

"O ikaw pala Noel, anung masamang hangin ang nagdala sayo dito?" tanong niya sa lalaking napagbuksan niya ng pinto. Buong tamis naman itong ngumiti sa kanya sabay kindat pa, gusto tuloy niyang masuka sa ginawa nito

"katatapos ko kasi ng trabaho ko sa constraction site, hindi kasi kita matawagan eh hindi ka rin naman nag rereply sa text ko kaya nag-aalala na ako sayo kung napahamak ka ba o anu, para pala sayo" sabay abot nito sa plastic na punung punu ng sayote

"Salamat"

"Pinitas ko pala yan sa tanim ng kapitbahay namin kagabi nung alam kung tulog na sila" kakamot-kamot na pagbabalita pa nito sa kanya. Napangiwi nalang siya sa narinig

"salamat nalang pala, pero hindi kasi ako kumakain ng nakaw eh" taas kilay na sabi niya dito saka niya binalik dito ang inabot nitong plastic sa kanya

"Hindi para talaga sayo yan, di bale pag-uwi ko sasabihin ko sa kanilang kumuha ako. Hindi mo ba ako papasukin?" kapal mukhang tanong pa nito sa kanya

"Hindi eh, magulo kasi sa loob saka, walang ma-upuan" mabilis na tanggi naman niya dito.

"Kelan mo ba ako mamahalain Mia?, sa bawat sandali na nakakasama kita eh pina-nanabikan ko na mahawakan manlang ang mga kamay mo at mayakap ka na din. Gusto kitang makasama at sa bawat sandali ng aking buhay"punung-puno ng emosyong sabi pa nito sa kanya. Sa narinig parang gusto niya itong sipain pa-alis sa harapan niya

"ilang beses ko namang sinabi sayong wala na akung balak na magka boyfriend o mag-asawa manlang, kaya Please lang Noel tigilan mo na ako kasi naririndi na ako sa pa-ulit-ulit na hirit mo. Kaya hindi kita tenetxt o sinasagot manlang ang tawag mo kasi hindi talaga kita gusto. Kelan mo ba magegets yun?" inis na sagot niya dito.

Sasagot na sana ito ng bigla namang may nagsalita sa likod nito.

"Huwag mo siyang pilitin na gustohin ka kung ayaw niya talaga sayo" ng tingnan niya kung sino ito ay nakita niyang si Ryan ang isa rin sa pinakamakulit na manliligaw niya

"sino ka naman?" inis na sita naman ni Noel dito

"Noel, siya si Ryan officemate ko dati" mabilis na sagot naman niya mahirap na baka akalain pa nitong boyfriend niya ito

"Good evening pare, hindi niya lang ako office mate suitor niya ako at-" hindi na naituloy ni Ryan ang sasabihin ng bigla itong hinaklit ni Noel sa balikat at inalog-alog

"Kung talagang mahal mo si Mia, Hinahamon kita ng Dwelo! Kapag natalo ka hinding hindi mo na malalapitan si Mia"Galit na galit na sigaw nito kay Ryan.

​Amazed na amazed naman siyang nakatingin sa mga ito, sumandal pa siya sa hamba ng kanyang pinto. Kailangan yata niya ng popcorn at matinding labanan ang magaganap

"Pare, if you thought I would not agree to what you want then you're wrong because I can surrender everything for Mia. Nagkamali ka ng hinamon" matapang na sabi naman ni Ryan dito

"huwag mo akung english-in wrong gramming ka pa naman! Magsimula na tayo! Dito na mismo" gigil na sabi naman ni Noel dito na handang handa ng sumuntok.

"eww so constraction worker" na-iiling na naibulong nalang niya sa sarili

"saglit lang, magbibilang ako saka ninyo simulan" mabilis na singit niya saka itinaas ang hawak niyang panty para sana ito na ang magsilibing flag ng pagsisimula ng giyera ng dalawa.

"one, two, three go!" malakas na sabi naman niya, pero ng makitang hindi gumagalaw ang mga ito at gulat na gulat na nakatingin sa kanya eh huminga nalang siya ng malalim bago umpisahan ang sermon niya

"Akala ko ba magpapatayan kayo? sige na start na na eexcite na nga ako eh. Alam niyo kahit magpatayan pa kayo sa harapan ko hindi ko kayo pipigilan kasi wala naman akung pipiliin sa inyong dalawa pahihiramin ko pa kayo ng patalim, sa ugali ninyong yan? para kayong mga batang nag-aagawan lang ng tag-pipisong laruan, anung akala ninyo sa sarili ninyo? Aztig kayo? mahiya naman kayo. Magsilayas kayo sa harapan ng bahay ko bago ko kayo tuluyang walisin at ideklarang mikrobyo. At, O heto Ryan, sayote bigay ni Noel. I-uwi mo at kainin mo at ikaw naman Noel. Imbes na manghamon ka ng away jan maghanap ka ng paraan kung paanu aasenso yang buhay mo! Bwisit! Panira kayo ng gabi! Hala! Magsilayas na!" gigil at dirediretesong sabi niya saka agad na pumasok sa kanyang bahay at sinuguradong na-ilock niya ito. Mahirap ng marape, dalawa pa naman ang nagnanasa sa kanya na nasa labas ng kanyang tahanan.

​Alam niyang maganda siya, dahil ilang beses na niyang naririnig yun sa mga tao sa paligid niya. Maputi siya, at basta magandang maganda. Ilang beses ng may mga nagtawag sa kanyang mag modelo dahil na rin sa tangkad niya pero laging big 'NO' ang sagot niya sa mga ito. Alam niyang ang huling bagay na kailangan niya ay popularidad, after all. Isa iyon sa mga bagay na tinakbuhan niya.

Author's Note:
Epic ba yung description ko? Hahahaha! Sorry. Bata pa kasi ako nung sinulat ko yan. Halos hindi ko pa alam kung paano mag describe ng tao. Lols! Open naman ako for suggestions. Gagawan ko sana ng magandang description kaso tinatamad akung mag-isip ngayon. Pero Ganda ni Mia noh!? Daming suitors! Woohooo!

The Run-away Fiancee (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon