Chapter 10 flashback

751 52 5
                                    

CHAPTER 10

"Mamaya na wala pa namang mga tao sa harap ka muna." Pangangatwiran ni Jam saka chill na umupo sa upuan ni Hanz.

"Ayaw kong umupo sa ibang upuan." Sabi nya at tinapik-tapik pa 'yung likod ni Jam. Nung nainis sya hinila nya na si Jam, nung nahulog si Jam umupo sya sa tabi ko.

'Apaka ano talaga nito. Ganun ba ang tamang pagpapaalis?'

"Dun na nga ako. Bye Yara." Sabi nito saka umupo sa harap.

"Bye." Sabi ko.

"Hahalikan mo talaga sya ha!" Galit na wika nya tapos nagtanggal ng jacket tapos nilagay 'yun sa tuhod ko.

"Hindi ko sya hahalikan!" Inis na sabi ko. Hahalikan amp.

Saka ano naman sa kanya kung halikan ko si Jam? Pero di ko yun gagawin kasi Delegeng pelepene ako, with pabebw wave pa. Joke.

"Mangangatwiran ka pa! Saka tignan mo nga 'yang suot mo, damit pa ba 'yan?" Tanong nya.

Ambobo naman nito. Syempre damit to.

*House*

Pagpasok ko sa pintuan nakita ko si tita na nagluluto.

"Andito na po ako." Sabi ko ng binuksan ko yung pinto. "Andyan na po si Dyan tita?" Tanong ko.

"Oo nasa kwarto na at natutulog." Sabi ni tita.

"Tita akyat na po ako sa taas." Sabi ko at umakyat na.

Pagpasok ko ay humiga ako at matahl na tinitigan yung kisame.

*dream/ flashback*

('Yung nakaraan mo ay babalik sa pamamagitan ng panaginip.)

"Hoy bata! Anong pangalan mo?" Tanong sa akin ng isang batang mataba na naglalaro ng lupa sa bakuran nila na katabi ng bakuran namin. May tinayong bahay sa gilid ng bahay namin, 'yung bahay namin malaki at elegante. 'Yung isang kwarto kaharap ng sa akin. May harang sa gitna ng bahay namin baggong tayong bahay.

"Bago kayo dito?" Tanong ko habang nakaupo sa tuktuk ng puno ng mangga sa bakuran ni mama. Mahilig kasi akong umakyag ng puno.

"Oo, kayo, matagal na kayo dito?" Tanong nya habang nakatingala sa akin.

"Oo. pinanganak ako dito eh." Sabi ko.

"Ilang taon ka na ba?" Tanong nya habang nakaakyat sa upuan.

"Five, eh ikaw?" Saka pinakita ko 'yung kamay kong isa.

"Six, masmatanda ako sa'yo ng ganito." Pinakita nya pa 'yung isa nyang daliri.

"Rara!" Sigaw nung katulong namin. At tumingin sa taas ng puno. Alam nya naman na dun lang ako lagi. "Hay nakung bata ka, nasa taas ka na nanaman. Hala halina at tayo'y kakain na." Sabi ni Yaya Mina habang pinapababa ako.

Kumaway muna ako sa batang mataba bilang paalam bago bumaba, si Yaya naman ay binuhat ako para makababa.

Marunong akong umakyat pero Hindi ako marunong bumaba.

"Hala'y ano bang ginagawa mo roon?" Tanong nya habang pinupunasan 'yung likod ko.

"Mahangin po kasi doon." Sabi ko. "Sawira 'yung hangin."

"sariwa! " pagtatama nya. "Oh sige maghugas ka na ng kamay." Sabi nya at binuksan pa 'yung gripo saka ako binantayan habang naglilinis ng kamay.

*hapag*

"Rara umalis ka nanaman ng hindi nagpapaalam?" Tanong ni papa at ibinaba 'yung dyaryong binabasa nito.

"Hindi po ako lumabas. Nasa likod lang po ako." Nakangusong sabi ko.

Destined For You ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon