Chapter 3 Cleaning Project.

1K 54 0
                                    

CHAPTER 03

Yara's POV

Kalalabas ko lang mula sa bahay at nilalamig pa ako dahil ang aga ko nagising dahil sa takot ko kaya heto ako naglalakad habang nilalamig. Madalimg araw palang pero nakita ko na agad sa labas ng gate si Jam. Lintek na to, akala ko ako ang mag-iintay sya kanya sya pala.

Ang gwapo nya tignan nakahedset sya habang nakapikit na nakaupo sa gilid.

"Oy kuya! Tara na." Sabi ko saka sya tinapik, kaya napalingon sya sa akin, kaya inayos ko yung buhok ko.

Eh, enebe! Delegeng pelepene!

"Tara na." Sabi nya saka tumayo at naglakad na.

"Okay class, siguro naman close na kayo ng katabi nyo. So meron tayong magaganap na voluntary cleaning ang ating school. Pero hindi talaga sya voluntary dahil sapilitan 'yon. Kaya, humanap na kayo ng ka-partner nyo para sa cleaning project ng ating school.

"You will be my partner." Simpleng sabi ni Hanz.

Wow makautos bakit pinapasweldohan mo ba ako? Kapal!

"Teka may partner na ako!" Sabi ko at luminga linga sa paligid.

"Who?" Paktay wala akong makita. OMG bulag na ako! Joke. Wala akong makitang partner dahil lahat sila ay mero na. Pagharap ko sa kanya ay may binato syang damit.

"Change your cloth. Baka madumihan mahirap maglaba." Sabi nya at hinagis ang damit na kulay dark brown na papunta na sa black. Maglalambing na ngalang ganon pa.

Ipakain ko sa kanya to eh. Bwisit sya kala mo si tinuturuan ng maayos!

"Salamat?" Hay ewan pumunta nalang ako sa ladies room at nagpalit.

Nasa cubicle pa ako ng makarinig ako ng malanding boses.

"Nakita mo ba si papa Hanz sa labas ng C.R. gosh parang may hinihintay na lumabas. Feeling ko ako 'yun." Sabi nung babae. Lumabas ako ng cubicle. At nakita ko silang todo kung mag make-up.

Hindi ko na sila pinansin at lumabas nalang. Paglabas ko. "Ay baboy na lumilipad na may sungay ng demonyong Hanz!" Gulat na sabi ko ng nakita ko si Hanz sa labas ng C.R. ng mga babae. Ikaw ba naman makakita ng gwapong demonyo sa labas ng comfort room ng babae, hindi ka magugulat? At parehas kaming naka- brown.

Oh talaga naman, gusto kakaiba eh. Ano sya alien? Dinamay pa ako sa kalokohan.

"What? Flying pig? And me" turo nito sa sarili. "A demon?" Nakakunot noo nyang tanong. Pero hindi ko sinagot at bumaba nalang.

Naku! Nag tanong pa. Ipatahi ko sa kanya yung blouse na sinira nyang kupal sya.

"Okay class bumaba na tayo sa lobby para sabay-sabay tayong lalabas!" Sabi ni ma'am ng nasa room na kami.

Ng nasa lobby na kami lumapat ang aking lobby sa lobby ni Hanz ng matisod ako. Joke. Nasa lobby na kami at naglalakad sa katirikan ng mata ng malalanding clown este araw at ako pa talaga ang nagpapayong sa mokong. Nakita ko din na kami lang ang hindi naka-uniform. At ng nasa manila bay na kami, binigyan kami ng pwestong lilinisin. Ng may kanya- kanya na nami ng pwesto ay naglinis na kami.

Hirap talaga kapag katulad nya ang kasama nyo kasi para syang tuod!

Napatingin ako sa kasama ko na kampanting nakaupo sa gilid at nagce-cellphon lang habang umiinom ng bottled water. At ang hayop nakapayong pa.

Arte ni baka oh. Kala mo talaga gwapo, medyo lang naman.

"Hoy ikaw bilisan mo at naiinitan ako." Sabi nya.

Wow naman talaga eh kung tumulong na kaya sya. Ihulog ko sya dito sa tubig eh. Salamat sya takot ako sa kanya kundi!

"Ay sorry po kung naiinitan na kayo kamahalan. Ang dami kasing KALAT lalo na iyon nakaupo. Tapos mag-isa lang akong naglilinis. Saka mainit talaga kasi nandyan si Lucy eh." Sabi ko.

Destined For You ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon