chapter 16 friendly dinner date

223 23 0
                                    

Chapter 16

Yara's PoV

Nakapagtataka dahil isang bwan ng hindi pumapasok si Hanz, pinaghahandaan namin ngayon 'yung christmas party namin. May balloon na naka tape sa taas. May dicoration na din 'yung harap. Naka gilid na 'yung mga upuan.

"Okay class write your name in one-fourth sheet of paper, at syempre kasali ako." Masayang sabi ni Ma'am. "Isulat nyo din 'yung absent. Sino ba 'yung absent?" Tanong ni ma'am.

"Ma'am si Hanz lang po." Sagot nung secretary namin.

"Oh, I forgot na sabihin sa inyo. Lumipat na ng ibang school si Hanz, so hindi na sya kasali." Sabi naman ni ma'am.

Biglang akong lumungkot sa balita ni ma'am.

'Bakit sya lumipat? Siguro para hindi na kami makita.'

"Ahh ma'am saan po sya lumipat?" Tanong ko, nag-ayie silang lahat pero wala akong pake.

Gusto ko lang malaman para alam ko kung nasaan sya. Kahit yun lang ay ayos na.

"Hindi ko din alam Yara." Sagot ni ma'am.

"Okay pass your paper." Ng mapasa na lahat pinabunot kami ni ma'am ng ako na 'yung bumunot ng pangalan tinignan ko agad 'yung pangalan.

"Dahil mukang ayos na ang lahat kaya ibibigay ko na sa inyo ang oras na to." Sabi ni ma'am saka lumabas.

"Yes!" Sigawan ng mga kaklase ko pero ako malungkot padin.

|Jam Zest.| sya iyong nabunot ko.

Pagtapos ng oras namin ay pumunta na agad ako sa ZM, bibili na ako ng regalo para sa kanya. Pagpasok ko sa mall pumunta muna ako sa food court para kumain. Pagtapos kong kumain nag cr ako paglabas ko ng cr may bigla akong naalala.

"Dito ko sya unang nakita." Sabi ko habang iniimagine na nakatayo sya sa harap ng maraming babae.

"I miss you!" Bulong ko.

Napadaan ako sa World of fun na dating pinuntahan nanin, at hindi ko namalayan na pumasok na pala ako duon.

Naalala ko nanaman yung mga oras na kasama ko sya dito. Naglalaro at tumatawa kaya paluha nalang ako nung naalala ko yun.

'Hindi naman ganon matagal ang pinagsamahan natin pero bakit ganito ako ako kaapektado sa pag-alis mo. 183 days lang naman akong nagpanggap bilang girlfriend mo.' Napaluha nalang ako ng hindi ko namamalayan.

Lumabas nalang ako ng tapos tumingin nalang ng pwede kong bilin na regalo at may nakita naman akong libro.

Alam kong mahilig si Jam sa mga librong tungkol sa cooking kaya ayun nalang ang binili ko sa kanya. Pinabalot ko na din ito saka umalis sa mall. Wala ng dahilan para matagal pa ako duon

'Wala akong karapatang masaktan dahil hindi naman totoong naging kami. Wala din akong karapatang mahal in nya dahil hindi ako katulad ni Angelica.'

Today is December 13, 2019 at ngayon magsisimula ang okasyon na hinihintay ng lahat.

"Wow Yara ang ganda mo talaga." Sabi nya kaya ngumiti lang ako sa kanya.

"Hindi ka ba napapagod na sabihin akong maganda?" Tanong ko dahil bukod sa sarili ko at kay tita ay sya lang ang nagsasabi sa akin nuon.

"Bakit naman ako napapagod na sabihin yun sayo eh tatlong salita lang naman yun." Nakangiti ng sabi nya.

"Ikaw talaga." Sabi ko saka umupo.

Sobrang saya ng lahat ng tao dito sa kwartong ito at makikita mo ang mga ngiti na hindi mapapalitan.

Naalala ko yung unang beses syang ngumiti sa akin.

Destined For You ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon