Chapter 8

3.3K 85 12
                                    

MIA

Mabigat ang ulo niya. At masyadong maliwanag ang na-aaninag ng kanyang mata. Inis na ipinatong niya ang kanyang braso sa kanyang mga mata para sana matakpan ang nakakasilaw na bagay na yun. Naramdaman din niyang malambot ang kama kaya naman feel na feel niyang mahiga.

Bumaliktad pa siya sabay yakap sa kung anung nakapa niyang akala niya ay unan. Pero agad din siyang napamulat ng malaki ng maramdaman niyang tao pala ito. Mabilis pa sa alas-kwatrong napatalon siya pa-alis ng kamang kinahihigaan.

"Dammit! JM! What in the word did you do?" nanlalaki at nanlilisik ang matang sigaw niya ng malakas dito

"huh?! Asan ang sunog? Asan!??" mabilis na bangon naman nito sa kama habang ina-antok ang matang nagpapanic na hinanap kung saan galing ang malakas na boses niya. 

Pero agad ding bumalik sa normal ang itsura nito ng makitang siya lang pala saka muling nahiga sa kama

Nang-gigil naman siyang pumunta sa pinto para sana lumabas pero bago pa siya makalapit sa pinto eh. Isang malakas na kamay ang humila sa kanya palayo sa pinto ng kwarto.

"bitiwan mo ako, I have a flight to catch" pasigaw na sikmat niya dito saka pinipilit hilahin ang kamay niyang hawak hawak pa rin nito.

"is that the way to greet your fiancée?" halatang nagpipigil ng galit na sabi nito sa kanya

"you are not my Fiancee. Pwede ba! bitiwan mo ako, pag ako nakalabas dito kakasuhan kita ng kidnapping, carnapping, murder at rape!" malakas na tumawa lang ito ng parang nanloloko lang.

Mabilis na pinagsisipa naman niya ito pero parang wala manlang itong maramdamang sakit sa ginagawa niya.

"Yeah right, Alam mo naman yata na may mga bagay na kahit gaanu mo itanggi ay hindi magbabago. Apat na taon ang sinayang mo, don't you think it's time to act matured and don't you think it's time to go back to reality?" malamig pa sa yelo ang boses na sabi nito sa kanya saka lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa mga kamay niya na feeling niya eh ilang sandali nalang eh maninigas na lahat ng dugo niyang dumadaloy at baka mamaya nga eh tuluyan na siyang mamatay.

"wala kang alam sa buhay ko, and I am not wasting my time. You moron!"

"talaga? Sige sabihin mo sa akin kung anung pinag gagawa mo sa nakaraang apat na taon?, dakilang manga-ngain ng kung anu-anung mga insekto na pati lamok hindi mo pinapalampas na tikman? Naka apat na course ka sa isang taon at ngayon naman nag-aaral ka ng Fine arts pero hindi mo tinapos?, anung not wasting your time?. Ilang beses kang nangibang bansa para lang makuntento yang topak mo sa ulo na maghanap ng kung anu-anung ka weirdohang isusulat mo sa diary mo ha?. Sige sabihin mo sa akin kung hindi ka naglalaro at di ka nagsasayang ng panahon!"

​Nanlalawak na parang tatalsik ang mata niya sa narinig, Ang akala niya, nagawa na niyang makapagtago sa pamilya niya nang maglayas siya, pero heto ang lalaking ito at sinasalaysay ang kanyang four-year autobiography sa Maynila.

"How did-" hindi ma-ilabas ang sasabihin na tanong niya dito, napabuga naman ito ng hangin.

"hindi ako ganun Katanga, ang alam mo ba ay hindi ka namin mahahanap? Wala ka pang isang araw dito sa Manila eh alam na namin kung saang lupalop ng mundo ka nagtatago"

​Sa narinig lalo tuloy siyang nalito at na-inis, kilala niya ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang ama. Na kung alam ng mga ito kung nasaan siya nagtatago ay hindi na ito magtatatlong isip na kaladkarin siya pabalik sa Isla Monte Carlo.

"then why didn't you drag me back sooner?" hindi pa rin makapaniwalang tanong niya dito.

"Ano sa palagay mo?, sinabi ko sa tatay mo na bigyan ka pa ng konting oras. Kilala kita, alam mo yun. I know you better than anyone else, pero hindi mo pwedeng gawin ito habang buhay stop being selfish ang think of your family" madamdaming sabi pa nito sa kanya

"Alam mo JM, akala ko rin dati ikaw lang ang nag-iisang nakaka-intindi sa akin pero nagising ako isang umagang nag-iba ka na, somewhere you stopped understanding the real me. And I am not selfish, I wanted to be alone without anyone following and criticizing every move that I make"

"Really, so sino sa tingin mo ang nakaka-intindi sayo? Mga kaibigan mong mga kapareho mong puro kalokohan ang alam?" naghahamong tanong nito sa kanya

"you don't know me, I've change. And don't you dare na isama sa usapang ito ang mga kaibigan ko dahil hindi mo sila kilala. Dahil kung pagpipiliin ako mas gusto kung magpakasal sa kanila kesa ang makasama ka ng habang buhay. Wala kang karapatang diktahan din ako kasi may sarili akung isip at kaluluwa" gigil na sagot naman niya dito

"Nakikita ko ngang nagbago ka, pero your still that childish girl I met years ago. Mag-ayos ka ng sarili mo at may pupuntahan tayo" utos pa nito sa kanya

"You're bringing me back to Isla Monte Carlo right?" mahinang tanong niya dito

"Yes"

"Pwes! Pwede bang bitiwan mo ako at kanina pa ang ihing-ihi dito! Depende nalang kung gusto mo akung panuoding umihi sa harapan mo"

Matigas na sagot naman niya dito. Inis na binitawan naman nito ang kamay niya kaya naman agad siyang nakatakbo sa C.R. Nang nasa banyo na siya ay narealize niyang nasa isang hotel pala silang dalawa.

The Run-away Fiancee (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon