After 5 years:
"Congrats dude!" yakap sa kanya ni France at Jiana na lumipad pa papuntang Paris para supportahan ang pang 11 na Exhibit niya.
"Salamat mga panget" nakangiting yakap naman niya, kasalukuyan silang nakatayo sa isang malaking hall at sa loob nun ay laman ng lahat ng painting na ipininta niya, nagkaroon siya ng Exhibit kanina lang na pinuntahan ng mga taong nasa linya ng sikat at tinitingala sa lipunan.
It's been 5 years, and she is really living her life and her dream. Walang nagbago sa kanya. She is still the same Mia - Siguro ang nagbago lang sa kanya eh nag mature at mas masaya na siya ngayon kumpara dati. She learned to love her flaws and acknowledge her limitations.
Nakangiting nakatingin siya sa kanyang masterpiece sa Exhibit na ito. Painting ito ng isang matangkad na lalaki nakaside view habang nakatingin sa bintana. Halata sa mukha nito ang pagka-inis at pag ka-irita.
"Kumusta na kaya siya?" Mahinang sigaw ng utak niya
"O anung ngini-ngiti-ngiti mo jan?" tanong naman ni Jiana
''Baka naman dahil tapos na ang exhibit mo baka na-alala mo ng may mga kaibigan kang kanina pa naglalaban ang mga alaga sa tiyan?" sabi naman ni France sa kanya
"Nakakatuwa ka talaga tiyan mo lang ang ini-isip mo" na-iiling na sabi niya dito saka inayos ang kanyang sling bag
"Nakakatuwa ka rin, kahit halatang miss mo na yung tao, timping-timpi ka pa rin na huwag siyang tawagan. Kahit isang 'Hey I'm still alive' hindi mo manlang magawa" na-iiling na sabi pa nito sa kanya, sa sinabi ng bruha niyang kaibigan eh mejo natauhan siya
"5 years is already enough you know" dagdag naman ni Jiana
"Anu na? We have a flight to Catch. Maybe see you on your next exhibit?" Tanong naman ni France
"Nope. Tara na uwi na tayo!" abot hanggang tenga ang ngiting sagot naman niya
BINABASA MO ANG
The Run-away Fiancee (COMPLETED)
RomantikMia Bianca Antonio is a traveller, a rare insect eater, loves to paint and a freesoul. She left home to explore her limitations & wanting to create her own personality. Away from the rules and away from her father who does nothing but to control her...