chapter 11 you stole my first kiss!

287 25 0
                                    

Chapter 11

Nasa rooftop kami ngayon ni Hanz. Wala naman daw gagawin duon eh. Magkaharap kami ngayon habang nakaupo, ng bigla nyang kunin 'yung ipit sa pulsuhan ko saka pumunta sa likod ko at inipit iyong buhok ko.

Napangiti ako dahil sa ginawa nya. Tinignan ko sya habang ginagawa nya 'yon.

'Lucifer...'

Umupo uli sya sa harap ko at may inilabas na baunan at binuksan 'yun. Spicy noodle,. paano ko nasabi lumilitaw iyong mga buto ng sili.

"Let's play... Never have I ever. Imbis na uminom ay kakain tayo at walang tubig." Sabi nya saka naglabas ng dalawang tinidor.

"Okay game." Hindi ako nag-aalala kasi mahilig ako sa maanghang. "Ikaw muna."

Sabi nga nila lahat ng pwede mong gawin ay gawin mo na dahil baka sa susunod ay hindi mo na iyon magawa. Wala akong paki sa mga sinasabi nila sa akin kasi pag-umalis na si Angelica aalis na din ako sa pagiging girlfriend nya.

"Never have I ever... Nagpangalan ng ibang name sa isang tao o nag alyas.." Sabi nya.

Guilty ako dyan kasi naman ginagawa ko yun. Kumain na ako kasi nga diba Lucifer ang tawag ko sa kanya. Hindi ko kinaya 'yung anghang nya. Puro sili yata 'to eh. Pero 'di ko parin pinahalata. Huh! Kala nya maaanghangan ako? Pero bakit hindi sya kumain?

"Sino naman ang ginawa mo ng alias?" Tanong nya.

"Ikaw," sabay turo ko sa kanya.

"Ako? Ano naman 'yun?" Tanong nya.

"Lucifer?" Baka magalit sya! Pero Hindi naman pala.

"Okay. Ikaw na." Huh? Ganon lang 'yon?

Nag-iiba na talaga sya.

"Never have I ever.. Forget the person who I promised for." Sabi ko. Tss ang tanga mo Yara nakalimutan na nga diba. So walang sumubo.

Hay minsan may pagka bopols din ako eh.

"Never have I ever.... Cheat." Talaga bang 'yan? Kumain nanaman ako.

Dakilang cheater ako nung bata ako eh.

"Talaga nag cheat ka na?" Tanong nya pa.

"Oo nung bata ako lagi akong nanduduga pag naglalaro ako, kaya andami kong nakaaway nung bata ako eh." Sabi ko.

Pag naglalaro kami nun hindi ako nagpapatalo kaya nanduduga ako.

"Ako na! Never have I ever.... Cut my class." Well sigurado akong nagawa nya na 'yon. Sumubo ako. Tumawa lang sya. "Teka bakit hindi ka kumain? Hindi ka pa ba nag cut ng class?"

Nakakainis na to ah! Nagcut na ako ng class diba nga nung nakakain sya ng hipon.

"Hindi.. Never kong ginawa 'yon. I'm serious when it come to girl and study. Bakit ikaw? Nag-cut ka na ng class?" Nakakunot ang noo nyang tanong.

"Oo, diba nung nakakainis ka ng hipon." Sabi ko. "Kumain ka nag cutting ka din nun." Sabi ko.

"Hindi yun cutting. Excuse ako nun." Sabi nya saka nilayo yung tinidor na isinusubo ko sa kanya.

"Ang duga! Kahit na dapat kumain ka pa din." Inis na sabi ko.

"Hep tama na 'yan magtatanong na ako." Sabi nya kaya pabagsak kong bumaba yung tinidor.

"Never have I ever.... Use makeup." sumubo nanaman ako paano ba naman eh..... Paano sya gagamit ng makeup eh lalaki sya.

Dugaan pala ah.

"Never have I ever...." Ano kaya 'yung nagawa nya na. Aha! "Got a real relationship with my childhood friend." Sabi ko. Well. Childhood friend nya si Angelica. Kukunin nya sana 'yung tinidor ng pigilan ko sya.

Destined For You ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon