JM POV
Ibinagsak niya ang pagod na katawan sa malambot na kama. Hindi siya agad makatulog kaya naman inis siyang bumangon at lumabas sa veranda ng kanyang Condominium. Halos sa trabaho na umikot ang buhay niya, his parents told him to have a break but he couldn't because if he does - baka hindi niya mapigilan ang sarili niyang halughugin ang buong Paris para hatakin si Mia pauwi sa kanila. Inis na ihinampas niya ang kamay sa railings ng veranda niya.
"Dammit! Mia! How long do you plan on making me wait?" inis na sigaw niya sa madilim na kapaligiran
"What? 5 years lang hindi mo pa mahintay? Balak ko nga sana eh 10 years" nagulat nalang siya ng may nagsalita mula sa likuran niya, agad naman siyang lumingon dito
"Awww great, wala na nababaliw na ako at naghahalucinate na ako ng todo at na-iimagine na kita ng buong-buo" na-iiling at kunot noong sabi niya saka agad na pumasok sa loob at umupo sa kama niya, pero lumapit nanaman si 'Mia' sa kanya
"Ow? Kelan pa naging 3D ang imagination mo?" Tumatawang tanong nanaman nito
"Nah! Impossible kasing nandito ka" sagot naman niya, na-iiling nalang talaga siya, grabe naman ata siya nababaliw na nga yata siya, saktong hihiga na sana siya ng bigla nalang siyang sinuntok ng "imagination niya"
"Awww!" sapo ang mukhang sigaw niya saka agad na napatayo sa kama niya at napatitig dito
"Sige sabihin mo sa akin kung imagination mo pa rin ako" taas kilay na sabi ni Mia na nasa harapan nga talaga niya, agad namang nagliwanag ang mundo niya ng marealize na tunay nga ito
"You're really real right? You are not my imagination? or my dream right?" tanong pa niya saka dahan dahang tinusok ang pisngi nito.
"Yes"
Sa sobrang tuwa niya eh niyakap niya ito ng buong higpit, alam niyang magrereklamo nanaman ito mamaya pero wala siyang pakialam basta masaya siya na nasa harapan niya ito.
BINABASA MO ANG
The Run-away Fiancee (COMPLETED)
RomanceMia Bianca Antonio is a traveller, a rare insect eater, loves to paint and a freesoul. She left home to explore her limitations & wanting to create her own personality. Away from the rules and away from her father who does nothing but to control her...