Chapter 4

9.5K 350 80
                                    

'First Hit'


"You ready for graduation tomorrow?"
"Sino nga si Miu?"
"What? Katabi? I was alone the whole time."

Those words.

What are they supposed to mean? Am I hallucinating? And I keep seeing this girl everywhere. Is she a ghost or something? Bakit ako lang ang nakakakita sa kanya? Or was she just one of my imaginations? Was I too stressed?

"Mommy?" Natigil ako sa mga iniisip ko nang marinig ko ang boses ni Xy doon sa pinto.

Tumingin sa kanya na nakadungaw at nakatingin sa akin. Umupo ako sa kama ko at tiningnan siya at tinapik ang gilid ng kama ko. Pumasok siya sa kwarto ko at nakita ko siyang umaakyat sa aking kama. Hinila ko siya at pinaupo sa gilid ko.

Naramdaman kong basa pa ang buhok niya at nakapajamas na siya. Kumuha ako ng tuwalya at pinunasan ang basang buhok ni Xy.

"Who washed you?" nakangiting tanong ko sa kanya.

"Dad," sagot niya habang naglalaro ng bola sa kamay niya. Matapos kong patuyuin ang buhok niya ay kinuha ko ang lotion sa drawer ko at nilagyan si Xy ng lotion sa katawan. "Are you okay?"

Saglit akong tumigil sa pagpupunas ng lotion sa braso niya at tiningnan siya. Nakatingin lang siya sa akin. Ngumiti ako at kinurot ang pisngi niya.

"I'm fine. Thank you for asking."

Kinarga ko siya tsaka dinala sa kwarto niya. Hiniga ko si Xy sa kama at kinumutan tsaka ko pinisil ang ilong niya. "Feeling baby ka na talaga ah," pagbibiro ko sa kanya at tumawa siya.

"Masarap maging baby e. Ang daming nag-aalaga sa akin," aniya habang hawak-hawak ang kamay ko. Ngumiti ako at hinalikan na siya ng noo.

"Alright, sleep now. Baby Xy," pahabol ko sa kanya.

Nakita kong ngumiti siya. Pinatay ko na ang lamp shade sa side table niya at umalis ng kwarto niya. Napansin kong si Milo lang ang nasa kwarto niya at wala naman 'yong iba kaya dahan-dahan akong lumapit doon sa railings ng hagdanan at tiningnan ang sala. Nakita kong nandoon iyong iba at nakatingin sa TV. Babalik na sana ako sa kwarto ko nang marinig ko ang sigaw ni Hoshi. Bumalik ako doon sa railings at nakita ko siyang kakaakyat lang mula sa basement.

"Guys!" sigaw niya.

Itinaas ni Seth ang hintuturo niya at pinatahimik si Hoshi pero hindi ito sumunod at naghalupasay doon sa sahig saka bumangon at nag-ingay na naman. "Ah! Ano ba kasi 'yon?!" inis na tanong ni Dino sa kanya.

"S-Si Wolfie!" Humigpit ang hawak ko sa railings at umalerto naman 'yong iba.

"Bakit?!" tarantang tanong ni Seth sa kanya. Hinawakan ni Hoshi ang dibdib niya habang tumakbo naman papasok sina Jayden sa basement. "K-Kasi..."

Hindi natapos ni Hoshi ang sasabihin niya dahil tinakpan niya ang mga mata niya at ang bibig niya. "Hosh, what's wrong?" tanong ko sa kanya habang dahan-dahan na akong bumababa sa hagdanan. Tumingin siya sa akin at napalunok.

"May nipple piercing siya," sagot niya at saglit akong natigilan.

"What?!" sabay naming tanong ni Walter sa kanya. Tinakpan ni Hoshi ang mata at bibig niya tsaka tinapon ang sarili sa sofa. Tumingin naman ako kay Wolfie na naglalakad paakyat mula sa basement at inaayos niya ang damit niyang nagulo at inis na nakatingin kay Hoshi.

"Akala ko kasi piso 'yong nahawakan ko kaya kukunin ko sana pero hindi pala! My eyes! My innocent eyes!"

Pinakinggan namin si Hoshi na nagsisigaw doon sa sofa at sinisiksik pa ang sarili niya sa gilid nito. Napabuga ako ng hangin at tumingin kay Wolfie na pinapalibutan na ng iba.

Lost SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon