Chapter 6 Deal

800 53 0
                                    


CHAPTER 06

Yara's POV

Nandito kami sa garden ni Dayn nakaupo at inaayos 'yung project nya. Wala kasi syang tyaga kaya tinutulungan ko na.

"Ayos na 'yan." Sabi nya saka inilagay sa loob ng palasyo si Adolf Hitler sa harap ng bandila ng Germany. Tapos maraming tao na nakaluhod sa baba ng palasyo.

(Tama po ba? Haha nakalimutan ko na kasi 'yung lecture namin dati. Basta ang alam ko lang si Adolf ay isang German politician na dakilang diktador. Hahaha basta 'yun na 'yun. Sorry kung Mali ah?"

"Matulog na kayo." Sabi ni tita na nakabihis na ng pangtulog.

"Opo!" Sabi ko at niligpit ko na 'yung mga kalat. Tapos nagpaalam kay Dayn saka umakyat na sa kwarto ko. Ng nakahiga na ako naalala ko 'yung nangyari kanina.

******flashback.

"Anong kalokohan 'yung ginawa mo kanina?" Tanong ni Hanz. Dalawa nalang kasi kami kasi umalis na 'yung dalawa. Galit na galit ito kaya napasimangot ako.

Kalokohan? Eh sya nga yung may gusto nun eh!

"Kung hindi ko ginawa 'yun magmumuka kang loser." Sabi ko. "Halata naman kasi na gusto mo parin si Angelica. Hindi ka parin nakaka-move on, no?"

Oo napansin ko yun. Sya na nga yung tinutulungan ko sya pa talaga yung galit. Edi dapat hindi nya nalang ako hinatak.

"Napakahirap nya kasing kalimutan." Malungkot na sabi nya.

Ngayon ko lang sya nakita ng ganito. Ang emosyon na Hindi nya madalas ipakita pero siguro ngayon ay Hindi nya na talaga mapigilan.

Oo masakit naman talagang makita na masaya yung mahal mo sa piling ng iba. Alam ko yun, kasi nanunuod ako ng mga Drama.

"Hindi naman sya ang nakalimutan mo, 'yung feelings mo sa kanya. Hindi mo talaga sya makakalimutan kasi part sya ng past. Ang memories  ay memories padin at hindi yun pwedeng burahin."

"Ayun na nga na-stock ako sa past." Malungkot na sabi nya saka bumuga ng isang malalim na hininga.

Bakit naaawa ako sa kanya? Bakit parang nasasaktan ako?

Naawa ako sa kanya. Naku kahit naman si Lucifer may bait na tinatago 'yon.

"Anong gagawin mo kung takot ka sa dlilim pero na-stock ka sa elevator at wala kang kasama? Anong Sagot?" Tanong ko, saka umalis na pumunta sa front door ng mall.

Kaylangan mong labanan! Hindi pwedeng lagi ka lang nasa past, kaylangan mong I let go yun para makamove over ka to the next stage. Kaylangan mong ihakbang ang pala mo para makalakad ka. Kaylangan may gawin ka at Hindi lang basta tumunganga.

**********

Nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip ang nangyari kanina.

"Siguro kaya sya umiiwas na mainvolve sa mga babae ay para hindi na sya masaktan. Kasi mahal nya padin si Angelica."

"Ahhrg! Bakit ko ba kasi iniisip pa yun? Hindi naman ako kasali sa issue nila ah!" Inis na sabi ko saka tumayo at tumingin sa salamin, tapos humiga ulit ako saka nagtalukbong ng kumot.

Pumasok nanaman ako ng maganda este maaga pala, naku may late na kaya ako. Habang naglalakad ako sa hallway may humila sa aking demonyo.

Hindi nya ba kayang tigilan ang panghahatak ng tao?

"Ano bang problema mo at nanghihila ka!" Sigaw ko. Bigla nyang tinulak 'yung ulo ko gamit 'yung dalawa nyang daliri.

Array! Ang sakit sa lalamunan.

Destined For You ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon