MIA
"ilang constraction worker ba ang nakatira at pinapalamon mo jan sa sikmura mo? Naka-ilan ka na hindi ka pa busog?" puna naman ni Jiana sa kanya
Kasalukuyang nasa "FABULOUS" kasi sila na pag-aari ni France. Matapos kasi siyang makuntentong makipaglandian at magpakasal sa kama niya ay na-isipan niyang lumabas para naman kumain.
Pagdating naman niya dun ay saktong andun ang mga kaibigan niya kaya naman na-isipan nalang nilang ubusin lahat ng paninda ni France
"ou nga, luging lugi nanaman ang restaurant ko, hiyang hiya naman ang mga crew ko sayo pati na rin pala kami hiyang hiya sayo" na-illing na dagdag naman ni France"baah! Kung makapagsalita ka akala mo naman kung hindi ka nakasampung plato jan sa dami rin ng nasimot mong pagkain, at hoy! Jiana balak mo lang bang picturan lahat ng pagkain at wala kang balak tikman?" sita naman niya sa katabing kanina pa picture ng picture sabay pulot na rin sa rootbeer na nasa tapat nito.
"Lampake. Hoyyy! Akin yan at grabe ka! ang takaw takaw mo! - kaya ka hindi nagkaka boyfriend jan eh" sagot nito sa kanya
"Wow! Lang ha! Bakit purki may boyfriend ka na feel na feel mo na akung sabihan niyan, FYI! Madami akung boyfriend hindi lang nila alam na boyfriend ko sila kasi kapag nalaman nila malamang! Baka mag break pa kami" tatawa tawang sagot naman niya saka dahan dahang sinusungkit ang hindi pa nababawasang braised spareribs na nasa plato ni France
"o,o,Oy!, kakainin ko pa yan!" hila naman ni France sa ina-abot niya, habang ang isang kamay naman nito ay naka hawak sa Cellphone na may kinaki-usap yata.
"Damot! Che!" malakas na sabi naman niya sabay hila naman sa hotdog na nasa plato ni Jiana
"sapakin kita jan eh! Halos mamulubi na nga tong Restaurant ko every time na tatapak ka dito dahil lahat ng ipina-pasok mo sa tiyan mo utang lahat - na sinasadya mong kalimutan" sagot naman ni France
"ahh, so nanini-ngil na ganun?!, teka at pag ako yumaman isasapak ko ang dollars sa mismong mukha mo, HOY! Jiana anu nga pala ang kaso ng taong singil ng singil?"
"may ganun ba?" takang tanong naman ni Jiana
"ay wala ba?"
"WALA!" sabay sabay naman na sikmat sa kanya ng mga kaharap. Magsasalita na sana siya ng lumapit naman si Daryl sa kanila habang hawak hawak ang mop at punas ng mesa
"heto nanaman ang admirer mo" ngi-ngiti ngiting kindat naman ni Jiana sa kanya sabay nguso sa palapit na Janitor
"Hi Mia, tubig ka ba?"
"Daryl, tigil-tigilan mo ako at hindi ako tubig tao ako, tanga ka ba? Hindi ba halata? Kakausapin mo ba ko kung tubig ako?" na-iiling na sagot niya dito saka muling pinagpatuloy ang pag-nguya ng pagkain
"Ganun ba? Ano na lang sabi ng posporo sa isa pang posporo? Tanong muli nito
"Tanga! Wala siyang sinabi. Posporo nga eh. May kilala ka bang posporong nagsasalita?, lumayas ka nga sa harapan ko at kita mong kumakain ako dito, sinisira mo ang appetite ko, dun ka lumayo layo ka sa akin dun ka sa bandang dun mag mop"
Si Daryl kasi ay dati niyang kaklase nung high school siya, ito na yata ang pinaka manhid at pinaka matiyaga sa lahat ng manliligaw niya, wala kasi itong balak sumuko kahit 10000 times na ata niya itong binasted ito na yata ang nawawalang kapatid ni Mcraffy. Halos pinagsisigawan nito sa buong mundo kung gaanu siya nito kamahal pero dahil nga sa ayaw niya ito, napilitan itong limutin siya, nag-iiyak pa itong lumuhod talaga sa harapan niya pero dahil ni katiting at ni patak na pagmamahal ay hindi talaga niya ma-ibigay ay wala rin itong nagawa, at nung nag graduate sila sa Highschool dahil sa sobrang krisis hindi na nito nalasap manlang ang college kaya ayun, Janitor nalang ang bagsak sa "FABULOUS"
"at teka! nakakadiri ka naman kanina pa kaya lumilipad yung mga libag mo sa ulo, bakit dito ka pa sa harapan ko nagkakamot, don't you know that its rude to scratch in front of a lady" singhal niya pa dito, malungkot namang umalis ito sa harapan niya. Saka naman niya muling pinagpatuloy ang kinakain
"so kelan ka pa naging masama sa kapwa mo tao?" taas-kilay na sita naman ni Jiana sa kanya
"alam mo, nakakasawa na rin naman kasi na pa-ulit-ulit nalang na kapag magkikita kami eh binabanatan niya ako ng kung anu-anu, anu namang magagawa ko di ba? parang mas magandang prangkahin ko nalang siya kesa naman yung parang tangang uma-asa nalang sa akin" mabilis na tanggol naman niya sa sarili, mahirap na baka basahan pa siya nito ng kung anu-anung law articles
"tama nga naman siya Jiana, hayaan mo na siya. Eh ayaw niya talaga sa tao eh kaya we cannot do anything about that na, ikaw baka gusto mo si Daryl. Hala! Siya tulungan mo ng mag mop at parang madami pa yatang lilinisan" sabad naman ni France
"yan nanaman tayo eh 1 versus 2 nanaman" na-iiling na sagot nalang ni Jiana.
Sa ganung pagkakataon ay dineklara na nito ang sariling talunan dahil alam naman nito na hindi lang sa size ng katawan sila lamang kundi pati na rin sa pagalingan ng pambara, kaya nanahimik nalang ito para hindi na talaga matapakan ang buong dignidad, puri at pagkatao.
BINABASA MO ANG
The Run-away Fiancee (COMPLETED)
RomansaMia Bianca Antonio is a traveller, a rare insect eater, loves to paint and a freesoul. She left home to explore her limitations & wanting to create her own personality. Away from the rules and away from her father who does nothing but to control her...