MIA
Nagising si Mia, kasi feeling niya eh may nakatingin at nanunuod sa kanyang pag beau-beauty rest niya, kaya naman dahan dahan niyang ibinukas ang kanyang mga mata. Nakita niyang nakabukas ang bintana sa kanyang kwarto agad naman siyang napa-upo sa kama niya, saka mabilis na hinanda ang sarili sakaling may masamang nilalang na pumasok para kunin ang laman loob niya at ibenta ng mahal.
"Don't worry it's me" narinig niyang sabi ng pamilyar na boses
"Anak ng tipaklong naman JM, huwag kang basta lumilitaw ng basta basta. Sa ginagawa mo baka yan na ang maging sanhi ng kamatayan ko" Inis na sabi niya dito, saka mabilis na in-on ang Lampshade sa tabi niya.
"sorry"
"gaano katagal kang nandito? At anu nanamang kailangan mo?"
"kanina lang, gusto sana kitang kausapin. Pero pagdating ko dito tulog ka na"
"o eh tapos? Anu na?" takang tanong pa rin niya habang ina-antok pa rin
"stop avoiding me" biglang sabi nito sa kanya saka lumapit sa kama niya
"hindi kita ini-iwasan" mabilis na tanggi naman niya
"bakit kung pumupunta ako dito, lagi kang tulog, o nasa banyo, nagnanail cutter, naliligo, nagpapaint, nag yoyoga - Lagi kang may ginagawa"
"baka naman coincidence lang yun, wala ka sa tamang timing"
"laging ganun?" taas kilay na sagot naman nito
"kung ayaw mong maniwala bahala ka, at kung gusto mong makipag debate sa akin dahil nanaman jan, sana naman binukas mo nalang at gabing gabi na" nakasimangot na sagot niya dito
"Tapos nung isang araw lang bumalik ka ng Manila na hindi ko nalalaman"
"Busy nga kasi akung tao. Pasalamat ka nga at bumalik pa ako dito" Matagal na tinitigan siya nito. Hanggang sa nakita niyang may nilabas itong sulat mula sa bulsa nito
"they sent that last week, pero hindi ko ma-ibigay sayo kasi nga nagtatago ka sa akin, the letter contains na, pasado yung painting mo. At kasama ka sa mag eexhibit sa Paris" sabi nito sa kanya.
Agad naman niyang hinablot ang sulat na inabot nito, saka agad niyang binasa ang laman nito ng buong-buo.
"kung gusto mong pumunta hindi kita pipigilan" mahinang sabi nito saka naglakad na palabas sa kwarto niya.
Halos lahat ng sinabi nito eh kusang sinipsip ng puso niya, mabilis naman siyang umalis sa kama niya saka agad na yinakap ito mula sa likuran
"Salamat, I will be forever grateful for this, at last JM I found the real me, I found something I can call my own" umi-iyak na sabi niya dito. Agad naman nitong hinawakan ang kamay niyang nakayakap sa bewang nito
"Just Go! Chase your dreams, and I will be right here waiting for you" ito ang huling katagang lumabas sa bibig nito
Author's Note:
Ayieeee! May pa backhug! Sorry na. Hindi ko talaga alam dati pa kung paanu gumawa ng Love/Sweet Scenes. Hanggang Backhug lang ang kinaya ko. Epekto ng kapapanood ng K-Drama! Oppaaaaaa! Oppaaaakaan kita jan! 😂🙈
BINABASA MO ANG
The Run-away Fiancee (COMPLETED)
RomansaMia Bianca Antonio is a traveller, a rare insect eater, loves to paint and a freesoul. She left home to explore her limitations & wanting to create her own personality. Away from the rules and away from her father who does nothing but to control her...