Chapter 1 First Meet?

2.6K 83 0
                                    


Hi! May gusto lang akong sabihin bago mo 'to basahin. Gusto kita... Joke. Gusto ko lang sabihin na marrami po siyang error, wrong grammar dahil hindi pa siya naeedit at hindi din po siya kasing ganda ng inaashan niyo. Pero kung gusto niyo pa ding basahin go, go, go.

CHAPTER 01

Yara Salvador's PoV

"Ma, Pa, bakit po kayo umiiyak? Ayan tuloy, naiiyak na ako." Sabi ko sabay punas ko ng luha ko. "Pa, ingat kayo ni mama ha? Alis na po ako." Sabi ko saka sumakay na sa bus. Pagkasakay ko ay natulog na ako.

Pag-baba ko ng bus nilabas ko 'yung wallet ko at nakita ko na isang libo na lang talaga ang laman nya.

"Ay ate, saan po ang lugar na 'to?" Tanong ko sa tindera.

Pinakita ko 'yung address ni tita. May bahay kasi sila dito. Duon din daw ako matutulog sabi ni mama.

"Ah iyan ba? Nakikita mo 'yung mall na iyon?" Turo nya sa napakalaking mall na may karatulang ZM. "Tapos sa likod noon ay school. Tapos may subdivision sa kaliwa at 'yon na 'yan." Sabi nya.

Ano daw? Nakalimutan ko na agad. Hindi na ako nagtanong, pupunta lang muna ako sa mall para kumain.

Natawa ako dahil sa lahat ng pwede ko'ng gawin kumain talaga!

Kanina pa kasi talaga ako naiihi kaya nag C.R. muna ako. Paglabas ko nagtitilian na 'yung mga tao.

"Grabe sila makatili kala mo eh kinukurot ang mga singit."Bulong ko.

What the.... angel? Nakakita ako ng isang lalaking gwapo at sobrang tangkad. Mga nasa 6'1 yung height nya, tapos ang puti kala mo harina na naging tao. Nang may lumapit na babae sa kanya at humingi ng duofie, oo duofie kasi hindi isa kundi dalawa. So humingi ng duofie yung babae pero bigla nyang kinuha at inapakan 'yung cellphone nung babae.

"Hindi nya ba alam kung gano kamahal 'yung cellphone na 'yon?" Tanong ko sa sarili. "Naku, kawawa naman si ate."

Lumapit ako sa lalaki at tumayo ako sa harap nya. Tinanggal ko yung shade nya saka cap para lumabas naman ang gwapo nyang muka. Medyo ibinaba ko 'yung mukha nung lalaki. Tumingkayad ako at bumulong.

"Mag-sorry ka, mister." Bulong ko.

"Why?" Tanong nya. "Sino kang panget ka para utusan ako ha?"

Aba ang angas neto ah! Ano bang hanap ng kupal na ito ha?

'Panget? Ako? Ha-Ha-Ha. Ano namang pake ko?'

"Tignan mo sya." Sabi ko sabay turo kay ate. "Makiki-duofie lang sa'yo eh inapakan mo na 'yung phone nya. Ang sama ng ugali mo, mister." Sabi ko. "Saka hindi ako panget. For your information, I'm beautiful."

"And who the hell are you to tell those things, ha? For your information din, wala akong pake sa mga katulad nyo, at walang may pake kung panget ka man o hindi." Sabi nya.

"I'm not hell but if you don't want to say sorry to her, well, you will see the hell." Sabi ko at sinamaan sya ng tingin.

Hindi na 'yon bulungan, kundi sagutan na.

'Tss gwapo sana eh, kinulang lang sa manners'.

"Tss. Whatever." Sabi nya saka tumalikod.

'Ang yabang talaga ng mokong na to ah.'

Hinawakan ko 'yung balikat nya para mapahinto sya sa paglalakad. "No, you can't go. Say sorry first, Mister."

"I Don't Like." Mariin nyang sabi sa bawat salita habang nakipaglaban ng titigan sa akin.

Destined For You ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon